" Humanda talaga sa akin yang unggoy na si Ice na yan eh!! " galit na galit na sabi ni Clara habang kinakagat ng marahas ang fried chicken na hawak niya.
" You eat like a barbarian talaga pag galit ka. Eww. " puna ni Glitter.
Nagpa-practice sila kanina pero pinagpahinga muna ng kanilang choreo dahil pagod na silang lahat at lunch time na rin naman. Nagpadeliver na lang sila dahil ayaw lumabas ni Clara ng naka pajamas dahil baka may makakita na ibang tao. Nakakahiya.
" Che! Sisihin mo si Ice. Buset. " singhal ni Clara at kumain na lang ulit ng naka-kamay. Kung titignan parang hindi siya ang tao na hinahangaan ng marami. Pero tao lang naman siya. Mas mabuti na ang ganyang barbaric na ugali niya kaysa naman sa ibang tao na naging sikat lang ay nakalimot na sa dating mga nakagawian.
Pumasok si Sr Sam Aritano ng may ngiti sa kanyang mukha na lalong nagpapasingkit sa mga mata nito. " Uhmm, Clara? After lunch, meet me at the roof top. Okay? "
" Okay, ser. " sagot ni Clara habang naka-thumbs up at nagpatuloy na sa pagkain.
" Bakit? Sinumbong mo ba si Ice? " tanong ni Drew.
" Hindi noh? Hindi naman ako sumbungera. Mas gusto kong makita na nagsisisisi siya sa mga kawalanghiyaan niya sa sariling kamay ko. MWAHAHA. "
" You're creepin' me out, dude. " sabi ni Teen at umisod palayo kay Clara, magkatabi kasi sila.
" Dude mo mukha mo. Bakla! " sabay bhelat dito.
" Anong bakla?! " bago pa siya masuntok ni Teen ay nakatayo na siya. Naisip pa niyang tripin ito kahit delikado. Delikado kasi talaga trippin si Teen dahil sadista at malakas manuntok. Peron okay lang. mawala lang pagka-bad mood niya. Dahil nga nakain siya ng naka-kamay ay may kanin-kanin sa mga daliri at palad niya. Bigla niyang pinatalsik ang mga ito kay Teen.
Ng pandilatan siya ng mata ng kaibigan ay tumakbo na ito palabas habang natawa ng malakas.
" CLARRAAAA~! " irit nito. Oo, irit. Dahil kapag sobrang takot o dikaya ay inis ay nagiging pambabae ulit ang boses nito.
" Ahahaha. Sorry, Teen! " at dumeretso na siya sa banyo para maghugas ng kamay dahil kailangan na niyang pumunta sa rooftop.
-------------------------------------
" Sir? " dali-dali siyang umakyat kahit sumasakit ang tagiliran dahil kakakain lang niya pero nanakbo siya. Sa sobrang pagmamadali dahil baka habulin siya ni Teen ay nalimutan niyang may elevator nga pala ang building na ito hanggang rooftop.
Nakaupo si Sr Sam sa isang bakal na bench pero at the same time, swing na din siya. Umupo si Clara sa katapat na bench.
" Oh, you're here na. " ngumiti ito. Minsan ay naiisip ni Clara kung nakakaranas ba ito ng problema sa buhay o kung may pinagdadaanan man lang ba na paghihirap, kasi lagi itong palangiti na parang ang gaan-gaan ang buhay. Kahit pagod na silang lahat sa mga schedules ay nakangiti pa din ito nakukuha pang magbiro kahit napaka-corny. Natawa na lang si Clara ng maalala ang isa sa mga waley na jokes nito.
" Bakit niyo po ako pinatawag? May problema po ba? "
" Wala naman. Kwentuhan lang tayo. Hindi tayo masyadong nagku-kwentuhan eh. " natawa si Clara.
" Ano ba naman yan, ser. Akala ko kung ano na eh. "
Natawa din si Sr Sam. " Pinakaba ba kita? Sorry ah. "
" Okay lang yun, ser. Hindi naman masyado. " natatawang sabi ni Clara. Nakahinga siya ng maluwag dun. " Ano po ba ang gusto niyong pag-kwentuhan? "
" Kung bakit ganun na lang galit niyo sa isa't-isa ni Ace. " nakangiti pa din ito habang sinasabi iyon. Pero nawala ang mga ngiti sa labi ni Clara pati ang tuwa ay nawala na din.
" Bakit naman yun pa, ser? Iba na lang. Madami namang mas magandang mapagku-kwentuhan eh. Iba na lang. " suggest ni Clara habang naka-pout. Sinusubukan niyang daanin sa charm niya ang manager para maiba ang usapan. Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng mapag-usapan iyon pa. Eh kada naalala na iyon ay lalo siyang nanggagalaiti sa kumag na Ice na iyon.
" Eh yun ang gusto ko eh. " gumamit na rin ng charm si Sr Sam. At mas mukhang makapangyarihan iyon dahil hindi mapakali sa Clara sa pwesto niya at pilit na iniiwas ang tingin sa gwapong manager.
" Bakit po ba kayo naging interesado dun? Matagal na iyon eh. " hindi pa rin siya natingin baka kasi nagpapacute pa din ang manager. Hindi niya kakayanin iyon. Wala naman siyang gusto sa manager, miski crush wala. Hindi lang talaga niya kaya ang mga cute na bagay at tao.
" Eh basta. May sasabihin akong ikatutuwa mo pagkatapos magkwento. "
Napatingin si Clara. Ikatutuwa? Hindi na kaya itutuloy ang collab nila ni Ice. Ay shet! Masyadong natutuwa si Clara sa naiisip na iyon.
" Sige na nga po. " halata sa boses niya ang excitement.
Nginitian naman siya ni Sr Sam. " Yan. Salamat! "
" Nako, ser. Siguraduhin niyong matutuwa ako dyan sa sasabihin niyo pagkatapos ah? " biro nito.
" Sigurado akong ikakatutuwa mo iyon. " seryoso at parang may balak ang boses niya nun pero nakangiti pa rin. Pero hindi iyon napansin ni Clara dahil masyadong siyang natutuwa at naeexcite sa thought na hindi na sila magko-collab ni Ice.
![](https://img.wattpad.com/cover/14595475-288-k334191.jpg)
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Fiksi RemajaParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi