"Oh my gosh! You're officially together?" nanlaki ang mata nila ng sabihin ni Clara ang magandang balita.
"Oh my gosh. Oh my gosh. I'm crying. I'm crying~" sabi bi Glitter at tumakbo ito papunta sa kanyang bag para kumuha ng tissue at pinunas ito sa kanyang mata.
"You're so overreacting." Sabi ni Teen kay Gliiter.
"Whatever. I am just happy for our friend." Inirapan ni Glitter si Teen at umupo sa tabi ni Clara. "Ikaw ay isa nang ganap na babae!"
"Yah!" Pagpo-protesta ni Clara.
"We should celebrate. My treat!" Sabi ni Drew.
"Yah. Bukas na lang. Pagod na ako." Sabi ni Teen at pumunta na siya sa kama para matulog.
"Yeah. Pagod na din ako." Sagot ni Clara at humiga na siya. Pumuta na rin sa mga higaan nila sina Drew, Glitter, at Scarlet. Ang bakanteng kama ay kay Ms. Malou na wala pa din hanggang ngayon.
Pinatay na nila ang ilaw at natulog na. Pero hindi makatulog si Clara. Bumilis ang tibok ng kanyang puso ng maalala niya kung papaano lumuhod si Ice sa kanyang tapat na my hawak na mga bulaklak. Ikinuskus ni Clara ang kanyang mukha sa kanyang unan.
Naramdaman niya na may tumuon sa kanyang kama at nakaupo sa may paanan niya si Drew.
"What are your plans?" Tanong nito.
"Plans? About what?"
"About your relationship. You know that the fans will know it eventually."
Umupo si Clara sa kama at yinapos ang unan. Hindi niya dinala si Ginger na kanyang stuffed alpaca dahil hindi daw ito mahilig sa mga resort resort.
Huminga ng malalim si Clara. Tama si Drew. Sa galing ng mga fans nila, hindi malabo na malaman nila kaagad ang pagiging official nila ni Ice. Nung nakaraan lang ay pinatawag sila sa office dahil sa mga kumalat na litrato nila ni Ice nung mga panahon na lumalabas sila magkasama. Agad agad ay naglabas ng statement ang kanilang kumpanya na officially dating sila. May mga hindi pumayag, meron din namang sumuporta sa kanila.
Hind biro ang suporta at pagmamahal ng fans ni Ice sa kanya at sa grupo. Nababasa niya ang mga comments ng mga tao sa article tungkol sa kanila na lumabas sa internet. At nagsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya nasaktan sa ibang komento.
"Siguro hindi na lang namin sasabihin."
Nagkibit balikat si Drew at hinawakan sa braso si Clara. "You should tell Sr. Sam."
Tumango si Clara at ngumiti.
"I'm happy for you, sis." Bumalik na si Drew sa kanyang higaan at natulog na ng tuluyan. Nanatili sa pagkakaupo si Clara sa kanyang kama.
Oo, sila na nga ni Ice. Pero hindi nila maipagsisigawan sa lahat ang kanilang relasyon. Kahit gaano nila kamahal ang isa't-isa ay hindi nila ito pwedeng sabihin sa mga taga hanga nila. They are idols. They belong to the people. Alam niya na marami ang hindi sasang ayon sa kanilang relasyon. Paniguradong tatadtarin na naman siya ng mga taga hanga ni Ice na mahal na mahal ito.
Ginulo niya ang kanyang buhok at nahiga na. Mahirap. Mahirap ang buhay na maraming tumitingin. Mahirap ang buhay na unting kilos ay maraming nagmamatyag. Mahirap ang mabuhay sa isang katawan na may kailangan kang alagaanh imahe at pangalan. Hindi mo magawa ang gusto mo at hindi mo magawa ang mga dati mong ginagawa.
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Teen FictionParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi