Poof! at lumipad na kung saan ang takip ng champagne na binuksan ng kanilang manager na si Sr. Sam. Nilagyan niya ang mga baso ng mga nakaabang kaagad para sa inumin na minsan lang nila matikman, dahil bawal sila uminom, light man ito o hindi. Nang matapos malagyan lahat ng baso ay ang kanya naman ang nilagyan ni Sr. Sam.
" Para sa success ng first Paradise concert! " sigaw ni Sr. Sam habang nakataas ang kanyang baso. " Wait a minute, Teen. " ikokonekta na kasi sana ni Teen ang kanyang phone sa speakers. " This is also for the astounding performance of Ice and Clara. At para na rin sa pagbabati niyong dalawa. "
Namula naman ang dalawa. Nag cheers na sila at nagsimulang uminom. Nagsimula na din ang malakas at nakaka-indak na tugtog. Hindi pa talaga iyon ang celebration ng Paradise artists na ipinangako ng kanilang CEO para sa success ng concert dahil nasabi sa mga managers na gagawin pa iyon pagkatapos ng tour. Sadyang natuwa lang talaga sina Sr. Sam at Ms. Malou kaya nagpa-blowout kaagad sila sa G5 at B.A.H.
Tumayo na ang iba para kumuha ng pagkain na nasa lamesa, ang iba naman ay nasayaw tulad ni Nawah at Teen, at hindi maganda sa mata ang kanilang ginagawa. Sino ba naman ang matutuwa sa sayaw na para kayong naghahamon ng away sa isa't-isa? Si Elijah ay nakain na at punong-puno ng iba't-ibang pagkain ang kanyang plato.
Kamuntikan na siyang mabulunan at masuka ng biglang magsubuan ng cake sina Teng at Glitter sa kanyang tapat. Nakakandong ang dalaga sa binata at nakayakap sa leeg nito. Nanalaki ang natural nang malaking mata ni Elijah, at itinuon na lamang ang atensyon sa pagkain. Ng hindi na niya nakayanan ang mga nangyayari - dahil pinahiran ni Glitter ng icing ang ilong ,labi at leeg ng binata at isa-isa itong pinaghahalikan (pero mas nagtagal siya sa leeg ng binata), at may kung anong tunog ang nanggaling sa bibig ni Teng - tumayo na siya at pumunta sa kusina na pulang-pula ang mukha.
Hindi na magtataka si Ice kung biglang mawawala ang dalawa at makakarinig na lang sila ng mga tunog na di kaaya-aya sa isa sa mga kwarto ng dorm ng G5. Hinanap ni Clara si Drew para utusan na pagsabihan si Glitter pero napasok na lang ito sa kanyang noo ng makitang sarap na sarap sa pagkain ang baabe at nakataas pa ang paa.
" Ang tagal na naman sa banyo nan. " sabi ni Clara. Si Drew kasi ang taong kayang kumain kahit gano pa ito kadami. Pero may masamang epekto ito. Depende sa dami ng kinain niya ang ilalabas niya, at hindi natutuwa doon si Clara. Bukod kasi sa hindi mo mapapasok ang banyo kapag andun siya, ay hindi mo rin iyon mapapasok kapag wala kang gas mask. 40 minutes ang pinakamatagal na record ni Drew sa loob ng banyo. Hinding-hindi iyon malilimutan ni Clara dahil pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay sasabog na ang kanyang pantog at magakakasakit pa ata siya sa bato.
Si Clara na mismo sana ang aawat sa dalawa pero may humila sa kanyang kamay. Si Ice.
" Hayaan mo na yang dalawang yan. Para namang mapipigil mo yan. Hahanap lang sila ng bagong pwesto. " natatawang sabi ni Ice, at natawa na lang din si Clara.
Hinila siya ni Ice papunta sa sofa, at binatukan ni Clara ang kanyang sarili sa kanyang isipan ng maisip niya kung gagayahin ba nila ang ginagawa nila Teng at Glitter.
" Bakit ka namumula? "tanong ni Ice. habang nilalapit ang kanyang mukha sa mukha ni Clara para tignan itong mabuti.
" A-Anong namumula? " nataranta si Clara at iniharang niya ang kanyang kamay sa mukha ni Ice at itinulak ito palayo. Dali-dali siya umupo sa sofa. " Why are you not eating, by the way? "
Umupo na din si Ice sa kanyang tabi. Hawak-hawak nito ang ilong na namumula dahil sa pagkakarang ng kamay ni Clara. " Hindi ka rin naman kumakain. "
" Yeah. Nasagot mo yung tanong ko. " sarkastikong sabi ni Clara.
Tumawa si Ice. " Nakakagana bang kumain habang nakakapanood ka ng live show? "
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Teen FictionParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi