× 3

344 14 2
                                        

" CLARYYY~! GUMISING KA NA NGA! " sigaw ni Drew habang kinakalabog ng malakas ang pintuan ng kwarto ni Clara. Ngayon na kasi ang simula ng practice nila para sa Paradise Tour at ang usapan ay 8 AM ay nasa building na dahil naanduon ang practice rooms. Pero quarter to 8 na ay tulog pa din si Clara.

" Drew-unnie, eto susi oh. " sbai ni Scarlet at iniabot kay Drew ang susi na pinapakuha niya. At ng mabuksan niya ang pinto ay agad nitong sinunggaban ang natutulog na si Clara.

" Tignan mo tong bruhang toh. Nakabukaka pa. " sabi niya at agad hinila sa braso si Clara patayo at inuga-uga ito. " CLARAAAA! "

" Ano ba yon?! " nagising na rin sa wakas.

" Anong ano ba yon? Nung isang araw pa tayo sinabihan na ngayon ang simula ng practice ah? Anong oras na? Hindi ka pa nag-aayos! "

" Oh eh ano? " sagot ni Clara ng pupungay-pungay pa. Umalis ito sa pagkakahawak ni Drew at nag-inat-inat.

" Hindi naman nakabukas yung alarm clock mo eh! " ibinato ni Drew ang alarm clock sa kama. Naiinis na siya. Ang pinaka-ayaw pa man din niya ay ang ma-late sa pinagkasunduang oras. Siya ang pinaka-responsble sa kanila kaya ganun siya.

" Naubusan na siguro ng battery. " sagot ni Clara at humikab. nagkamot pa ito ng likuran.

" Naubos mo mukha mo! Sinadya mo lang to kasi ayaw mong makasama si Ice! "

Hindi sumagot si Clara at nagroll eyes lang. Kinuha nito ang tuwalya na nakakalat sa sahig at pupunta na sana ng banyo ng higitin siya ni Drew.

" D-Drew, ano ba? Maliligo na ko. " hinihigit na kasi siya ni Drew paalis sa kanyang kwarto at pababa sa kanilang salas. Andun na ang lahat. Si Scarlet na nakain ng gummy candies, si Teen na sa sobrang bagot ay tinamad na rin maglaro sa kanyang phone, at si Glitter na hindi na mapakali sa kanyang kinapu-pwestuhan.

" Bakit ngayon ka lang gumising?! Ano ka ba naman, Clara?! " tili ni Glitter habang nagtatatalon ng makita silang pababa.

" Bakit ba mga excited kayong mag practice? Ha? "

" Duh?! Papa Teng is making antay of me na. And I'm like so late na! Papa Teng might think that I'm such a pa-importante! " -Glitter.

" Manahimik ka dyan, Glitter, at pumasok na kayo sa sasakyan. " utos ni Drew at kinuha ang kanyang bag. Lumabas na sila at sinara na ng kanilang manager ang pinutuan ng dorm.

" Drew, hindi pa ako naliligo. Ano ba?! " hinigit niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Drew. Namumula ito dahil mahigpit humawak si Drew.

" Maligo mo mukha mo. Pasok! " at dahil masamang galitin si Drew ay wala ng nagawa si Clara kundi ang pumasok ng naka-pajama pa at may sukbit ng tuwalya. Maging ang kanyang buhok ay gulo-gulo pa din.

Pagkadating ay agad-agad silang dumeretso sa dance room ng group nila. Andun na din ang B.A.H na kung ano-ano na lang ang ginagawa.

Ayaw pumasok ni Clara dahil nahihiya siya sa itsura niya. Pero tinignan siya ng masama ni Drew at parang anytime ay mapapatay na siya nito.

" Manager Sam, pagsabihan niyo nga yan. Jusme! " sabi ni Drew at pumasok na. Halatang naiinis na ito.

Tinapik naman ni Manager Sam ang balikat ni Clara. Ngumiti ito na lalong nagpaamo sa kanyang mukha. 27 years old na ang manager ng grupo nila pero mukha itong mga 19 o 20. Sa sobrang gwapo neto ay nakakakuha din siya ng atensyon mula sa ibang fans. Mabait at palangiti ang si Manager Sam Aritano. Kabaligtaran ng Manager ng B.I.H na si Ms. Malou Co, na parang laging mine-menopause.

Nakataklob ang mukha ni Clara ng pumasok upang hindi masyadong mapansin ang kanyang itsura. At para na rin hindi mapansin ng kumag na si Ice. Pero hindi rin iyon nakatulong.

" Nice Hello Kitty pajamas. Kagigising mo lang ba, Clara? Masarap ba ang tulog? " puna ni Ice tsaka sila nagtawanan ng mga kagrupo niya. Maging sina Scarlet at Teen ay natatawa na din. Si Drew ay maitim pa din ang awrang inilalabas.

" Wala kang pakealam, Ice. " sumagot na si Clara dahil alam niyang hindi siya titigilan nito. " eto ang gusto kong isuot kaya wala kang magagawa. "

" Hmm. " tumango-tango si Ice tsaka ngumiti ng nang-aasar. "Ayos ah? Termo sa ayos ng buhok mo. Teka! Terno din pala sa mukha mo. " lumapit ito kay Clara at hinawakan ang baba nito para itaas kasi mas matangakd si Ice kesa sa kanya. Inalis naman ni Clara ang kamay ng lalaki.

" Ano ba?! "

" May muta at panis na laway ka pa. "

Nanglaki ang mata ni Clara at naramdaman niyang namumula siya. Iniwan siya dun ni Ice habang natawa ng malakas at bumalik sa kaninang kinauupuan. Sinabi niya iyon ng malakas kaya lahat ng nakarinig ay pinagtatawanan na din siya.

Parang gusto ng lamunin ng lupa si Clara dahil sa sobrang hiya. Kahit nakakasama na niya ang mga ito ay nahihiya pa din siya dahil hindi pa nila siya nakikita ng hindi ayos ang mukha kahit sa umaga. And to think na may mga lalaki pa. Lalong nakakahiya.

Inalis nito ang mga morning glory niya at ang natuyong laway sa tabi ng kanyang labi at sa may pisngi. " Pakshet ka, Ice~! Gaganti ako sayo, hayup ka! " sabi nito sa sarili habang tinitignan ng masama si Ice na ngayon ay tawa pa din ng tawa.

Dancing MachinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon