CHAPTER 21 (PART TWO)

293 10 0
                                        

Chapter 21

We had a great time just watching various kinds of movies. I really enjoyed every bit of it just being with him, contended and happy. Magkayakap kaming dalawa sa couch, matamang nanonood habang sinusubuan niya ako ng pop corn. He oftentimes kiss my head like it was his hobby all his life. Natutuwa ako sa ginagawa niya pero masyado akong tutok sa pinapanood, ang ganda kasi.

Times flies so fast but we still stayed in the couch, watching. Mukhang ako lang yata ang nanonood dahil nakasubsob lang siya sa leeg ko’t pasimpleng hinahalikan ang exposed kong balikat.

I was seated between his legs and was really focused at the movie. Patapos na rin naman at dahil sa ginagawa niya ay nadi-distract ako, hindi alam kung sisitahin siya dahil nagugustuhan ko rin ang ginagawa niya.

It sends tingling sensation inside me I don’t know why but I’m not that naïve to not know it. Alam ko ang pakiramdam na ito dahil palagi ko itong nararamdaman sa’tuwing hinahalikan niya ako. Every time our kiss will end up being so intimate, when his kisses went down to my neck.

“Elijah..” tunog pagalit ang tawag ko pero ibang tunog ang inilabas ng bibig ko. I bit my lip when I felt him stiffened. His hand that was on my waist tighten. Tumigil din ang paghalik niya sa balikat ko at mahigpit akong niyakap.

“Sorry. I’ll stop now.” He murmured. I don’t know if I will be disappointed at that but I didn’t say anything instead.

Tumango ako, muling nanood sa palabas pero distracted na ako’t hindi mapakali. The movie is about to end, may happy ending na ang mga bida kaya nawalan na rin ako ng gana manood.

Hindi na ulit siya humalik sa balikat ko. Pinagkasya niya ang sarili na nakayakap sa akin at nakasubsob sa leeg ko. But sometimes I felt him sniffing me. Nakakakiliti pero nagugustuhan ko. Ano bang problema ko? Para akong tanga.

Natapos ang pang-apat naming palabas na hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin. I pouted, really distracted because he stop what he was doing. Hindi ko inaaming nagugustuhan ko, okay?! Parang.. slight lang?

Hala.. ang landi ko!

There’s nothing wrong with that. Honeymoon niyo ‘di ba?

I stiffened at that. My inner self is right. It was our honeymoon. We’re supposed to enjoy this.. moment. This night.

Wala sa sariling napatingin ako sa labas ng sliding door. Pagabi na at hindi man lang namin namalayan. Hindi rin ako nakaramdam ng gutom, siguro dahil sa mga chi-chiryang pinapak ko. Late na rin kaming nakapag-tanghalian kaya inis na inis si Elijah dahil hindi raw dapat ako nalilipasan ng gutom, nagpapagaling pa nga ako mula sa lagnat.

“The movie is finished. May gusto ka pa bang panoorin?” bigla ay nagsalita siya kaya nawala ako sa malalim na pag-iisip.

I was startled when his hand on my waist moved. Napansin niya ang pagkagulat ko dahil nag-aalala niya akong sinilip.

“Why? Are you hungry, hmm?” I stared gently at his eyes. Mababakas dito ang pag-aalala, aliw at kasiyahan.

Pagod akong umiling, hindi nagpahalatang may kakaibang naramdaman sa paraan ng hawak niya.

“Hmm, siguro gutom lang.” I smiled, he nodded. Hinalikan niya ako sa nuo bago maingat na umalis sa pagkakaupo.

“Stay here, I’ll cook our dinner.” He said. Napanguso ako at tumango sa kanya. Hindi na nagprotesta dahil parang pinagkaitan ako ng lakas.

“Are you really okay? Masama ba ulit ang pakiramdam mo?” he asked worriedly, probably because I was staring at nowhere.

Umangat ang tingin ko at mabilis na umiling. “No, I’m really fine. May iniisip lang tsaka gutom na rin.” Hilaw akong tumawa, mukhang nakumbinsi ko naman dahil tumango siya at nagpaalam na.

HIS LOVELESS PROPOSALWhere stories live. Discover now