Chapter 29

190 8 8
                                    

WARNING: CONTAINS MATURE SCENES THAT ARE NOT SUITABLE FOR MINOR READERS.

*****

“Umuwi ka na!” Tinulak ko si Nectarine papasok sa kotse niya dahil wala na yata siyang balak pakawalan at bitiwan ako.

Hinatid niya na ako rito sa apartment galing sa date namin. I spent the whole day with him. Simula umaga pa kami magkasama, at hanggang ngayon ay kasama ko pa rin siya. Walang balak umuwi. Bukas kasama ko na naman siya. 

“Later. I wanna stay here,” aniya. Nagpapaawa pa ang mukha. 

Padabog akong pumadyak sa sahig. Nakangiti niyang kinuha ang kamay ko, pinagsalikop ang mga daliri namin at nang-uuto. But sorry, hindi niya ako madadala sa mga ngiti niya. 

“Uwi na, Nectarine.”

“I want to stay. Ten minutes more?” His soft voice said while squeezing my hand. 

“No.” Inilingin ko siya. “Umuwi ka na. I’ll see you tomorrow.” 

Binawi ko ang kamay mula sa kaniya and gestures him to get inside his car. Malamig ang gabi dahil December, tapos malapit na ang Christmas. Buong break ay siya ang kasama ko, walang iba. Madalas nandito kami sa apartment at kung ano-ano ang ginagawa.

But most of the time, hinahampas ko siya ng unan dahil malakas siya mang-inis. May pagkakataon na parang iiyak ang araw kapag hindi niya ako nainis, o hindi ako nagtatampo sa kaniya. Gagawin niya talaga lahat para inisin ako. 

“Reticentelle…” Ayaw niyang pakawalan ang kamay ko na mahigpit niyang hinawakan. Nakatitig siya sa mukha ko. “Five minutes?”

Hinampas ko ang dibdib niya saka siya tinulak palayo. Kailangan na talaga niyang umuwi. Napapagod na kasi talaga ako at gusto ko na magpahinga. Napagod ako sa date namin.

“Nectarine…” I bit my lower lip. Umangat ang kilay niya. “Please, umuwi ka na. Balik ka na lang bukas. Nandito pa rin naman ako.”

“Boring sa bahay. Dito na lang muna ako. I’ll go home before twelve.”

Umirap ako sa hangin at naiinis na sinimangutan siya. Kapag nadadayo siya rito sa apartment namin, pahirapan na talagang mapauwi siya. Sometimes, I needed to pull his ear para gumalaw.

“Magpapahinga na ako,” sabi ko.

“You can rest. I won’t disturb you–”

“Hindi, uuwi ka na!” Malapit na magdilim ang paningin ko. “Bukas na lang ulit.”

“No, I’m not going home,” matigas ang ulo na sabi niya. “I still want to be with you.”

“Nakakainis ka!” I shouted, ubos na ang pasensiya. Grabe, sarap niyang sabunutan. Ngumiti siya na parang wala naman siyang nakakairitang ginagawa ngayon.

“Are you irritated?” He touched my cheek with his finger. “I was not doing anything bad.”

“Ten minutes, tapos uuwi ka na.” I sighed, defeated. Hindi naman siya aalis hangga’t hindi napagbibigyan. 

He lifted a brow. “Ten minutes before mag-twelve?”

Nagsalubong ang kilay ko sa sobrang inis. Pinipigilan ko ang sarili kong basta na lang siyang pingutin. 

“Huwag kang abusado, Santivañez.”

Nauna akong pumasok sa apartment, nakasunod naman siya sa akin. Hindi ko nakita si Lalaine sa salas pero naka-on ang TV. Naisip kong umalis lang siya sandali.

Nectarine removed his shoes dahil siyempre, unlike sa house nila, he couldn’t wear his dirty shoes in our apartment. Mahirap maglinis. Magbubunganga si Lalaine dahil siya ang responsible sa pagmo-mop.

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon