× 16

261 11 0
                                    

" It looks the two are finally getting along. " nakangiting sabi ni Sr. Sam, ang manager ng G5, habang hawak ang kanyang tablet at nainom ng macchiato. Kasama niya si Ms. Malou Co dahil nagre-rehearse ang mga alaga nila para sa nalalapit na Paradise Tour at nagrequest ang mga ito na bilhan sila ng kanilang mga manager ng Starbucks.

" Hmm? "

" Clara and Ice. " nakangiting sagot ni Sr. Sam. Iniharap niya ang tablet kay Ms. Malou Co. Isang picture na kuha ng isang fan na nakapost sa isang social networking site ang nakita ni Ms. Malou. In-adjust ni Ms. Malou ang kanyang suot na salamin at tinignang maigi ang picture. Picture iyon ni Ice at Clara na palabas sa isang milk tea shop.

" Oh. That's good then. Pero . . . " huminto ito sa pagsasalita at tinignang maigi ang gwapong-gwapong itsura ni Sr. Sam. " That will be an issue. "

As usual, ngumiti si Sr. Sam. " Wag na muna nating isipin ang hindi pa nangyayari. Let's just be happy na nagkakaayos na ang aso't-pusa. "

" Tama ka. " tumawa ng mahina si Ms. Malou, pero hindi naalis sa isipan niya ang pwedeng mangyari pag kumalat pa ang mga pictures nilang dalawa na nalabas ng magkasama o di kaya pag na-confirm na na nagde-date sila. Pero hindi naman sila nagde-date. Napaka-imposible nun para dun sa dalawa. Pero para sa mga fans, mas pinapaniwalaan pa ang mga rumors kesa sa totoong nangyari. Sa dami ng tumatakbo sa isipan niya ay hindi niya namalayan na dumating na pala ang kanilang mga inorder.

" Let's go? " tanong ni Sr. Sam, nakatayo na siya at may hawak na tatlong plastic ng lattes at frappes. Tumayo na si Ms. Malou pero nalaglag ang kanyang panyo kaya yumuko siya para kunin ito. Hindi niya napansin na yumuko din pala si Sr. Sam para damputin ang panyo kaay nagka-untugan ang kanilang mga ulo.

" Ay sorry! " sabay nilang sabi. Nagtawanan sila at tumalikod na si Sr. Sam para lumabas sa shop. Dinampot ni Ms. Malou ang kanyang panyo at huminga ng malalim bago sundan ang gwapong co-manager na hindi nakapansin sa mga pingi ni Ms. Malou na namumula ng sobra.

* * * * *

" Nagde-deliryo na ko, guys~! Tulungan niyo ko! " sigaw ni Nawah habang nakahiga sa sahig at pagulong-gulong.

" Yah~ nakalat yung pawis mo! " sita ni Alex na nakasandal sa pader at basang-basa ang t-shirt dahil sa pawis.

" Kaya mo pa? " tanong ni Elijah kay Ice habang hinahagod-hagod ang likuran nito na basa ng pawis. Hindi agad sumagot si Ice, nakapikit lang siya habang hawak-hawak ang kanyang bewang. Nagagamit kasi niya ito ng sobra kaya nananakit na. Tumayo si Elijah papunta sa kanyang bag at kumuha ng pamunas na inilagay niya sa likuran ni Ice. " Gusto mong pain killer? "

" Hindi na, hyung. Uminom na ako kanina. " nakapikit parin niyang sagot. Kung minsan ay didiin ang kanyang pagkakapikit at napapakagat siya sa kanyang labi kapag kumikirot ang kanyang bewang.

" Okay. Let's take a break muna. Pagod na tayong lahat. " sabi ng kanilang choreographer. Inalalayan ni Elijah si Ice na tumayo at maglakad papuntang couch.

" You're tiring yourself again. " sabi ni Alex habang nakahiga sa sahig.

" I'm not tiring myself, hyung. The practice and the choreographies, these are tiring. " sabi ni Ice habang nakapikit, hindi pa rin humuhupa ang sakit sa kanyang bewang.


" Excited na ako para sa concert, pero nakakapagod talaga. " sabi ni Nawah habang pinupunasan ang pawis sa kanyang likod.


" Uwi na tayo. Tutal kanina pa naman tayong umaga nagpa-practice. Gabi na rin. " sabi ni Elijah habang nililigpit ang kanyang mga gamit. Nagkanya-kanya na sila ng ligpit, nagpaalam sa kanilang choreographer at manager na sila'y mauuna, at sumakay na sa sasakyan. Alay-alay ni Elijah at Nawah si Ice dahil masakit pa din ang bewang nito at hindi masyadong makalakad.


Dancing MachinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon