× 2

410 16 2
                                    

" What the f*ck?! " napasigaw at napahampas sa lamesa si Ice. " There's no way I'm going to have a collab dance with that . . . "

" Subukan mong magsabi ng masama sira yang mukha mo! " sabat ni Clara ng tignan siya ng nakakainis ni Ice at parang may sasabihing masama tungkol sa kanya.

" That barbaric girl! "

" That's it! Who's barbaric?! " tumayo si Clara at ibinato kay Ice ang ballpen na nahablot niya sa lamesa.

" Of course, you! Sino pa ba?! " gaganti na sana si Ace sa pamamagitan ng pagbato ng bag niya pero sumigaw ang manager nila Ice. Nanahimik ang dalawa dahil sobrang nakakatakot ang manager nila Ice.

" Ano bang mga problema niyo? Para kayong mga bata! " sita ng manager nila Ice na si Ms. Malou Co. Nakapamewang na ito at nakataas na ang isang kilay. Naupo ang dalawa at di na umimik. " Hindi na kayo nahiya kay Sr! Ice, mag-uusap tayo mamaya! "

Tinignan ng masama ni Ice si Clara at naiinis lalo siya ng belatan siya nito. Mababawasan tuloy ang pagkain niya dahil sa barbarian na si Clara.

= HALF AN HOUR EARLIER =

Nag-aabang ang mga fans sa tapat ng Paradise Falls building. Alam kasi ng mga ito na pupunta ang grupong B.A.H sa kumpanya kaya nag-abang na sila sa tapat. Mga dei-hard fans ang mga ito. Kung saan pumunta ang grupo ay laging andun ang mga ito at ang mga camera at phones nila na walang tigil sa pag-flash dahil bawat galaw nila ay kinukuhaan sila ng picture. Natanaw na sila ni Alex ang mga ito ng lumiko ang van nila sa street kung nasaan ang Paradise Falls building.

" Andyan na naman sila. " parang pagod nitong sabi.

" Hayaan mo na. Sanay na tayo. " tinapiktapik ni Elijah ang braso nito.

Pagbaba ng grupo ay nagsimula ng maghiyawan ang mga babae at ang nakakasilaw na flash ng mga camera ang sumalubong sa grupo, buti na lamang ay nakasuot sila ng shades. Pagod silang anim dahil nagperform sila kahapon at dumeretso sa isang talk show. Unti lang ang tulog nila kaya medyo naiinis na sila sa mga fans na, bukod sa pagsilaw sa kanila gamit ang mga cameras nila, ay nakaharang pa sa mga daanan nila. Gusto man nilang sumigaw para umalis na ang mga ito ay hindi nila magawa dahil hindi din makakaintindi ang mga ito at lalabas lang silang masama. Hindi iyon maganda para sa image at career nila.

Nakahinga sila ng maluwag ng makapasok na. Dumeretso na agad sila sa room na pagme-meeting-an nila.

Nanlaki ang mata ni Ice at lalong kumulo ang dugo ng makita si Clara pagbukas niya ng pinto. Si Clara, ang leader ng G5 at ang pinaka-kinaiinisan niyang babae. May nangyari kasi sa kanila noon at simula nun ay hindi na nagkasundo ang dalawa.

" Kaya pala ang ingay sa labas eh. " panimula ni Clara. " Ano kayang nakita ng mga yun sa leader ng group na toh? "

" Anong problema mo? " binagsak ni Ice ang bag niya sa bakanteng upuan na para sa kanila.

" Psh! Whatever! " nag roll eyes lang si Clara at hindi na nagsalita.

" Okay. Sorry, I'm late. " sabi ng production head ng kumpanya na si Sr. Manlo Locco pagkaupo nito. " Good morning. "

" Good morning, sir. " bati ng dalawang grupo pwera lang sa dalawang leader na nagpapalitan ng masasamang tingin na para bang pinapatay na nila ang isa't-isa sa imahinasyon nila.

" The Paradise Tour ay magsisimula after three months, remember? " hindi na ito nag-antay ng sagot at nagtuloy-tuloy na lang sa pagsasalita. " We're running low on performances. Kailangan kasing mapuno yung 3 and a half hours. We need to do collaborations. "

Napatingin parehas sina Ice at Clara kay Sr. Manlo. Mukhang alam na nila kung saan pupunta ang usapang ito. At wag sana iyon mangyari.

" Teen at Nawah, the both of you will have a rap performance with Chu. " napangiti ang dalawa dahil matagal na nilang gustong magkaron ng rap collab. Magkaibigan ang dalawa dahil sa parehas sila ng hilig, lalo na at tomboy si Teen.

" Drew, song or dance number? "

" Song number, sir. " nakangiting sagot ni Drew.

" Okay. So Drew, Scarlet, Elijah. Three song numbers with Sheena and Epifanio. Nakausap ko na ang maghahandle ng performance niyo. Siya na lang ang kakausap sa inyo. "

" So Glitter, okay lang ba na sa dance number kita ilagay? "

Tumango-tango si Glitter. Alam niya kasing makakasama niya si Teng dito. Tumingin siya kay Teng at nginitian ito. halos mahimatay naman siya ng ngumiti rin sa kanya ang lalaki.

" Alex, Teng, Glitter. One or two dance performance with Ragas and Dubber. Nakausap ko na rin yung naka-assign sa inyo. "

"And lastly, " mukhang tama nga ang hinala ng dalawa. At ayaw nila iyon. Tutol sila sa plano ni Sr Manlo. " Ice and Clara. Another dance performance. "

" What, sir? Bakit hindi niyo pa kami sinama kina Drew? Eh dance performance din naman po yung gagawin namin? " si Clara ang unang nagreklamo. WIth matching hampas pa sa lamesa.

" As I said, kailangang sumakto sa three hours and a half yung concert. Kulang pa nga eh. " itinaas ni Sr. Manlo yung papel kung saan nakasulat yung pagkakasunod-sunod nung mga performances. " At tsaka, the both of you will be the highlight for the dance segment. Kayong dalawa ang dancing machines! "

" Eh pano naman po si senior Manny? Diba dancing machine din po yun? " that time, si Ice naman ang sumagot.

" He suggested na magso-solo siya. I-uuna ko siya bago kayo. Kayo na yung last. Kasi, para sa akin ay mas magaling kayong dalawa. " sabay kindat ni Sr. Manlo.

" What the f*ck?! " napasigaw at napahampas sa lamesa si Ice. " There's no way I'm going to have a collab dance with that . . . "

" Subukan mong magsabi ng masama sira yang mukha mo! " sabat ni Clara ng tignan siya ng nakakainis ni Ice at parang may sasabihing masama tungkol sa kanya.

" That barbaric girl! "

" That's it! Who's barbaric?! " tumayo si Clara at ibinato kay Ice ang ballpen na nahablot niya sa lamesa.

" Of course, you! Sino pa ba?! " gaganti na sana si Ice sa pamamagitan ng pagbato ng bag niya pero sumigaw ang manager nila Ice. Nanahimik ang dalawa dahil sobrang nakakatakot ang manager nila Ice.

" Ano bang mga problema niyo? Para kayong mga bata! " sita ng manager nila Ice na si Ms. Malou Co. Nakapamewang na ito at nakataas na ang isang kilay. Naupo ang dalawa at di na umimik. " Hindi na kayo nahiya kay Sr! Ice, mag-uusap tayo mamaya! "

Tinignan ng masama ni Ice si Clara at naiinis lalo siya ng belatan siya nito. Mababawasan tuloy ang pagkain niya dahil sa barbarian na si Clara.

" Okay, you may go na. The decision is final, okay? " sabi ni Sr. Manlo at padabog na lumabas si Ice habang si Clara naman ay para ng may dalaw at may dinadasalan. Napailing na lang si ang lalaki. Kahit hindi niya masyadong pinupuna ay alam niyang hindi in good terms ang dalawa.

" Ms. Molou Co at Sr. Sam Aritano. " sabi nito sa dalawang managers na palabas na dapat ng kwarto. " We need to talk about those two. "

" Sinong dalawa, sir? " tanong ni Ms. Malou.

" Ice and Clara. "

Dancing MachinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon