Ang sumunod na araw ay ang pahinga nila, bukod sa may hangover pa ang iba sa kanila, pinagpahinga talaga muna ng Paradise ang lahat ng artists nito. Nang bumaba si Clara mula sa kanyang kwarto (hindi niya alam kung paano siya nakapunta dun dahil ang alam niya ay nasa rooftop siya nung nakaraang gabi) ay nadatnan nniya ang isang lamesang puno ng tira-tirang pagkain. May sumuka rin sa tapat ng fridge kaya hindi siya makakuha ng gatas na araw-araw niyang iniinom. Hindi siguro nakaabot ang sumuka sa lababo kaya don na lang inilabas ang mga nakain nito na gustong bumalik sa mundong ibabaw.
Nang dumaan siya sa living room ay may tapon ng champagne at juice ang sahig at carpet. Sa sofa naman ay may kalat din. Nang iniwan nila Clara sina Teng at Glitter last night ay naandoon lang ang dalawa sa upuan na pang-isahan lang. Ngayon ay nasa mahabang sofa na ang dalawa, tulog, magkapatong, at walang suot na pang-itaas si Teng. Aish. Napa-roll eyes na lang si Clara.
Nagsimula na siyang mag-imis. Wala siyang mahingian ng tulong dahil tulog pa ang mga ito, pwera lang kay Drew na mukhang nakikipag-telebabad kay Mother Earth sa banyo. Sinimulan na muna niya mga kalat sa lamesa. Itinapon ang dapat itapon at inilagay naman sa ref ang pwede pang kainin. Inalis niya muna ang suka sa may tapat ng ref syempre. Ang suka na may noodles-noodles pa, at sigurado siya na si Elijah lang ang kumain ng ramen sa kanila kahapon.
Pagkatapos hugasan ang mga pinggan, baso at iba pa, nilinis na rin niya ang living room. Gusto niyang hampasin ng vacuum ang dalawa sa sofa pero kawawa naman yung vacuum pag nagkataon.
" Mamalayan na lang, may anak na tung dalawang to. "
" I don't think so. Maraming supply ng condom yang si Teng eh. " nagulat si Clara ng may umagaw sa vacuum na hawak niya. Si Ice.
Napatakip naman ang dalaga sa kanyang tenga. " ARGH! My virgin ears and mind. " sabay takbo sa banyo. Maghihilamos at magtu-toothbrush lang naman talaga siya dahil ilang beses na siyang nakita ni Ice na bagong gising, yung tipong wala pang toothbrush at hilamos. At sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na iyon mauulit pa.
* * * * *
Nasa kalagitnaan sila ng pang-aasar kay Elijah, sa pangunguna ni Clara at Nawah, tungkol sa pagsuka nito ng bumukas ang pinto at pumasok ang dalawa nilang manager na parehas naka-suot ng sunglasses.
" Naks! Porma natin ah? Nasaan ang araw? " pabirong tanong ni Nawah.
" Ilang taon ka na, Nawah, at hindi mo pa rin alam kung nasaan ang araw. Jeez. " sagot ni Ms. Malou at napakamot na lang sa ulo ang matangkad na binata. Binelatan naman siya ni Elijah.
' Tutal halos two weeks ang binigay sa ating pahinga ng kumpanya, we've decided na sulitin ito. " sabi ni Sr. Sam.
" We phoned the management earlier and asked for permission. And luckily, they agreed. "
" So . . . we're going on a vacation! "
Ilang segundo muna ang dumaan bago nila na-process ang sinabi ng kanilang dalawang manager.
" Saan? "
" Woot! I'm excited! "
" Beach! "
" Hiking! "
" Country hopping! "
Si Teen ang nagsuggest ng huling iyon. At dahil hindi iyon posible dahil sobrang mahal at kaunti lang ang panahon, binigyan nila ang binata-slash-dalaga ng katahimikan at poker faces. Padabog itong nagsuot ng headset at saka bumulung-bulong ng tungkol sa mga bagay na pwede mong isama sa mga salitang 'nagsa-suggest lang' at 'inconsiderate people'.
" Okay. Kayo mag-decide kung saan tayo pupunta. We're gonna watch some TV. " sabi ni Ms. Malou at saka hinila si Sr. Sam papuntang living room.
" They're dating, right? " tanong ni Alex. Tumango ang mga kasama nito at nagtawanan.
" So . . . papaano tayo mamimili ng pupuntahan? " tanong ni Drew.
" Ah! Isulat na lang natin sa papel at kung ano ang pinakamaraming votes, yun ang pupuntahan natin. " suggest ni Nawah. Tumayo ito at pumunta sa kung saan. Pagbalik ay may dala na itong ilang piraso ng ballpen at papel. " Ang pagpipilian ay beach at mountain or province. "
Kumuha na sila ng tig-iisang papel at nagsulat. Ang isinulat ni Clara ay beach, ang kay Ice naman ay 'Clara's Heart'. Nang matapos ay binuksan na ang mga ito ni Nawah, at ibinato niya ang papel ni Ice pabalik sa binata. Nang tinanong ng iba kung bakit ay tumawa lang ang dalawa.
" Manager-hyung~! Manager-noona~! " tawag ni Nawah.
" Oh? Saan kayo nakapagdecide pumunta? " tanong ni Sr. Sam ng may malawak na ngiti sa kanyang mga labi. Napansin ng mga ito na mapula ang pisngi ng kanilang mga manager at kapwa nakangiti. Napa-roll eyes na lang sila.
" Beach~! "
" That's good. We'll search for a good resort immediately para bukas pa lang ay makaalis na tayo. "
" Uhmm, manager hyung and noona? " nagtaas ng kamay si Ice. " We could go to my aunt's resort. It's just a three-hours drive from here. "
" We'll go there! Pack your bags. We're leaving this afternoon! "
* * * * *
Kasalukuyang pabalik sila Ice galing sa kanilang condo papunta sa condo unit ng G5. Isang tour bus ng Paradise ang ginamit nila dahil 12 silang lahat. May mahaba itong couch sa loob, ilang maliit na bean bag, isang mini fridge, isang banyo, at tatlong set ng double deck.
" I didn't know na may beach pala kayo. " di makapaniwalang tanong ni Elijah na kaibigan na ni Ice noong elementary pa lamang sila.
" Di amin yun. At bihira lang kami pumunta don. " sagot ni Ice na nainom ng iced tea.
" Kahit pa ba. "
" I didn't know na may tour bus pala tayo. " singit ni Nawah.
" Nawah! Kailan pa naging mabuti sa mata ang pagbabasa habang nasa sasakyan? " sita ni Ms. Malou. Ibinaba ni Nawah amg men's magazine na hawak at ngumiti sa manager. " And for your information, this bus was last used way back 5 years ago by the group EVERest. Dun kinuha yung pangalan ng sub-unit nyo. "
" I didn't know that. "
" That's because you didn't bothered asking. " mabilis na sagot ng kanilang manager. " They were under Paradise too. They were great and talented, and I was, and forever will be, their fan. "
" Hala si ma'am! Inaalala ang kapanahunan niya, "
" Anong kapanahunan?! 5 years ago nga lang eh! " nawala ang ngiti sa labi ni Ms. Malou. " As I was saying, they were the last one to use this bus. But this thing is maintained naman para safe pa rin gamitin kahit biglaan. "
Tumayo si Ice at pumunta sa may back part ng bus kung saan may isang poster ang nakadikit. Isang grupo with six members. Ang pangalang 'EVERest' ay nakaprint ng napakalaki at glitter-designed. Sa ilalim ng bawat members ay nakasulat ang kanilang mga stage name.
" L.A, IV, Jade, Wyn, Nicxx, at Tee. " mahinang sabi ni Ice. Tinignan niya ang itsura ng bawat members, nakangiti ang mga ito. At napangiti na rin si Ice. Hindi man niya sabihin sa iba, pero fan boy siya ng group na ito. Naaalala pa niya ang mga panahong bumibili siya ng mga album ng grupo at sinasaulo ang steps ng mga sayaw nila. Ang grupong EVERest ang nagturo kay Ice kung paano sumayaw at mangarap na maging isang artista. Laking panghihinayang lang niya ng hindi na niya naabutan ang grupo sa Paradise dahil na-disband na ang grupo at nagkanya-kanya na ang mga members sa larangang gusto nila at malayo sa spotlight. Pero masaya si Ice dahil sunod sa mga idolo niya ang pangalan ng sub-unit nila.
Huminto ang bus. Maya-maya lang ay sumakay na sa bus ang mga babae dala-dala ang kanilang mga maleta, shoulder bag, at nakasuot na agad ang mga ito ng pang-swimming. Agad hinanap ng mata ni Ice ang gusto niyang makita, at napangiti naman siya nang nakita niya si Clara in blue floral dress na may suot na beach hat.
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Dla nastolatkówParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi