CHAPTER 14

188 8 0
                                    

Chapter 14

For the past few days, I stayed at Elijah’s unit which is a new thing for me. Sanay na ako sa routine sa bahay kahit naka-short lang ako at t-shirt na walang suot na bra ay ayos na ayos lang, tutal naiiwan naman akong mag-isa minsan.

But being with him, sleeping with him and doing things with him together is too much for me. Sabay kaming umuuwi at kapag hindi masyadong late ay dito kami kumakain at nagluluto kami pareho. Naging bonding na namin ‘yon bukod sa manood ng Netflix habang nag mi-meryenda. Kapag alam naming mag o-overtime kami ay sa labas kami kakain at pupunta sa tuktok na lugar para manood ng city lights.

It was all perfect. Tuwing kasama ko siya, wala akong iniisip na iba. Simula no’ng tumira na ako sa unit niya, I always look forward on going home because I know he’s going to be with me. Tuwing nauuna na man ako sa pag-uwi, sinisiguro ko namang gising pa ako pag nakauwi siya. I wanted to great him ‘welcome home’. ‘Yong tipong para akong asawa na naghihintay sa pagdating niya. Every damn time that I’m with him, it flies so fast.

Katulad na lang ngayon, weekend at naghahanda ako ng makakain habang siya ay naliligo. Tutal tapos naman na ako kanina pa, might as well cook while waiting for him.

Ngayon kami aalis para pumunta sa mga furniture shops na balak naming pagbilhan. Marami siyang alam na stores kaya hindi kami gaanong matatagalan sa paghahanap. He suggested if I wanted to buy it online but I prefer seeing it in person. Para malaman ko talaga kung worth it ang perang igagastos.

I still don’t like the idea na siya ang gagastos ng lahat pero alam ko naman sa sarili ko na wala talaga akong mai-aambag. But since Elijah already told me it’s okay, then it’s fine. Hindi ko siya bibiguin sa mga gamit na gusto kong bilhin. I’m sure he will love it.

Nang makarating kami sa store ay may nag-assist agad sa amin. Katulad ng pangako niya, hindi niya ako iniwan at sa lahat ng mga gamit na binili namin ay kaming dalawa ang nag de-desisyon.

And it’s a new experience for me, yet it’s fulfilling. Kung noon na i-imagine ko lang ‘to,  ngayon nangyayari na talaga. Lahat ng pangamba at takot ay ipinagsawalang bahala ko. Bakit ngayon pa? Ngayong nakikita kong may pinagkaiba hindi katulad noong una.

Dahil hindi naman namin madala lahat ng gamit ay ipapa-deliver na lang namin ito sa bahay para less hassle na rin. At hindi lang iisang store ang pinuntahan namin, umabot kami ng limang store bago matapos ang lahat. Sa tingin ko nga ay may kulang pa pero saka ko na iisipin. My feet is aching and I wanted to lay on the bed, resting.

At mukhang napansin ‘yon ni Eli dahil dumaan lang kami sa drive thru at mabilis na umuwi habang karga-karga ako papunta sa unit niya.

“Thank you.” I said. Yumakap ako sa kanya habang papasok sa kwarto.

“It’s okay, I know you’re tired. Just rest, hmm?  Hahatiran na lang kita ng pagkain.”

Inihiga niya ako sa kama at dahil pagod ako at inaantok ay tango lang ang tinugon ko. Hinalikan niya ang noo ko at kinumutan. He whispered something in my ear but because I’m too tired, I didn’t hear it clearly until I fall asleep.

Nagising lang ako dahil sa kumakalam ang sikmura at hindi alam kung anong oras. Something is wrapped on my waist and when I saw who was it, it was the naked Elijah.

Kaya pala komportable ang tulog ko, yakap na pala niya ako at ‘yong init na nararamdaman ko kanina ay ang katawan niya.

I faint a small smile and slowly, I unwrapped his hand on my waist. Bahagya siyang gumalaw pero hindi naman nagising na pinagpasalamat ko. I know that he’s tired so I don’t want to wake him up. Kaya hangga’t maaari ay puno ng pag-iingat ang bawat galaw ko patungong kusina para kumain. Iniwan kong naka dim lights ang kusina dahil sapat na ‘yon para makakita ako ng maayos.

HIS LOVELESS PROPOSALWhere stories live. Discover now