Chapter 5

210 13 2
                                    

“What’s the point of exposing him if you’d just literally get back with him?”

“Yeah right. Parang tanga lang. Baka gusto ng atensyon? Clout chaser, ganern.”

Nakangiwi kong tiningnan ang grupo nila Bianca na nasa iisang table. They immediately looked away when I turned my eyes to them. Halata naman na ako ang pinaparinggan nila dahil pagdaan ko ay saka sila mga nagsalita at pumutak na parang puwit ng manok.

Magpaparinig tapos kapag tiningnan, biglang iiwas na parang mga tanga. Ano naman kaya ‘yon?

I turned my back to them at diretsong pumunta sa counter to buy coffee. I went here for that. In my peripheral vision, kitang-kita ko na nakatingin na ulit sa akin sina Bianca. Nagbayad ako sa cashier at nang nakuha ang order, I walked back.

I pulled the empty chair next to Bianca, gumawa pa iyon ng maliit na ingay. Dahan-dahan akong ngumiti sa kanilang lahat bago umupo at pinatong ang isang binti sa isa pa. Malinaw na nakabalandra sa kanilang mukha ang gulat habang nakatitig sa akin.

Hindi inasahan na kaya kong umupo sa table nila?

“Hi,” my smile widened when I greeted them generally. Kinagat ko ang cup ng coffee ko. “It’s been a long time since the last I saw you, Bianca.”

“H-hey, Shantelle.” She smiled back at me, awkwardly. Hindi ko man lang makita ang tapang niya. “O-oo nga, e. Matagal na rin.” Sabay iwas niya ng paningin.

She used to be my best friend. From junior to senior high school. Pero nang dumating si Elmo sa buhay ko, dahan-dahan na rin na lumuwag si Bianca sa akin. Noong una ay ayos naman. Saka ko na lamang nalaman na nagkagusto pala siya kay Elmo. Nilandi pa nga niya behind my back. Pero dahil loyal era pa noon ni Elmo, hindi siya nagpadala.

Bianca ruined our friendship just because she didn’t get the man she liked. Sayang lang talaga dahil kami ang hindi mapaghiwalay pero sinira niya ang pagkakaibigan namin dahil sa walang kwentang lalaki.

Wala na rin naman akong nagawa noong nagsimula siyang iwasan ako. Hindi ko na siya pinilit pa kahit nalungkot ako sa desisyon niya. Pero pagdating ng college ay lumala yata ang bitterness niya sa akin kaya nangunguna ang bibig niya para pag-usapan ako.

“Kumusta ka na?”

Alam ko naman na updated siya sa buhay ko. Bitter talaga siya kaya kapag niloloko ako ni Elmo, alam niya. Lagi pa ngang nagpaparinig pero ngayon ko lang siya naisipan na harapin.

“O-okay lang naman.”

“Pinag-uusapan niyo ako?” Isa-isa kong tiningnan ang mga bago niyang kaibigan. Smile didn’t leave my face because I’d like them to know that I was being sarcastic.

It’s really not a typical day to see some nursing students hanging out in the main coffee shop. Sa building kasi nila ay may sariling canteen at coffee shop naman. They probably went here to gossip?

“Why would we talk about you, Shantelle? Ano ka ba naman?” Biglang pumait ang tono ni Bianca.

Tiningnan ko iyong babaeng nagsabi kanina na clout chaser. She was raising a brow. Tinitigan ko siya sa mga mata at hindi ako nagbitiw kahit malinaw siyang nailang.

My eyes dropped to the name written on her uniform. Nasa left upper chest. Ganoon talaga yata kapag nursing, nakasulat ang full name sa uniform nilang white na white. Ang linis nila tingnan, lalo pa at nakatali sa maayos ang mga buhok nila.

Apat silang magkakaibigan, lahat ay hindi makatingin sa akin. Kung hindi ako ang pinag-uusapan nila, why can’t they meet my eyes? Guilty?

“Angeles, Laira...” Basa ko roon sa pangalan ng nagsabi ng clout chaser. Tho, familiar naman na ang mga kaibigan ni Bianca sa akin dahil lagi nga nila akong pinag-uusapan kapag nakikita ko sila. “Hindi niyo ba ako pinag-uusapan?”

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon