Career na career ko ang pagiging Momma ni Cesme. Tuwing Linggo ay ako ang nagpapaligo sa kaniya. I volunteered. Naging routine na after namin mag-simba ni Nectarine, umuuwi kami sa apartment at doon tatambay. It was Cesme that always been with us.
Ayaw ko lang magpaabala ngayong araw dahil nagrereview ako for the midterms this coming Tuesday. I needed to poke all the veins in my head to function well. I need them to work and serve their purpose. Ayaw ko kasing bumagsak dahil nitong mga nakaraan ay laging mababa ang score ko sa mga quizzes.
Nag-review ako within two straight hours. Nectarine was cleaning the apartment habang abala ako. Nagwalis at nag-mop siya habang nakataas ang paa ko sa table. Kahit focus ako sa pag-re-review, napapansin ko pa rin ang mga ginagawa niya dahil mahirap naman i-ignore talaga.
Nakikita ko kung paano niya mahinahong sawayin si Cesme kapag nagkakalat, o kaya ay nanggugulo sa paglilinis niya. He looked like a careful father who doesn’t want to scold his child, but he had to. Binuhat niya paalis nang dumamba sa akin at halatang gusto na makipaglaro ako sa kaniya.
Nectarine let out a long sigh. “Cesme, you need to behave. Momma is studying. Don’t disturb her.”
I scratched Cesme’s fur at hinalikan ang kanyang ulo. “Later tayo maglalaro.”
Paulit-ulit ang nire-review ko dahil ayaw kong makalimot. Gusto ko pagdating ng Tuesday, handa na talaga ako. Mahirap kasi na kung kailan kakaunti na lang ang oras, saka pa lang magrereview. I need to memorize all the things that’s written on my paper.
Napatingin ako kay Nectarine nang bigla siyang umupo sa tabi ko. Nakatingin siya sa maraming papel na ginagamit ko sa pagrereview. Nasa table lahat at organized. Nas-stress ako at lalong nahihirapan kapag magulo ang reviewers ko.
“Are you struggling?” He picked up a paper and scanned what’s written there. “I saw how creased your forehead was while holding this paper.”
Bumagsak ang balikat ko at napasandal sa backrest ng couch. Honestly, wala na akong naiintindihan sa mga binabasa ko. Wala nang pumapasok sa utak ko. Dalawang oras pa lang akong nag-re-review tapos ganito na agad. Usually it takes three or more hours to get my brain totally drained.
Siguro this is because I had no enough sleep. I had not slept for a long hours. Pagod pa ang utak ko kaya ayaw mag-function ng maayos. Iyon siguro ang dahilan.
“What’s wrong, Reticentelle?”
Malalim ang pinakawalan kong buntong hininga saka marahan na pumikit at hinilot ang sentido ko. “Nahihirapan ako...” May mabigat sa puso ko. Nectarine was looking straight into my face. “Hindi ko maintindihan.”
“Saang parte ka nahihirapan dito? I’ll try to analyze it and make you understand in the easiest way possible.”
“Lahat ‘yan,” sabi ko. “Hindi mo naman ‘yan alam, Nectarine.”
“I’ll try, okay?”
“Huwag na. Hayaan mo na ‘yan.” Hindi niya rin naman alam ang pinag-aaralan namin. “Magpapahinga lang ako sandali.”
“Yeah, I really suggest you to rest.” Hindi ako nakagalaw nang bigla niyang kinuha ang ulo ko at dinala sa kanyang dibdib. Sinilip niya ang mukha ko. “Sleep ka muna.”
Hindi ako sumagot. Parang hindi pa siya nakuntento dahil hinawakan niya ang bewang ko at binuhat ang buong bigat ko. He put me between his legs at inayos ang paa ko sa floor. Nakatalikod ako mula sa kaniya.
“Are you sure makakapag rest ako sa ganitong posisyon natin?” Kumunot ang noo ko dahil obviously, para kaming linta na hindi mapaglayo. “I can just lie down on the couch.”
![](https://img.wattpad.com/cover/320220447-288-k204633.jpg)
BINABASA MO ANG
Later It Ends (Alimentation Series #3)
General FictionALIMENTATION SERIES #3 Broken family, a manipulative mother, guilt tripper sibling, criminal father, and a cheating boyfriend. Shantelle was so unfortunate to have those in her life. For all she knows, she was really unlucky. And even though her lon...