× 22

179 9 0
                                    

" And we're here. " sabi ni Ice na nanggaling sa may tabi ng driver dahil siya ang nagturo ng daan papunta sa resort ng kanyang tita.

" Really? Oh my gosh~! " isinuot ni Glitter ang kanyang malakaing sunglasses at agad-agad lumabas ng bus. " Oh my gosh. Finally. A vacation~ "

" Wait for me~! " simula ni Drew at sumunod na sa kanya ang tatlo pang members ng G5.

" Let's go swimming~! "

" Wait. Wait. " tawag ni Nawah. " Sinong magdadala ng mga gamit niyo? "

" Kayo. " maikling sagot ni Glitter at pumasok na sila sa lobby ng resort.

" What the f. " ang nasabi ni Nawah at tinignan niya ang mga maleta na kanilang bubuhatin. Isang linggo lang sila sa resort pero parang maglilipat na ng bahay ang mga babae. " Tulong, guys. "

Kinuha ni Ice ang kay Clara at kinuha naman ni Elijah ang kay Teen dahil magaan lang ito at iisang maleta lang ang dala nun. Gusto sanang agawin yun ni Nawah pero sumagot si Elijah na baka hindi na siya tumangkad kapag nagbuhat pa siya ng mabigat. At nang tinanong siya ni Elijah kung bakit yun ang gusto niyang dalhin ay hindi nakasagot ang matangkad na binata. Dalawang maleta ang binuhat ni Nawah dahil iyon ang bilang ng maleta na dala ni Drew. Pero mas nakakaawa si Teng dahil tatlong maleta ang dala ni Gliiter, at ang lahat ng iyon ay parang puputok na sa sobrang dami.

" Ice, are you sure na wala masyadong tao dito? " tanong ni Ms. Malou bago makababa si Ice. " Alam mo naman ang mga fans niyo. "

" Yes, ma'am. " tanong nito. " Exclusive resort ito and kailangan ng membership bago makapasok. "

" That's good to hear. Go now. We'll just park this bus. "

Nadatnan ng mga lalaki --na pawisan dahil sa mga dala-dala-- na nagse-selfie ang mga babae sa lobby. Maganda ang lobby, parang nasa hotel pero ang mga decor sa kulay-tangerine na mga pader ay nagra-radiate ng summer ambiance.

" Anong bang laman ng mga ito? "

" Swim wear. "

" Bakit ang bigat? Gawa ba sa totoong ginto o dyamante yang mga two piece niyo? "

" Ang corny, Nawah. So corny. "

Dumeretso si Ice sa receptionist's desk at kinausap ang babaeng receptionist. Hindi gusto ni Clara ang paraan kung papaano tumingin at ngumiti ang babae kay Ice kaya tumalikod na lang ito at tinitigan ang malaking painting na nakasabit sa pader.

Maya-maya lang ay may lumabas na babae, masa mid-40s na ito, na nakasuot ng violet long dress at may malaking beach hat.

" Ice, my dear! Hijo! " niyakap nito ang mas matangkad pa na si Ice at bineso-beso. " It's niceto see you again! "

" Nice to see you again din po, tita. " nakangiting sabi ni Ice. Dinala nito ang kanyang tita sa kanilang grupo. " Guys, meet my auntie. "

" Hi, mga hijo at hija. " nakangiti nitong bati at isa-isa silang bineso. Nang lumapit na ito kay Clara para magbeso ay napansin ng dalaga ang pagkakahawig ni Ice sa kanyang tita.

" It's nice to meet you, ma'am. " bati ni Sr. Sam at nakipagkamay sa tita ni Ice, bumeso naman ito kay Ms. Malou.

" It's nice to see a group of famous artists here in my resort. " malawak ang  ngiti nito at nakangiti rin ang mga mata katulad ng kay Ice pag natawa ang binata. " Enjoy your stay here, okay? If you need something, or anything, don't hesitate to call me of the service staff. Mauna lang ako ah? I have some business matter to attend to. "


Dancing MachinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon