" Good morning, people~ " masayang-masayang bati ni Clara ng pumasok siya sa dance studio, may practice kasi sila ngayon para sa Paradise Tour. Imbis na batiin pabalik ay mga hindi maintindihang mukha ang sagot sa kanya. " What? "
Tumayo si Drew at marahan siyang inupo sa couch, kasunod nun ay ang pagpalibot sa kanya ng iba pang myembro ng G5. Lumayo din sila sa mga lalake ng nagsimula na din magkumpol sa isang sulok.
" What's with you these past days? " seryosong tanong ni Drew na kung makatitig ay parang binabasa ang isipan niya.
" Ano na naman? Anong ibig mong sabihin? " naguguluhang tanong ni Clara.
" You're so blooming, girl. " sabi ni Glitter na nakangiti ang labing makintab at nagmumura sa sobrang red.
" What? Di ah? " tanggi ni Clara pero napapangiti na rin siya.
" Panay na nga ang tingin mo sa salamin di mo pa rin napapansin na blooming ka? " sagot ni Drew.
" Sista, ngayon lang siya tumingin ng salamin kaya di niya alam ang itsura ng blooming. " sabi ni Glitter at nagtawanan sila. Hindi na lang nagsalita si Clara dahil hindi naman talaga siya mahilig tumingin sa salamin, di tulad ni Glitter at Teen na minu-minuto ay nag-aayos sa tapat ng salamin.
" Inlove ka na ba, unnie? " mahinhing tanong ni Scarlet.
" Ano?! Hindi ah! Anong inlove kanino naman?! " dire-diretsong tanong ni Clara. Nagulat kasi siya sa tanong na iyon ni Scarlet na kasalukuyang tumatawa ng nakatakip gamit ang panyo ang bibig.
" Why the heck are you blushing? " tanong ni Teen na sinusundot-sundot ang pisngi ni Clara. Biglang naramdaman ni Clara na umiinit nga ang kanyang pisngi at kalabog ng kalabog ang dibdib niya. Napatingin siya kay Ice at hindi ito nakatulong dahil lalo lang bumilis ang kalabog ng puso niya.
" It's Ice, isn't it? " nakangising sabi ni Teen.
" Hindi ah! Alam niyo namang ayoko dun sa kumag na yun eh! " pagtatanggi ni Clara.
" I saw you look at him. Hindi ako tanga, please. " nakangisi pa din si Teen. Wala ng nagawa si Clara kundi ang umilling ng sobra kasi hindi na niya kaya ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya.
" Ice, panindigan mo si Clara! " sigaw ni Drew na ikinagulat ni Clara, Ice at ng mga lalaki.
" WAHHH! " dinaganan ni Clara si Drew kasi alam niyang magsasalita pa ito ng kung ano-ano. Sobrang pula na ng mukha niya dahil alam agad ng mga kaibigan niya ang sikreto niya na itinago niya ng limang araw lang. Hindi naman sa in love siya kay Ice dahil ayaw pa din niya sa lalaki tsaka ang kire naman niya kung in love agad. Pero nagsisinungaling siya pag sinabi niyang hindi gumagaan ang loob niya sa binata.
Sinisi ni Clara ang mga kaganapan sa loob ng kotse nung nakaraan kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya. Hindi rin siya nakatulog nung gabing iyon dahil ng ginising siya ni Ice dahil dumating na sila sa condo ng G5 ay napansin niyang magkahawak sila ng kamay ng binata. Nang tinignan niya si Ice ay nakangiti ito at namumula ang mga pisngi.
" Binuntis mo si Clara? " seryosong tanong ni Nawah kaya nanlaki ang mata ni Ice.
" Pano na ngayon yan? Masisira ang career niyo! " napasabunot na lang si Elijah sa buhok niya dahil nga nabuntis daw ni Ice si Clara.
" Anong nabuntis? Mga sira ulo. " binigyan niya ng tig-isang batok si Nawah at Elijah dahil sa kalokohan ng mga ito. At syempre, hindi papayag si Elijah na hindi siya makakaganti kaya ginawa niya kay Ice ang kanyang signature move hanggang sa hindi na ito makahinga.
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Novela JuvenilParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi