'
"This is our last day in this resort. Get your lazy asses up and let's get going!" sigaw ni Teen ng buksan nito ang pinto ng kanilang kwarto.
"Aw. Last day already." tumayo si Glitter at nagsuot ng malaking shades.
"Yeah, that is why we need to make the best of it." hinigit ni Teen sina Drew at Clara. "They're having a little show in the bazaars."
"Let's participate in there." sabi ni Sr. Sam nang sumilip ito sa kwarto ng G5.
"You serious?" tanong ni Drew, at nagsimula na itong mag vocalize.
"Come on already! They'll start soon."
Nag-aantay na ang B.A.H at ang manager ng grupo sa labas. Habang naglalakad papunta sa bazaar ay hindi umimik si Clara, at napapansin ito ni Ice. Kagabi ay kinausap sila nila Sr. Sam at Ms. Malou tungkol sa kanilang relasyon. At napagdesisyunan nila na itago na lang muna ito sa publiko at maging sa mga heads ng Paradise. Mas ayos na daw ang ganun dahil maaari itong makaapekto sa nalalapit na comeback ng B.A.H.
Tama nga naman sila, sabi ni Clara sa kanyang isip. Matagal na niya itong sinasabi sa kanyang sarili pero nanghihina at nawawalan pa rin siya ng gana kada sumasagi sa kanyang isip na walang pwedeng makaalam ng kanilang relasyon. Walang kakain sa labas ng silang dalawa lang, walang holding hands o maging akbay. Sa loob ng kanilang kumpanya ay kailangan din nilang mag-ingat dahil baka mahalata ng mga head.
Natatawa si Clara. Dati, sinabihan sila na kailangan nilang magkasundo. Nagpanggap sila para lamang hindi na sila pagalitan. Nagpanggap sila na magkasundo sila, at ngayon kailangan naman nilang magpanggap na hindi sila. Saan siya lulugar?
Nag-vibrate ang kanyang cellphone. Isang text mula kay Ice.
"You okay?" tanong nito.
"Yeah. Iniisip ko lang yung pinagusapan natin kagabi." sagot ni Clara.
Nakarating na sila sa mga bazaar at maraming tao na ang naandoon dahil nga sa show na gaganapin. Napagkasunduan ng dalawang grupo na kumuha muna ng pwesto sa may bandang harapan (nakita nila ang tita ni Ice at may inihanda na itong mga upuan para sa kanila). Si Ice naman ay sumunod kay Clara ng mag prisinta itong bibili ng makakain.
"Four cheeseburgers, and three German Franks." sabi ni Clara sa nagtitinda ng mga burger. Umupo si Clara sa stool, at ganun din ang ginawa ni Ice na ikinagulat ni Clara. "Why are you here?"
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Novela JuvenilParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi