Busy ang lahat. Ayos dito, unting recheck ng sets pati na rin ng mga equipments na gagamitin ng mga crew at staff. Ang director ay tinitignan for the nth time that day ang mga scenes na isho-shoot ng kanyang crew. Hindi siya mapakali, buhay na buhay ang kanyang diwa, excited, masaya at kinakabahan, halu-halo na. Huli niyang naramdaman ang ganoon ay noong unang beses niyang nagtrabaho sa Paradise Falls at nagshoot ng kanyang kauna-unahang music video para sa kumpanya. Kailangan maganda ang kalalabasan nito. Para sa the best sub-ubit ever made, nasa isip niya. Iyon kasi ang araw na isho-shoot na ng Everest ang kanilang first music video as a sub-unit.
" I'm excited, gosh. " sabi ni Drew, na inaayusan ng buhok, sa dalawa niyang katabi na si Clara at Teen na inaayusan din.
" Ako din. " matipid na sagot ni Clara, bukod kasi sa nilalagyan na siya ng lip gloss ay hindi maalis-alis sa kanyang isip kinagabihan pa yung encounter nila ni Ice sa may CR kahapon. Hindi niya malimutan kung papaano ngumisi si Ice na ibang-iba sa ngisi na ginagawa niya pag bina-badtrip niya si Clara, pati na rin ang malalim na tingin at boses neto. Namumula ng sobrang pula ang mukha niya tuwing naalala niya kung paano ito bumulong sa kanya. Isama pa ang mabangong hininga ni Ice na dumapi sa kanyang tenga ng bumulong ito. Napailing siya para mawala sa kanyang isipan ang mga nangyari kahapon kaya naman ang nilalagay na lipstick sa kanya ay lumagpas at gumuhit sa kanyang pisngi. " Ay sorry. "
" May iniisip ka na namang malalim, ano? " natatawang tanong ng kanyang make-up artist.
" Wala! Ito talaga si ate. " sagot ni Clara sabay tawa, pero pagtingin niya sa salamin ay pulang-pula ang kanyang mukha. At sigurado siyang hindi iyon dahil sa make up.
* * * * *
" You did that? " natawa si Nawah ng matapos ikwento ni Ice ang nangyari sa kanila ni Clara sa labas ng CR. Magkahiwalay ang dressing room nung babae sa lalaki kaya okay lang para kay Ice ang magkwento ng hindi inaalala ang pagwawala ni Clara.
Natawa naman ng unti si Ice sa reaksyon ng kaibigan. Sandali siyang nanahimik bago sumagot dahil inii-spray-an ng hair net ang kanyang buhok. " Bakit? Di ba kapani-paniwala? "
" Heck, yeah! Lumalabas na naman ang sexy at seductive Ice. " sagot ni Nawah with matching actions pa na parang sexy model sa isang magazine.
" You're so gay when you do that. " sabat ni Elijah na nilalagyan face powder. Tumawa naman si Nawah at inulit ang ginawa niya kanina kaya napa-roll eyes na lang si Elijah.
" Pero seriously, anong reaksyon niya. "
" Namumula. " sagot ni Ice na nakangiti, di dahil sa proud siya sa nakuhang reaksyon mula kay Clara kundi dahil naku-cute-an talaga siya sa babae pag nagba-blush at lalo pa siyang natutuwa pag alam niyang siya ang dahilan noon.
" You like her. " sabi ni Elijah na nakangiti sa kanya.
" What?! No! I just like to mess with her and to troll her. " napabulalas si Ice, buti na lang at tapos na siyang ayusan.
" Now you're being defensive. " nakangiti pa rin si Elijah, sa tagal na nilang magkaibigan at magkasama ay kilalang-kilala na niya ang kaibigan. Alam niya ang lahat ng katangian ni Ice pati ang mga katangian ni Ice na siya mismo ay hindi aware ay alam niya. Mula sa pagiging tahimik, mahiyain at pala-isa na Ice hanggang sa pagiging mala-chick boy neto ay alam at nakita na niya. At ngayon ay ramdam at alam niya na iba na ang tingin ni Ice sa katunggaling si Clara. " And you're blushing. "
" No, I'm not! " sagot ni Ice, pero tumingin siya sa salamin at namumula nga siya.
" Ice-ssi has a crush~! Ice-ssi has a crush~! " pang-aasar ni Nawah habang pasayaw-sayaw.
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Teen FictionParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi