"Andyan ba si Clara?" tanong ni Ice pagkabukas niya ng pinto ng kwarto ng G5.
"WAAAAH! Naninilip! Bastos!" sigaw ni Teen sabay bato ng unan.
Nasambit ito ni Ice at ibinato pabalik kay Teen. "Walang sisilipin sayo!"
"Bastos ka ah. Suntukan na lang ano?" tinignan ng masama ni Teen si Ice habang ikinukuyom ang dalawang palad sabay damba sa binata.
Napatakbo si Ice pabalik sa kanilang kwarto. Nasuntok na siya ni Teen isang beses kaya alam niya kung gaano kasakit ang mga suntok nito. Mabuti na ang makaiwas kaysa magkaroon ng pasa.
"Mukhang wala siya sa kwarto nila eh." napabuntong hininga si Ice sabay higa sa kama kung saan kahati niya si Nawah.
Silang dalawa lang ni Nawah ang nasa kwarto ng mga oras na iyon. Si Teng ay kasama ni Glitter. Si Alex naman ay nasa bazaar pa kasama si Scarlet at nakain pa ata. Si Elijah naman ay nasa mini stage ng bazaar at kumakanta doon. Si Sr. Sam naman ay nasa may dalampasigan kasama si Ms. Malou.
Ugh! Buti pa yung dalawang yun magkasama ngayon! Ginulo ni Ice ang kanyang buhok. May problema si Clara, sigurado si Ice dun. Binalikan niya lahat ng mga ginawa nila kanina. Maayos pa naman si Clara nung dumating sila sa resort hanggang sa lumabas sila para kumain. Magkasama pa nga sila. Pero nung pumasok na sila sa restaurant kasama si Rin bigla na lang nanahimik si Clara.
Ugh. Paikot-ikot si Ice sa kama kasi hindi niya alam kung may nasabi ba siya o may nagawa ba siya sa dalaga. Tinitignan siya ni Nawah habang paikot-ikot sa higaan. Hindi makapag focus ang matangkad na binata sa pagsusulat ng kanta dahil sa kaibigan na parang nasisiraan ng bait.
"Yah, Ice." tawag ni Nawah. Tumigil si Ice sa ginagawa at tinaas ang dalawang kilay. "Kayo na ba ni Clara?"
Hindi kaagad nakasagot si Ice. "H-Hindi pa naman."
"Anong relasyon niyong dalawa? Dating? Flirting?" tanong ulit ni Nawah.
"Di . . . Hindi ko alam. Hindi naman namin pinag-uusapan ang mga ganitong bagay eh."
"Para kayong sira ulo. Kung may nararamdaman kayo sa isa't-isa, sabihin niyo. Kami, sa tingin namin, the both of you are dating."
Hindi nagsalita si Ice. Ano nga ba ang meron sa kanila ni Clara? Alam niya na meron siyang nararamdaman sa dalaga. Alam din niya, o nararamdaman niya, na ganun din ang dalaga para sa kanya. Pero ano nga ba ang meron sa kanila? M.U? Mutual understanding o malanding ugnayan?
"Eto pa. Everything is happening so fast between the both of you." sabi ni Nawah. Ibinaba niya ang hawak na lapis at inialis ang headphones sa kanyang leeg at isinalampak ang paa sa paanan ng kama. Sumandal siya sa sandalan ng swivel chair na kinauupuan. "One second the both of you are the greatest rival of each other. heck, halos magpatayan na kayo. Tapos namalayan na lang namin na lumalabas na kayo para mag milk tea. What really happened?"
"I-I don't know, okay? Oo, naiinis ako sa kanya dati. But it sort of changed. Isang araw namalayan ko na lang na ang ganda pala ng buhok niya pag sumasayaw siya. Isang araw nagandahan na lang ako sa kanya kada sumasayaw siya at tumatawa kasama ng mga kaibigan niya. Isang araw gumising ako ng siya na agad ang nasa isip ko. Siya rin ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ng maayos sa gabi. Siya ang dahilan kung bakit nahihirapan akong huminga kada sasayaw kami parehas. Siya . . . isang araw, gumising na lang ako ng may nararamdaman na ako sa kanya."
Katahimikan. Walang nagsalita sa kanilang dalawa pagkatapos sabihin ni Ice ang mga iyon.
Tumayo si Nawah at binato ng unan sa mukha ang kaibigan. Tumalon ito at dinaganan si Ice na hindi ako nakapagreact sa ginawang pagbato ni Nawah. "Gay! Gaaaay! You are so fvcking gaaaay!" tawa ni Nawah habang nire-wrestling ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Novela JuvenilParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi