" Ay nakakapagod. " sabi ni Clara at bumagsak na siya sa sofa ng kanilang dorm. Tumabi sa kanya si Drew at humilata na rin.
" Kumusta? " gaya ng dati, malambing at mayumi ang pagsasalita ni Scarlet. Tumabi ito sa kanila. Binuksan nito ang stereo at plinay ang ang nakasaksak na cellphone dito.
" Pagod. " tumawa ng mahina si Drew at maya-maya ay nakatulog na din. Natawa si Scarlet kaya ipinatong niya nag paa ni Drew sa kanyang hita at minasa-masahe ito.
" Yah~! Bakit siya lang? Ako wala? " tanong ni Teen na umupo sa may paanan ni Scarlet at nagpout.
" Ayaw! Baka mamaya iba na iniisip mo pag minamasahe kita eh. " sabi ni Scarlet sabay belat kay Teen na hinampas siya ng throw pillow. " Aray naman. "
" Hindi naman ako manyak noh. Hayup na ito. " tumayo ito at dumeretso na sa banyo.
" Guys, I did some shopping for you earlier, and it was like nakakapagod. Pinagkaguluhan ba naman ako? Aish! " sabi ni Glitter na galing sa kusina dahil gumawa siya ng smoothie, inabutan niya ng isa si Scarlet na nagpasalamat sa kanya. " The stuff is in your rooms. Check it na lang. "
" Salamat, Glitter. Anong binili mo saken? " nakapikit si Clara at halatang pagod ito.
" Panties. They're red, by the way, so that you'll look hot. "
" What?! " napabalikwas si Clara. " Seryoso? "
" Uh-huh. "
" Ugh~! Bakit naman kailangan pang magmukhang hot? "
" Duh~! Para mas maraming ma-attract sayo lalo na pag nagpeperform ka. "
" Sht. Tingin mo susuotin ko yun ng yun lang habang nasayaw ako sa stage? " ginulo ni Clara ang kanyang buhok dahil hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip ng kanyang kaibigan.
" Malay mo naman magperform tayo sa isang beach concert. Syempre kailangan dun naka pang-beach ka talaga. " sagot ni Glitter at kumurap-kurap, isa sa mga habbit niya.
" Like hell, Glitter. "
" Yan~! That's the spirit. Buti naman at nakukuha mo na ang flow ko. " napataas lang ng kilay si Clara dahil hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng kaibigan. " Hot like hell. Oh, pwede mo ng gawing motto yan. " sabay tawa.
" Ugh. " tumayo si Clara at dumeretso sa kwarto. Lalo lang sumasakit ang ulo niya dahil sa kabuangan ng kaibigan. Pagpasok niya ay may ilang shopping bags na nakapatong sa kama niya. Binuksan niya ito isa-isa at wala naman siyang nakitang underwearna kulay red. Puro pang summer pero walang pang beach. " Sira ulo talaga yung bruha na yun. "
* * * * *
" Bakit napakadaming tao sa labas ng building? " tanong ni Clara.
" Fans ng B.A.H. They're always like that kada malalaman nilang pupunta ang B.A.H sa building, dudumog na din sila doon. " sagot ni Drew na nainom ng soy milk na inagaw naman ni Clara at uminom din siya.
" Yeah. Sasaengs. Following B.A.H around. " dagdag ng kanilang manager na katabi ng driver.
" Psh! Bakit naman sila patay na patay dun sa mga yun? " tanong ni Clara habang tinitignan ang mga tao, mostly kababaihan, na nakatayo sa labas ng building at may hawak na mga camera.
" They're just famous. Plus, good looking. " sagot ni Sr. Sam.
" Good looking eh ang mukha kang bakulaw si Ice. "
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Teen FictionParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi