Tatlong linggo ang nakalipas mula ng dumating grupo nila Ice. At sa loob ng tatlong linggo na iyon ay sinisimulan ng ipakita ni Ice ang talento niya at napapahanga na din niya ang mga coaches. Nagkaroon na ng ka-kumpitensya si Clara sa pagsasayaw. Pero hindi niya iyon masyadong binigyang pansin dahil ang pagiging trainee ay isang kumpetisyon. Lahat ng kasama mo araw-araw, lahat ng nakakausap mo sa loob at labas ng practice room, lahat yun ay kakumpitensya mo." Friend, ang galing talaga ni Ice noh? " sabi ni Drew habang pinapanuod si Ice na nasayaw. Nasa practice room sila ngayon at kasalukuyang pina-practice ni Ice at ng mga kaibigan niya ang choreo na kailangan nialng i-present sa darating na weekend.
Tinignan ni Clara si Ice na intense na intense ang pagsasayaw. " Psh. Mas magaling naman ako diyan no. "
" No. " sagot ni Drew habang tinatawanan ang kaibigan na tinignan siya ng masama ng kaibigan.
" Hayup. " sumsipsip si Clara sa tetro pack na hawak niya. Tinignan niya ito at tumingin siya kay Ice. Todo practice pa rin ito at hindi siya tinitignan. Natawa siya ng makaisip ng pambawi para sa ginawa sa kanya ni Ice three weeks ago.
Nasa may gilid lang sila nila Ice kaya madali lang ang gagawin niya. Pinisil niya ang laman ng tetro pack sa may paanan ni Ice. Hindi nga ito napansin ng binata.
" Payback time, b*tch. " nakangising sabi ni Clara habang inuubos ang natitirang laman ng tetro pack.
" Clara, why the fvck are you doing that? " tanong ni Glitter. Hindi sumagot si Clara pero kumindat lang sa kaibigan na tinaasan siya ng kilay.
At maya-maya lang ay narinig na ang gulat na sigaw ni Ice ng matapakan nito ang juice sa sahig. Napahiga si Ice habang si Clara naman ay tawa ng tawa with matching pagpalakpak pa.
" Oh my gosh. You're so lampa. " paputol-putol na sabi ni Clara dahil natatawa talaga siya lalo na sa mukha ni Ice.
Umusok ang ilong at tenga ni Ice dahil napahiya siya sa ginawa ng bruha na si Clara.
" What is wrong with you?! " nakahiga pa din siya. Nagsisimula ng magmantsa ang orang juice sa puti niyang jacket.
Nagpa-inosente si Clara ng sumagot ito kay Ice. " What? I didn't do anything. "
" It is obvious na ikaw ang nagtapon ng juice na ito eh! "
" Uh-uh! Correction. Natapon. Hindi tinapon. " sagot ni Clara.
Tatayo na sana si Ice para sugurin si Clara, dahil hindi uso sa kanya ang paniniwala na hindi dapat sinasaktan ng lalaki ang babae. Pero ng susubukan na nitong tumayo ay bigla itong napahawak sa may likuran niya.
" Aray, Sh*t! " reklamo nito habang napahiga ulit sa sahig.
" Ice! Bakit? " tanong ni Elijah, kaibigan nito, na may halong concer para sa kaibigan na mukang namimilipit sa sakit.
" Ay sakit ng likod ko, sh*t. " reklamo ni Ice. Nagsimula ng kabahan si Clara dahil ang ibang trainee ay nagkukumupulan na sa kanila.
" Wow. Ang weak mo naman pala. " pumiyok pa ito dahil kinakabahan na talaga siya. Kita kasi sa muka ng binata na nasasaktan talaga ito.
" Stop it, Clara. You're not helping. " sagot ni Alex, kaibigan ulit ni Ice, at tinignan ito ng masama.
" What? Ang O.A naman kasi. Nadulas lang naman siya. "
" He's right, Clara. " hinawakan siya ni Drew sa braso. " Mukhang napasama yung bagsak ni Ice. "
Sasagot pa sana si Clara ng magsalita ang isa sa mga coaches nila. " Anong meron dito? "
" Si Ice, sir. Nadulas. " sagot ng isang trainee.
Lumapit ang coach kay Ice na nakahawak pa din sa likuran niya. Lalong bumilis ang tibok ng dibdib ni Clara. " Are you okay, Ice? "
" No, sir. I think na-injure yung back ko. "
" Take him to the clinic. " pagkasabi nun ay binuhat na ng mga kaibigan nito si Ice.
Huminga ng maluwag si Clara dahil hindi nagsumbong si Ice.
" That is not a nice thing to do, Clara. " sabi ni Glitter.
" Oo nga. Jeez, Clara. " dagdag pa ni Drew.
" Ewan ko sa inyo. Kampihan niyo pa si Ice! " tumayo ito para pumuntang banyo.
Pagkarating ay naghilamos agad ito. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi siya sinumbong ni Ice at hindi siya napagalitan. Makakaapekto kasi ng malaki pag nalaman ng mga coaches ay ginawa niyang iyon.
Pero sa kabila ng ganun ay hindi niya mai-alis sa kanya ang ma-guilty lalo na at nasaktan talaga niya si Ice. Hindi naman niya sinasadya na mapa-sobra ang prank na iyon. Hindi niya alam ang gagawin niya. Magso-sorry ba siya? Pero, sh*t. Babae siya at hindi dapat siya magbaba ng pride. Pero siya talaga ang may kasalanan nung nangyari kay Ice eh.
Napasabunot na lang si Clara sa buhok niya. " Bahala na nga. Litsi! "
Hanggang sapaghiga niya sa kama kinagabihan sa dorm na tinutuluyan niya ay hindi pa rin umaalis sa kanyang isip ang mukha ni Ice ng madulas ito at masaktan. Oo nakabawi nga siya dun sa ginawang pagtisod sa kanya ng lalaki. Pero sumobra ata siya. No. Hindi lang 'ata'. Sumobra talaga siya.
Pano na kung malala ang nangyari sa likuran niya?
Pano na kung hindi na siya makasayaw?
Pano na kung hindi niya matupad ang panagrap niya na maging sikat na dancer?
Yan ang mga tumakbo sa utak niya kaya hindi siya lalong makatulog. Paikot-ikot lang siya sa kanyang kama.
" Mag sorry ka na lang. " kamuntikan na siyang mahulog sa kama ng magsalita ang kaibigan na si Drew mula sa katabing kama. Hindi ito nakadilat kaya hindi na siya sumagot. Napa-buntunghininga na lang siya. MUkhang yun nga ang tamang gawin.
Bukas. Bukas.
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Teen FictionParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi