Chapter 12
I am now finally back to reality. I mean, sa totoong mundo kung saan magtatrabaho na ako, may aasikasuhin na mga papeles at kung ano pa na related sa kinuha kong kurso. Our trip were so fast. Pero masaya at nag-enjoy naman ako dahil kasama ko siya. Medyo may tampuhan pero naisip kong masyado lang akong OA. Sa halip ay hindi ko na lang ‘yon inisip para hindi na mas mahirapan ang puso ko.
And I enjoyed every minute I spend with him in the ocean. I was so glad that I got to be with him, na nagyaya siya at ako ang naisipang isama. I felt so happy, I don’t know what exact word should I put it. Kasi kapag alam kong kasama ko siya, panatag ako, masaya at walang pakialam sa paligid bukod sa aming dalawa.
When did it happen? Kailan ko nararamdaman ang ganitong pakiramdam? Kahit ilang ulit ko itong itanong sa sarili ay wala akong makuhang sagot. Even I, my self, don’t know the answer. At mananatiling ganito palagi.
Lunes nang umaga at handa na akong pumasok sa trabaho nang makarinig ng busina nang kotse sa labas ng bahay. Napapikit ako’t huminga nang malalim dahil alam kong si Eli ito at sinusundo ako. I already talked to him na hindi na niya ako kailangang sunduin, may kasama naman ako papunta sa kompanya pero hindi talaga siya nagpapatalo at palaging kagustuhan niya ang masusunod. Mabuti na lang at hindi ko pa nati-text si Summer na sabay na kaming pupunta. And yes, Summer is hired in his company too. Not because she’s my friend but because she has the potential.
“Anak, nandiyan na ang sundo mo. Hindi ka pa ba lalabas?” si mama na biglang sumilip sa kusina. Pumihit ako paharap sa kanya at tumango.
“Lalabas na ako, ‘ma. Ingat kayo dito, okay?”
“Oo naman.” Lumapit ako’t hinalikan siya sa pisngi. “mag-ingat ka rin.”
“Opo.” Ngumiti ako at kumaway bago kinuha ang lahat ng gamit at lumabas ng bahay. Walang trabaho si mama kaya siya ang maiiwan dito sa bahay.
When I got out, Eli is already waiting for me while leaning on his car. Hawak ang cellphone at may tina-type na kung ano nang biglang tumunog ang cellphone ko. He was probably texting me.
Dahil sa ingay ay lumipat ang tingin niya sa akin. Binaba niya ang hawak na phone at malalaki ang hakbang na lumapit sa akin kapagkuwan ay kinuha ang bag para bitbitin.
“Good morning, sweetie. Let’s go?” he flashed his sweetest smile and it melted my heart.
Palagi akong nagpapasalamat sa Kanya at isa ang araw na ‘yon ngayon, ang makita ang matamis at malambing niyang ngiti na alam kong para lang sa akin. He’s too clueless about what he does to my heart.
Huminga ako nang malalim para habulin ang pagkapos ng hininga dahil sa ngiti niya.
“Good morning, boss. Ite-text ko na sana si Summer na sabay na lang kami, sinundo mo pa ako.” I said, emphasizing the word ‘boss’ because I know starting from now, he will become my official boss.
“Boss..” he whispered. “that sounds great. I like it.” Something flashed within his eyes that made me squint my eyes at him. Tumawa siya at pinisil ang pisngi ko bago hinuli ang kamay para pagsiklupin ito.
“Iba ‘yang tingin mo, eh. Kakaiba.”
“You’re not ready for it.” Kinindatan niya ako bago marahang hinila patungo sa passenger seat.
Ngumuso ako’t hinampas ang kanyang braso pero putek, nakalimutan kong mamasel pala at parang ako pa ang nasaktan.
“Ano nga? Anong sinasabi mong hindi pa ako handa?”
“Wala.” He covered my head as I entered inside. “sa susunod ko na sasabihin.” He kissed my forehead before closing the door.
Puno ng pagtataka ang tingin na pinanood ko siyang umikot patungo sa driver seat at pinaharurot ito paalis. Hindi pa siya nakontento at hinawakan ang kamay ko para pagsiklupin ito. And I let him, I love it when he’s insisting to hold my hand.

YOU ARE READING
HIS LOVELESS PROPOSAL
Romansa[COMPLETED ✔️] Nice Siranny Rose Billones is an achiever. When it comes to her studies, always an A for effort. Hangad ni Nice ang magandang kinabukasan para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang takbo ng buhay niya ay palaging naaayon...