CHAPTER 2

280 10 0
                                    

Chapter 2

Lunes na lunes ay simula na ng aming ojt. Maaga si Summer sa bahay namin dahil gusto nitong sabay kaming pupunta sa kompanya. Ang pagkakaalam niya ay natanggap ako noong pumunta kami ng biyernes, ang hindi niya alam ay may iba pang dahilan. Na hindi ko pinaalam sa kanya.

Wala akong balak sabihin dahil mag-aalala lang ito sa akin. Ang tabil pa naman ng bibig nito at baka masabi pa niya bigla kay mama, mamomroblema pa ako.

Maayos namang kausap si Eli. Napakabait nga nito kung tutuusin, mahihiya ka na lang tumanggi. Salamat sa kanya at naging mabuti na talaga ang paa ko. Kaya ko ng maglakad ng maayos pero hindi ko binibigla at baka matalisod na naman ako. Ang dami ko ng utang sa lalaking ‘yon.

Inayos ko ang mga gamit na dadalhin pagkatapos kumain. Nagdala rin ako ng pamalit in case lang naman. Naka formal attire ako katulad ni Summer at talagang handa na kaming dalawa na pumasok sa kompanya.

“Nice! Matagal ka pa?!”

Mula sa labas ng kwarto ay naririnig ko na si Summer. Naitirik ko ang mata ko bago hinablot ang bag at lumabas ng kwarto.

“Ba’t ba nagmamadali ka? Wala pang alas siyete.”

“Baka traffic na mamaya.” Nanulis ang nguso niya. “Ano, tapos ka na? P’wede na tayong umalis?”

Tumango na lang ako para wala na ‘tong masabi. Alam ko naman kung bakit gusto niyang umalis na kami, maghahanap siguro ng gwapo sa kompanya. Pambihirang babae.

Sumakay kami ng trycicle palabas ng kanto namin saka naghintay ng jeep papunta sa kompanya. Hindi naman kami nahirapan dahil maraming dumadaan pero kadalasan ay punuan. Traffic rin dahil lunes na lunes. Ang mga kasama namin sa jeep ay panay reklamo na.

“Sabi ko sayo, e.” mahinang siniko ako ni Summer. Alam ko ang sinasabi nito kaya umismid lang ako.

Mahigit kinse minutos bago kami nakarating sa kompanya. Hindi naman kami late pero marami ng ojt’s sa lounge area. Mukhang kami pa nga yata ang panghuli dahil pagdating namin ay saka lang nagsalita ang taga-assist sa amin. Nakakahiya sa totoo lang.

Pero itong kaibigan kong pinaglihi sa makapal ang mukha ay ngiting-ngiti lang. Tangina.

“Get your id’s first before I tour you all. Kailangan niyong masanay sa bawat dapartment ng kompanya bago kayo makapagsimula. Ang HR rin ang mag a-assign sa inyo kung saang department kayo. Are we clear?”

We all said ‘yes sir’ in unison. Habang nagsasalita ito sa harap ay may nagbibigay naman sa amin ng id para makilala kaming ojt at hindi opisyal na aplikante ng kompanya. Maraming confidential files na hindi dapat namin basahin o hawakan dahil tanging management lang o mga empleyado ang may karapatan nito.

Kaya para maiwasan ang problema ay kailangan namin ng id.

“May gwapo, o.”

Kinurot ko si Summer sa mga pinanggagawa nito. Mas nakatuon pa yata ang atensyon niya sa ibang tao kaysa makinig sa nag a-assist sa amin. Kung ‘di ko lang talaga ‘to kaibigan, nunkang sasamahan ko siya dito.

Marami pang sinabi si sir Joaqin sa mga dapat at hindi namin dapat gawin habang nasa loob ng kompanya. Relationship is also strictly prohibited in the company. Lungkot na lungkot tuloy ang mukha ni Summer. Napailing ako at tinuon ang atensyon sa harap.

HIS LOVELESS PROPOSALWhere stories live. Discover now