× 14

271 13 2
                                    

" Malayo pa ba? " inaantok na tanong ni Clara habang yakap-yakap ang alpaca plushie niya na sinuotan niya ng shades.

" Di naman. Mga 20 minutes na lang. " sagot ni Sr. Sam na katabi ng driver.

" Aish. " yun na lang ang nasabi ni Clara at tumitig na lang sa mga building na nadadaanan nila. Naka-schedule sa araw na iyon ang Everest para magperform sa isang open concert at kanina pa sila sa byahe kaya ang mareklamong si Clara ay bagot na bagot na. Si Teen nga ay nakikinig na lang sa earphones niya dahil rinding-rindi na siya sa mga reklamo ni Clara. " Dapat nag-eroplano na lang tayo eh. "

" Ang reklamo eh. "hindi malakas pero ayos na para marinig ng lahat na sabi ni Ice. Nasa likuran siya ni Clara kaya kailangan pang lumingon ng dalaga para lang tignan ito ng masama. Tumingin lang sa labas si Ice habang nakangiti.

" Buset. " sabi ni Clara at nilaro-laro na lang si Ginger, ang kanyang alpaca plushie. " narinig mo yun, Ginger? Napakasama talaga ng Ice na yun. Ang reklamo ko daw. Tss. Totoo naman yung mga sinasabe ko eh. " bulong ni Clara kay Ginger. Lagi niya itong ginagawa. Kapag masaya siya, kinakabahan o dikaya ay natatakot. Sabihan din niya ito ng mga sikreto na hindi niya kayang sabihin miski sa mga kaibigan.

" Mareklamo ka naman kasi talaga. Malapit naman kaya di na kailangan ng eroplano.  Kekeke. " sagot ni Ginger.

" Anong malapit? Tsaka---What the heck?! Nagsasalita ka?! " sigaw ni Clara na gumising kay Teen at Scarlet.

" Ano ba naman, Clara. May sabigla eh! " reklamo ni Teen sabay balik ng earphones sa kanyang tenga.

" Si Ginger kasi nagsasalita. " sagot ni Clara habang tinitignan ng masama ang hawak na stuffed toy. Kakausapin niya sana ulit ito sa pagbabakasakaling magsalita ulit ito ng marinig niyang may natawa sa likuran niya.

Ang paglingon niya ay si Ice pala ang natawa habang kagat-kagat ang isang daliri. " Babo. "

" What the heck?! " dun lang narealize ni Clara na si Ice pala ang sumagot na iyon at hindi si Ginger. Kaya pala pilit na maliit ang boses nito. " Sira ulo ka! " nahablot ni Clara ang kanyang brush, umikot siya para humarap kay Ice, at pinaghahampas ito.

" Aray, ano ba? " natatawa si Ice habang nakataas ang mga braso para hindi mahampas ni Clara ang kanyang mukha.

" Pinagmukha mo akong tanga dun! "

" Wag kang mag-alala, matagal ka na namang ganun na. " pang-aasar ni Ice habang tawa ng tawa.

" Ano?! Argh~! Kanina ka pa! " pinaghahampas ulit ni Clara si Ice na tawa naman ng tawa. Natigil alng ang panghahampas niya ng prumeno ang van dahil sa tumawid na aso at nauntog si Clara sa may aircon ng sasakyan. " Aray, shit. "

" O, wag ka kasing pu-pwesto ng ganyan. " titignan niya sana ng masama si Ice dahil nauntog na nga siya sisisihin pa siya pero nagulat na lang siya ng tumayo/luhod si Ice at minasa-masahe ang likuran ng kanyang ulo. " Ayan tuloy. " nag-aalalang dagdag ni Ice.

Natigilan si Clara at nakatayo lang siya dun. Hindi siya makagalaw at hindi niya mai-alis ang kamay ni Ice na marahang minamasahe ang parte na nadali. May kuryenteng dumadaloy sa kanya kada galaw ng mga daliri ng binata, at shit, ang lakas ng kalabog ng dibdib niya.

" Masakit pa ba? " tumungo ng unti si Ice para magpantay ang kanilang mga mukha. Kitang-kita sa mga mata niya ang concern para sa dalaga. Bumuka ang bibig ng dalaga pero walang boses na lumabas kaya umiling na lang siya. Ngumiti naman si Ice at inalis na ang kamay sa likuran ng ulo ni Clara. Minura ni Clara ang sarili dahil nakaramdam siya ng pagkadismaya ng inalis ni Ice ang kamay. Ginulo ng unti ni Ice ang buhok ni Clara sa tuktok ng kanyang ulo bago umupo.

Dancing MachinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon