CHAPTER 29

222 8 2
                                    


Chapter 29

It's been a few days since we last talked and he didn't even attempt to try and talk to me again. Maybe he was just respecting what I want and that is to be alone for the mean time. Pero ano itong nararamdaman ko? Bakit disappointed akong wala siyang ginawa para kausapin ko?

I might be crazy for real this time. Talagang hindi ko na maintindihan ang aking sarili, ako na rin ang naiinis. Naiintindihan ko na ginagawa niya lang ito dahil sa kagustuhan ko but his simple gestures here in the house caught my attention.

'Yong simpleng paglagay niya ng kanin at ulam sa aking plato bago siya aalis para sumalo sa mga pinsan ko. 'Yong pagbili niya ng vanilla ice cream na araw-araw kong kini-crave at pati barbecue sa night market ay binibili niya pag nalaman niyang gusto kong kumain no'n.

It was so sweet, yet he didn't even tried talking to me and I was a bit disappointed. Gusto kong kaltukan ang sarili dahil ako pa talaga itong nag-iinarte. Kahit si Clarise ay hinihikayat akong kausapin na si Elijah. Kahit minsan ay busy siya dahil sa daming phone calls para asikasuhin ang kompanya ay talagang hindi siya umalis.

He stayed here, with me.

"Ilang araw na lang aalis na kayo dito sa Cebu, talagang hindi mo kakausapin si Elijah? Hanggang dito talaga ang suyuan niyong mag-asawa." Clarise blurted all of the sudden.

Natigil ako sa pagkain ng mangga dahil sa kanyang sinabi at napanguso. Kahit ako natutukso na siyang kausapin pero may sariling isip ang buong katawan ko na hindi siya pansinin.

And yes, I already told Clarise about me and Elijah being a married couple. I still remembered what was her reaction that time, it was priceless. Akala niya mag jowa lang kami, hindi mag-asawa kaya talagang gulat na gulat siya. But she didn't ask for more which is I'm happy kasi parang hindi ko pa masabi sa kanya ang lahat.

"Kakausapin ko naman siya, hindi lang ngayon."

"Until when? Ako 'yong naaawa sa tao, Nice. Ang bait-bait at talagang ginagawa ang lahat para pagsilbihan ka. Alam mo bang hindi basta-basta nakakakita ng ganyang asawa? Naku, masuwerte ka."

My lips thinned. I am indeed the luckiest woman in the earth for having him but it was all just a contract. Ako 'yong nahulog, minahal siya kahit malinaw na nakasaad sa kontrata na 'no strings attach'. Does that mean I broke it?

Kung alam lang ni Clarise ang totoo, hindi ko alam kung masasabi pa niya 'yan sa akin.

"Bukas. Susubukan ko bukas." Ani ko at kumagat ng mangga na may bagoong.

"Ilang beses mo na 'yang sinabi sa akin pero wala namang nangyayari. You're being hard to him. Bumubuo ka ng pader sa inyong dalawa kahit halata namang mahal niyo ang isa't isa."

I stopped. Ibinaba ko ang hawak na mangga at tiningnan siya.

"Hindi niya ako mahal, Clarise. He's just doing this for a reason."

"Bakit hindi mo siya kausapin at tanungin kung ano ang kanyang rason? Nice, hindi ako lalaki pero nakikita ko kung paano ka niya tingnan, asikasuhin at alagaan dito sa bahay. Matitiis mo ba talaga siya?" Masyadong seryoso ang kanyang tingin at boses na hindi ko nagawang makapag-salita. I was lost for words because even me, I don't understand my self anymore.

Napabuntong hininga ang aking pinsan nang wala akong sabihin at nagpatuloy lang sa pagkain. Kahit itong mangga ay bili ni Elijah kahit si Clarise lang naman ang sinabihan kong gusto ko nito. Pero saan pa nga ba niya malalaman? Edi sa pinsan kong todo hikayat na kausapin ko na si Elijah.

Pero ayos lang, hindi naman ako nagalit dahil talagang gusto ko ng mangga. Mga maaasin na prutas at sana ay hindi sila makahalata na dahil ito sa pagbubuntis ko. Hindi pa ako maka tiyempo para magpa-check up kaya baka sa pagbalik ko na lang ito ng Maynila gagawin.

HIS LOVELESS PROPOSALWhere stories live. Discover now