" Kuya, salamat talaga! Maraming-maraming salamat. " naiiyak si Clara habang pinapasalamatan si kuya janitor na narinig ang paglagabog niya sa pintuan ng kwarto kung saan siya nakulong at binuksan ito." Walang anuman, hija. " nakangiting sagot ng janitor, pero hindi na nakasagot muli si Clara dahil kumaripas na agad siya ng takbo papunta sa assessment.
" Shet ka, Clara. Anong kamalasan ang nangyayari sayo!? " sabi niya sa kanyang sarili. Nasa dulo pa ng corridor ang assessment room, at ang kamalasan ay medyo mahaba ang corridor na iyon.
Nagtatayuan na ang mga co-trainees niya ng buksan niya ang pinto. May sinasabi ang coach/choreographer nila na nakatayo sa maliit na stage ng room na iyon ng siya ay pumasok, naapansin siya nito at nagdilim bigla ang mukha.
" Ms. Clara, sana ay hindi ka na nagaksaya ng panahon pumunta pa dito. " sabi nito.
" I'm sorry, sir. May nangyari lang po kaya po ako na-late. "
" Ano? Ang pagbili mo ng stuff toy? "
Napatingin ito hawak niyang alpaca plushie at binato niya ito bigla kay Drew na katabi niya.
" Hindi po, sir. Uhmm, ano po kasi . . . "
" Don't say a word, Clara. You're late, very late, for this very important assessment. "
Kinakabahan na si Clara sa pwedeng mangyari. Alam niya kasi na pwede na siyang alisin sa training program dahil lang sa pagiging late.
" Sir, I'm very sorry po talaga. Something came up lang po talaga kaya na-late po ako. " nanginginig na ang boses ni Clara at naiiyak na rin siya. Wala pa namang isang taon ng maging trainee siya, pero malaking achievement at isang milestone na rin para maabot ang pangarap niya ang pagiging trainee. Kaya hindi niya kakayanin kung first assessment pa lang ay matatanggal pa. Mas okay pa kung matatanggal siya dahil sa hindi enough or hindi pasado ang talent niya, pero taht is impossible dahil exceptional talaga na dancer si Clara. Nakakahiya naman kung ang isasagot niya sa mga tao pag tinanong kung bakit siya naalis sa pagiging trainee ay dahil na-late siya.
" I think we should give her a chance. " sabi ng isa sa mga panel na magja-judge sa kanila. Ma-appeal ito dahil na rin sa maamong mukha at sa pagiging palangiti. Sir Sam, yan ang pangalan nung lalaki sa pagkakatanda ni Clara. " Alam naman nating lahat na napagaling na dancer ni Clara, kaya kahit hindi na siya umattend ng assessment ay okay lang. " may nagreact sa may likuran ni Clara pero hindi na niya iyon pinansin.
" Pero that will be against the code, Sir Amaritano. " sagot ng coach nila. Kumukulo na ang dugo ni Clara sa lalaking ito.
" I know. That is why I suggest na let's give her a chance. Alam kong pinaghirapan niya ang para sa assessment na ito. " ngumiti si Sir Sam kay Clara. " And I think agree naman ang ibang members ng panel. Hmm? "
Tumango-tango ang mga panel members at wala ng nagawa ang coach kundi ang pumayag. " Okay-okay. But on the session next week, you will do the Kneeling. " nanlaki ang maat ni Clara dun pero hindi na siya nagreact. Ang Kneeling ang isa sa mga parusa pag malimit magkamali ang mga trainees. Pinapaluhod ang trainee habang sinasayaw ang isang kumplikadong step. Mag nasa mood ang coach ay sumasayaw lang sila ng nakaluhod sa isang dance machine gaya ng Xbox o kaya ay Wii, pero kapag wala sa mood ay the whole session ay nakaluhod ka lang talaga. " Get your feet here on stage. "
" Thank you, sir. Thank you very much. " para iyon kay Sir Sam at hindi sa masungit nilang coach. Huminga muna siya ng malalim bago umakyat sa maliit na stage.
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Teen FictionParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi