× 7

285 15 2
                                    

Dahan-dahang naglalakad si Clara papunta sa dance room na ginagamit ng mga trainees. Isang linggo ang nakalipas mula nung aksidente na nangyari kay Ice na si Claire mismo ang may kagagawan. Hindi daw malala ang nangyari kay Ice nun kaya nakahinga siya ng maluwag. Pero inatake siya ng konsensya ng makita niya ang lalaki na hindi makasayaw at nakatingin lang sa kanila habang nagpa-practice sila.

At ang isa pang nag-udyok sa konsensya niya na bulabugin siya ay ang hindi pagsusumbong ni Ice sa mga coaches. Isang linggo na ang dumaan pero ni isa sa mga coaches nila ang kumausap sa kanya about sa ginawa niya kay Ice.

10 PM na. Nakauwi na ang ibang trainees. Yung ibang staff ng Paradise Falls Academy (dito tine-train ang mga trainees) ay nakauwi na din. Silang dalawa na lang ang tao sa floor na iyon. Ng malapit na siya sa pintuan ng dance room ay nakarinig siya ng music. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, at luckily ay hindi ito tumunog. Nasayaw nga ang lalaki. Hindi na siya nagulat dahil naririnig niya dati pa mula sa ibang trainees at mga staff na lagi daw nagpapa-late si Ice ng uwi para makapag-practice ng ayos at kung minsan nga daw ay dun na siya natutulog.

Kada naririnig niya ang tungkol ay wapakels lang siya. Pero ngayon na napapanood na niya ang binata ay ramdam niya ang kagustuhan ng binata na magdebut. Feeling niya tuloy napakatamad niyang trainee.

Intense at focus na focus ang pagsayaw ni Ice. Hindi pinapanuod ni Clara si Ice pagnasayaw dahil niyayabangan siya neto. Pero ngayon na harap-harapan (actually likod lang ni Ice yung nakikita niya) niyang napapanuod ang lalaki ay nagagalingan nanrin siya dito. At meron pa, naha-hot-an. Sinampal-sampal niya ang sarili dahil sa mga rated SPG na pumapasok sa isip niya.

At dahil doon ay napansin siya ni Ice.

" What are you doing here?! " sigaw neto.

Tumayo si Clara sa pagkakaupo sa sofa. Lumakas na naman ang kabog sa dibdib niya. Binuksan niya ang bibig niya pero walang lumabas.

" What?! "

" Gusto kong humingi ng sorry! " dire-diretsong sabi neto. Natahimik si Ice at napatitig na lang sa kanya. Nailang bigla si Clara kaya tumingin na lang siya sa sapatos. Mukhang kailangan ko ng linisin tung sapatos ko. Palitan ko na din kaya? Butas na eh.

" Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari saken kung saka-sakaling napalakas yung bagsak ko? "

Napakagat sa labi si Clara dahil seryoso ang boses ni Ice. " Hindi naman napalakas diba? "

" Buti na nga lang hindi napalakas! " tumaas na ulit ang boses nito. " You've almost ruined my dream! " kinuha neto ang bag sa sahig at lumapit sa pintuan kung saan malapit si Clara. " I will never let this pass, Clara. Remember that. "

Seryoso ang banta ni Ice sa kanya kaya kinilabutan ng bongga si Clara. Umalis na ang lalaki. Hindi pa rin nawawala ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya.

* * * * *

" That will be all for today. " sabi ng coach/choreo nila habang pinapatay ang casette player na ginamit nila. " Don't forget that this coming Friday is your assessment day. Be prepared. "

Nagbulungan na ang iba. May mga excited, meron namang mga kinakabahan. Tuwing assessment kasi ay tinitignan sila ng mga staff ng Paradise Falls para malaman kung sino pa ang magpapatuloy at kung sino na ang titigil sa training program.

" Oh my gosh. I'm so like kinakabahan na. " sabi ni Glitter habang nagba-vibrate.

" Parang baliw talaga to eh. " sabi ni Clara habang nakain ng siopao.

" Whatever. " nag roll eyes ang pink eyes ni Glitter. Meron kasi siyang contact lense. " Hindi ko pa saulo yung kakantahin ko! "

" Hindi ko pa nga saulo yung sasayawin ko eh. " sabi ni Drew na pinaglalaruan na lang ang salad na nasa harapan niya.

" Yung boses ko wala sa tono. " seryosong sabi ni Clara kaya natawa bigla ang dalawa.

" Oh my gee, Clary. Alam naman namin yon! " natatawang sabi ni Glitter habang tinatakpan ang bibig with her tissue napkin.

Babatuhin sana ni Clara si Glitter ng papel nung kanyang sipao pero natawa na din siya. " Sira ulo ka~! "

* * * * *

" Clara! Bakit sa lahat ng oras na pwede kang ma-late ngayon pa?! Ano ba? " nilayo ni Clara ang phone niya sa tenga niya dahil delikado para sa mga ito ang sigaw ni Drew.

" Eto na. Malapit na ako. Tanaw ko na yung building. " hingal na ansagot nito dahil nanakbo siya.

" Magsisimula na. Bilsan mo! " binaba na ni Drew ang tawag.

" Shit." yun na lang ang nasabi ni Clara at binilsan na niya talaga. Hindi pa man siya nakakasayw ay pawis na siya. Nako! Pag hindi siya nakapag-ayos mamaya ay magpe-perform siya ng dugyot.

Pagpasok niya ay dali-dali na siyang nanakbo sa hallway. Pero kamalasan dahil sa 4th floor pa ang assessment room. Pero ayos lang naman dahil may elevator. Pero napatigil siya ng mapadaan sa isang bukas na kwarto dahil may nakakuha ng atensyon niya.

" Oh my gosh! " tili niya. " Is that what I think it is? " dali-dali siyang pumasok sa kwarto at pinulot ang alpaca plushie na nakalagay sa sahig at niyakap-yakap ito.

" Ang cute, kyaaaah~! " tili nito at nagpaikot-ikot pa. Mahilig kasi siya sa mga alpaca. kahit anong gawin niya ay hindi niya ito matiis. Iisa pa lang ang ganun niya dahil mahal ang isa neto at medyo mahirap makahanap.

" Iniwan ka ba ng may-ari mo? Aww. Don't worry. Aalagaan na kita from now on! " tuwang-tuwa sabi niya habang hinihimas-himas ang plushie.

" I will name you Ginger kasi kulay brown ka. Kyaaah~! " tili niyang muli. 

Natigil lang ang pagtili niya ng sumara ang pintuan.

" What the?! " sigaw niya. Madilim kasi ang kwarto kaya wala siyang makita. Dapat ay kinakabahan na siya ngayon dahil hindi niya gusto ang madidilim na lugar, buti na lang ay may hawak siya. At alpaca plushie pa.

Ng mahanap niya ang door knob ay pinihit niya ito. Pero . . .

" Shit. Buksan niyo to please . . . " nanginginig ang boses niya ng sinabe niya iyon. Nangininginig na rin siya dahil sa kaba. Hindi lang dahil sa mag-isa siya sa madilim na kwarto na ito, pati na rin sa kadahilanang kanina pa nagsisimula ang assessment.

Dancing MachinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon