Nagising si Clara dahil sa lamig na nanggagaling sa nakabukas na aircon sa kwarto. Sa pagkakatanda niya ay hindi naman siya nagbukas ng aircon dahil malamig na ang gabi kaya di na kailangan pang buksan iyon.Binuksan niya ang mga mata niya, at -- sandali, parang di niya kwarto to? Kulay puti lahat, mula kisame hanggang sa kumot na nakabalot sa katawan niya. Tsaka, bakit natutulog si Ice sa may tabi niya? Kailan pa to nakapasok sa kwarto niya?
Bumangon ako at umupo. Tinignan ko ang buong kwarto at napagtantong wala ako sa apartment kundi ay nasa isang hospital.
"Hoy, Ice." Inuga-uga ni Clara ang lalaking natutulog sa tabi ng kama. Nakanganga pa ito.
"Ha?" papungay-pungay itong tumingin sa paligid, at nang makitang gising na si Clara ay nanlaki ang mga mata at biglang napabalikwas ng tayo. "Clara! Gising ka na, sa wakas!"
Kulang na lang ay yakapin niya ang dalaga. Sa totoo lang ay sinubukan niya pero pinigilan ko siya. Masyado pa siyang mahina para magpayakap. She's still fragile (lol).
"Gaano na ako katagal na tulog?" tanong ni Clara dito.
"Kagabi ka lang nila dinala dito. Siguro mga 8 hours." tumayo ito at kinuha ang plastic na nasa may sofa. "Anong gusto mong kainin? Ramen?"
"Grabe ka. Pakakainin mo ako ng instant ramen?"
Napakamot siya sa ulo. "Oo nga no. Tsk. Di ko naisip yun ah. What do you want then? Oh wait, pupunta nga pala sila Drew mamaya. Papadala na lang ako ng pagkain."
Kinuha nito ang cellphone at tinawagan si Drew. Narinig ni Clara ang pagsigaw ni Drew sa kabilang linya. Hindi dahil sa natutuwa siya at nagising na ang kaibigan kundi nagrereklamo siya sa dami ng pinapaluto niyang pagkain.
"Musta na pakiramdam mo, babe?" tanong nito pagkaupo sa tabi ng dalaga.
"Babe?" kunyari ay nasusuka si Clara sa tinawag niya sa akin na iyon. Di siya sanay! Di bagay sa kanya, at mas lalong di bagay para kay Clara ang tawaging babe.
"Anong gusto mo?"
"Clara! May pangalan ako!"
"Ano ba yan? Sa bagay, sobrang ganda naman ng pangalan mo eh."
"Psh!" Nagroll eyes ang dalaga pero sa totoo lang ay medyo nakakakilig iyon. Medyo lang.
"Pero ayos na ba pakiramdam mo?"
Tumango si Clara. "Medyo nanghihina na lang. Pero pag nakakain na ako aayos na ito."
"Takaw." pang-aasar nito. Tinignan siya ni Clara ng masama pero tumawa lang siya. "Ano bang nangyari sayo?"
"Amin lang si Ice!"
"Malandi ka!"
Kagabi lang nangyari iyon pero parang ang tagal na. Tandang-tanda ni Clara ang galit sa mga boses ng mga babaing iyon. Ngayon na inaalala niya yung mga nangyari kagabi, parang nararamdaman niya ulit yung mga paghila nila sa buhok ko, yung pagtulak-tulak nila, yung mga suntok, kurot, at sampal, at syempre yung mga sinasabi nila.
Pakiramdam ni Clara na ang hina niya. Nung bumagsak siya sa kalsada, parang napakahina niya at hindi siya nakalaban. Nakakainis kasi hindi siya pwedeng lumaban.
"Okay ka lang?" tanong ni Ice, kita ang pag-aalala sa mga mata nito. Sasabihin ko ba sa kanya? Sasabihin ko ba na kaya ako may mga pasa at sugat ngayon ay dahil sa mga tagahanga niya?
Tumango si Clara.
"Matutulog muna ako ah? Gisingin mo na lang ako pag andito na dila Drew."
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Teen FictionParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi