Yakap-yakap ni Clara ang kanyang paboritong alpaca plushie na si Ginger habang natutulog sa kanilang van. Kagagaling lang nila sa isang guesting at pauwi na sa kanilang dorm.
" Clara, yah~ " tawag ni Drew habang niyuyugyog siya. " Si Ice your loves oh "
Minulat ni Clara ang kanyang mga mata at humarap sa maliit na TV.
" Ay shit. Damn you, Drew. " naiinis niyang sabi at bumalik na lang ulit sa pagtulog.
Tumawa si Drew at ang tatlo pa nilang kasama. " Pero tumingin ka naman. "
" Che! Ewan ko sayo. Alam mo namang ayaw ko dyan kay Ice eh. "
" Bagay kaya kayo, girl. " pang-aasar ni Glitter,
" Anong bagay? Eh wala na ngang kaming pinagkasunduan nung kumag na yun eh. "
" Kase tignan mo, girl, ah? " pasimula ni Glitter. " Parehas kayong dancing machine. Tapos leader pa kayo pareho. "
" Oh eh ano? Meron din namang dancing machine na leader sa ibang group? "
" Tapos meron pang 'opposites do attract'. Ahihihihi~ " kinurot-kurot ni Glitter si Teen.
" Aray naman. Upakan kita dyan eh. " umamba si Teen na susuntukin si Glitter kaya yumakap siya kay Drew.
" Oh my gosh, Drew! "with matching paiyak-iyak pa siya. " Tomboy ata toh eh. Nanununtok! "
" Eh tomboy naman kasi talaga ako. Baliw. " nilagay niya sa tenga niya ang kanyang headset at hindi na nagsalita.
" This monster is gonna be the death of me. "
" Manahimik ka na kasi, Glitter. " seryosong sabi ni Clara. " Hindi kame bagay ni Ice at hinding-hindi ko matitipuhan yon! Kung gusto mo, iyo na lang. "
" No way. I prefer Teng. He's so dreammy~ "
3 years ago, may nakilala silang talent scout sa isang arcade center sa mall na tinatambayan nila at inanyayahang mag-audition sila sa Paradise Falls, isang sikat na talent company sa bansa. Dahil na rin sa taglay na talent ay nakapasa sila sa audition at naging trainee ng kumpanya for one and a half year.
Nag debut sila at nakilala bilang G5, na ang ibigsabihin ay Glamorous 5 kasama si Teen at si Scarlet na kasabay nilang nag train.
Si Clara ang tumayong leader ng grupo dahil siya ang may pianakmalakas na stage prescence sa kanilang lima. Siya rin ang main dancer.
Si Drew, Glitter at Scarlet naman ang singers ng group.
At si Teen, na tutol sa pangalan ng group, ang main rapper.
Magdadalawang taon na sila sa entertainment industry at sumikat na sila ng todo. To prove that, last month lang ay nanalo sila ng Best Female Group of the Year at Best Rookie sa isang prestigious na award show sa bansa.
" Bukas ay naka-schedule kayo para sa meeting with the comapany. I think para yun sa tour niyo. " sabi ng kanilang manager na katabi ng driver.
" Yes, Unnie~ " sagot ni Glitter. Napansin niyang tulog na ang mag ka-group niya. Nakaramdam na din siya ng antok. Malayo pa sila, at medyo matagal pa bago makauwi sa kanilang dorm. Miss na ni Glitter ang kama niya. Ang kanyang malambot at komportableng kama. Sa kakaisip sa kanyang kama ay nakatulog na din siya.
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Teen FictionParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi