CHAPTER 21 (PART ONE)

297 9 0
                                        

Chapter 21

Wala pa bang mas ikakamalas sa sinapit ko ngayon?

It’s our honeymoon for pete’s sake! Gusto ko na lang umiyak sa’tuwing naalalala kong wala kaming nagawa buong linggo dahil nagkasakit ako. Elijah was so worried and attentive at taking care of me. Palagi siyang puyat para gisingin ako tuwing iinom ako ng gamot. Unbeknown to him, I was secretly watching him while he’s sleeping on the couch in the middle of the night. Lagpas pa nga ang paa niya dahil maliit lang naman ang couch.

Minsan kapag nagigising ako at hindi ulit nakakatulog agad, pinagkakasya ko ang sarili na panoorin siya. I know I’m still burning with fever and the coldness of the weather didn’t help me but he was there. I know I’m going to be alright because Elijah is with me. My husband is taking care of me.

Naalala ko pa isang gabi ay hindi siya makatulog ng maayos dahil masyadong mainit. Masyadong mataas ang heater dahil nga nilalamig ako pero sa katulad niyang wala namang sakit ay masyado iyong mainit. He was really sweating so bad that he ended up awake the whole night. Kaya nang gabing ‘yon ay tahimik akong umiyak dahil wala akong magawa para pawiin ang pagod niya. But still, when morning came, he took care of me and even smiled at me like he’s not tired at all.

“You have dark circles around your eyes.” I stated with my sultry voice. Gusto ko siyang abutin at hawakan pero ayoko siyang mahawa. He already done too much for me. Ayokong siya naman ang magkasakit.

“Pero gwapo parin naman.” His brow shot up. Obviously joking but I nodded. Smiling.

“Yes. You’re always handsome, hubby.”

He stiffened. Napakurap-kurap siya at kalaunan ay namula ang pisngi patungo sa kanyang tainga. I was grinning like an idiot and started teasing him.

“Do you like me calling you hubby?” I asked. Humugot siya ng malalim na hininga at bahagyang lumayo. Nag-iwas siya ng tingin at nagkunwaring inaasikaso ang pinagkainan ko.

“F-Finish this all, wife. Paano ka niyan gagaling kung hindi mo ‘to uubusin? Marami pa tayong pupuntahan kaya kailangang gumaling ka agad.”

I was amused watching him. He’s really trying hard to divert the topic but I know better.

“From now on, I’m going to call you hubby, okay?” I declared. He stop what he was doing and look at me with his reddish face. Mukhang siya yata ang may sakit dahil sa sobrang pula ng mukha niya.

That day was really a good day for the both of us. Medyo maayos na ang pakiramdam ko at kaya ko ng tumayo ng hindi nahihilo at natutumba. We consult a doctor here and he said that my fever is due to the temperature. Probably because of the coldness and my body can’t take it. Or maybe it’s adjusting.

Wala akong ubo at sipon. Sadyang mainit lang talaga ako.

Elijah never failed to take care of me. Kapag nagigising ako, nandiyan siya palagi at may nakahanda ng pagkain at gamot. Todo ang pag-aasikaso niya sa akin na dinaig pa si mama. I was really happy. Mas masaya pa sa pagpunta ko dito sa Japan.

“Hayaan mo, ako naman ang babawi sayo. Pangako ‘yan.” I whispered. Caress his messy hair because he’s still sleeping in the couch. Pang-limang araw ko na ngayon, at randam kong maayos na ang pakiramdam ko kaya bukas sigurado akong nagagawa na namin ang gusto namin.

And I was right. Kinabukasan ay mas nauna akong nagising kay Elijah kaya naghanda ako ng makakain. That’s understandable dahil ilang gabi rin siyang puyat para alagaan ako. Ngayon, siya naman ang pagsisilbihan ko.

Maayos na maayos na ako. Hindi na mabigat ang pakiramdam ko at hindi na rin ako mainit. Balik na sa dati ang temperatura pero kailangan paring mag-ingat. Ayoko naman na sa dalawang linggo na nandito kami ay wala kaming magawa.

HIS LOVELESS PROPOSALWhere stories live. Discover now