CHAPTER 24

165 8 1
                                    

Chapter 24

“So, ano na? Mag kwento ka na Nice habang kumakain tayo.”

Napatitig ako kay Summer na kalmadong kumakain habang hinihintay akong magsalita. Nasa karenderya kami malapit sa kompanya at kahit medyo maingay ang paligid ay hindi ‘yon mapipigilan ang gusto nitong kaibigan ko.

I wanted to talk to her, really. Gusto kong ikwento sa kanya ang lahat kung anong ganap namin ni Elijah sa Japan pero parang ayoko na ‘yong balikan. It’s been a few weeks since we arrive here in the Philippines but I haven’t talk to him since then. He refused to talk about our contractual marriage. Hindi ko alam pero, masama ang kutob ko dito.

“Earth to Nice? Kanina ka pa nakatulala diyan.” Tawag sa akin ni Summer na tumigil sa pag kain. “ayaw mo bang kumain? Hindi mo gusto ang mga ulam? O baka masama ang pakiramdam mo?”

I shook my head almost immediately and smiled. “Hindi, ayos lang ako. Nag-iisip lang ako kung saan ako magsisimulang mag kwento.”

“Siyempre no’ng tinawagan mo ‘ko! Ano? Nagawa mo ba ‘yong sinabi ko?” She smiled teasingly. Inirapan ko siya’t kinuha ang kubyertos para magsimulang kumain.

“Maliit na detalye lang ang ikukwento ko.” I said.

“Game! Spill it.”

I sighed and rolled my eyes at her before telling her the stories I wanted her to know. Simula nang bumalik ako sa trabaho ay medyo naging busy ako kaya ngayon lang ako nag kwento kay Summer. May malaking proyekto kasing inaasikaso si Elijah kaya kahit kaming dalawa ay medyo madalang na lang kung magsama.

It’s fine, though. Gusto ko rin kasing mapag-isa para makapag-isip ng maayos. I need to be clarified with everything. Kahit parang ako naman ang masasaktan.

Mga iilang detalye lang ang kinuwento ko kay Summer dahil ‘yon lang rin naman ang gusto niyang malaman. She was really happy though, especially for me. Madalas siyang nakakainis pero palagi naman siyang nandiyan at maasahan kaya hindi ko talaga kayang magalit sa kanya. She is my very first and close friend, para ko na rin siyang kapatid.

“Hay, sanaol may healthy relationship na. Ako naghahanap parin ng ka-relationshit.” Asik niya at padarag na ibinaba ang baso.

“Akala ko may progress na kayo ni Joaqin?” Tanong ko na ang tinutukoy ay ang direktor nila sa department. She had a crush on him since internship.

She tsk-ed. “Anong progress? Walang gano’n, bes. Masyadong mahina, hindi dumadamobs, kahit sa opisina wala man lang sulyap. Kapag sa labas, malala. Buti pa sa ibang mga babae nag e-entertain.”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan na matawa. She looks really annoyed and I get her.

“Baka naman nahihiya siya sayo kaya hindi niya magawa ang bagay na gusto niyang gawin sayo?”

“Para naman siyang others kung gano’n. Ako na nga nag first move sa chat, sa personal ako parin ba?”

“Pero gusto mo bang ganito na lang palagi ang set up niyo?” I asked. “I think he’s just shy, Summer. Nahihiya lang ‘yong tao sayo kaya wala siyang lakas ng loob na lapitan ka at kausapin.”

Her lips protruded. Napakamot siya sa kanyang nuo at nagkibit balikat.

“Siyempre hindi ko gusto na ganito lang kami. Alam mo naman kung gaano ko siya kagusto, ‘di ba? I want us to be more than just friend, pero paano ko ‘yon magagawa kung ako lang ang nagpapakita ng motibo? I don’t think he likes me, anyway.”

I just smiled to console her and didn’t say anything that will misunderstand her. Hahayaan ko na siya mismo ang makakaalam. Ang galing-galing niyang mag payo sa akin pero sa sarili niya ay hindi mai-apply. Alam kong hindi lang niya kayang iproseso ngayon pero naniniwala akong maganda ang kahihinatnan ng lahat.

HIS LOVELESS PROPOSALWhere stories live. Discover now