" What the fvck is it ba? Ang aga-aga pa eh~ " reklamo ni Clara habang inis na inaalis ang alpaca-designed eye mask niya. Tumingin siya sa orasan sa desk na nasa tabi ng kanyang magulong kama. 10:00 AM. Tanghali na pero maaga pa din ito para sa kanya, lalo na ngayon na wala silang naka-sched. Araw ito ng pahinga, at araw niya para bumawi ng tulog. Pero hindi, gingising agad siya ng mala-sirena ng bumbero na boses ni Drew.
" Aga mo your face. Bangon na diyan kung ayaw mung sirain ko itong pintuan mo. " banta ni Drew habang kinakalabog ang pintuan.
" Eto na oh. Gising na nga eh. Babangon na po. " inis nitong sabi habang inialis sa kanyang katawan ang kumot. Padabog niyang binuksan ang pintuan at hinarap ang nakapamewang na si Drew. Minsan naiisip ni Clara na kapag tumanda na si Drew ay magiging katulad na siya ng manager ng B.A.H na si Ms. Malou Co. Yung mga tipo ba ng tao na akala mo laging red day. " Bakit ba? "
" May nag-aantay po kasi sayo. Tulog mantika na ito. " sabi ni Drew. Hindi na sumagot si Clara aty inaantok na bumaba papunta ng salas, kamuntikan pa nga siyang madapa. Wala siyang pakialam sa kung sino ang nag-aantay sa kanya at sa kung ano ang lagay ng itsura niya, ang naiisip lang niya ay ang bungangaan ito para sa pagbisita sa kanya at pagputol sa relasyon nila ng kanyang kama.
" Bakit ba sa lahat ng oras na pwede akong bisitahin, ngayon pa h--- ICE?! " napasigaw si Clara, na ikinagulat nila Ice, Glitter at Scarlet, ng makita ang binata na nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan. Ngumiti, or should I say, natawa ito ng makita si Clara. " Why are you here?! "
" We'll go on a milk tea, diba? " natatawa nitong sagot. Nanlaki ang mata ni Clara ng biglang maala ang imbitasyon sa kanya ni Ice nung nakaraang gabi na lumabas para sa milk tea.
Oo nga pala. Sht! Ambobo mo, Clara~ napasapo si Clara sa kanyang noo.
" Di ka ba pa mag-aayos? " tanong ni Ice at doon lang napagtanto ni Clara na hindi pa nga pala siya nakakapaghilamos ni nakapagsuklay at suot-suot pa rin niya ang butas-butas na pantulog na hindi pa niya itinatapon dahil paborito niya ito. Hindi na nakapagsalita si Clara at nanakbo na siya pabalik sa kanyang kwarto. Usually, ayos na ang 10 minuto para makaligo at makapag-ayos si Clara, pero sa araw na iyon, 20 minutos na ang nakalipas pero namimili pa din siya kung anong iteterno sa napiling blouse.
" Sistah, ang tagal mo~ " pumasok na si Glitter sa kwarto ni Clara. Nakita niya na nakakalat sa iba't-ibang bahagi ng kwarto ng kaibigan ang mga damit at pangibaba nito. Hindi na kailangan pa ng tanong, alam na agad ni Glitter ang problema ng kaibigan. Kumuha ito ng shorts na bagay sa napiling blouse ng kaibigan. " Wear this. Palli~ Kanina pa nag-iintay ang ka-date mo. "
Kinuha agad ni Clara ang short. " We're not going on a date. "
" Asuus. Tanggi pa. " tumawa ng matinis at nakakainis si Glitter. Kung hindi lang tinulungan ni Glitter si Clara sa pagpili ng isusuot ay naingudngod na niya sa mukha nito ang wedge na hawak niya.
" Di nga sabi. "
" Aish~ Don't argue na. Lumabas ka na dun. " ipinagtulakan na siya ni Glitter palabas ng sarili niyang kwarto. Agad-agad din naman siyang bumaba dahil nakaramdam na siya ng hiya para kay Ice na kanina pa nag-iintay.
Pagbaba niya ay parang bumagal ang lahat sa paningin ni Ice. Ang walang hangin na bahay ay biglang nagkahangin at hinahawi ang blonde na buhok ni Clara habang bumaba ito ng hagdan. Kahit nasa likuran lang ng dalaga si Glitter ay hindi siya napansin ni Ice dahil si Clara lang ang nakikita niya. Maliwanag. Masyadong maliwanag para sa kanya ang mga ngiti at ang mga mata ng dalaga. " Wow. " yun na lang ang nasambit niya.
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Novela JuvenilParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi