Naisip ko na siguro kaya hanggang ngayon ay nandito pa rin ako dahil I need to see those people who are on top slowly going down from their thrones.
The next two years, I don’t know if it’s karma that strikes them or they are just meant to be drained down. Pero siguro nga ay kinakarma na talaga sila.
It was announced publicly that Senator Castro was convicted for plunder case. I was surprised when I got to hear the news about it. Nakasubaybay ako sa nangyayari sa kaso hanggang sa kanina lang ay ibinalita na ang naging verdict sa kaniya.
He was found guilty of plunder. Hindi ko alam kung bakit ko naisip na iyon na ang magiging hudyat para sa unti-unting pagbagsak ng pamilya ni Elmo.
He was privilege to do whatever he wants because his parents are both powerful. He remains untouchable. He thinks highly of himself and he feels like he can control everything.
Now that his father was sentenced to life in prison, would he be still untouchable? Kung ano man ang nangyari sa pamilya niya, they deserve it.
Now that I’m here, living my life to the fullest, they are in the other hand, slowly crashing down. Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi sa akin ni Senator Castro. I wasn’t deserving of his child.
Yes, I wasn’t deserving of his manipulative, obsessive, and freeloader son. Hindi ko deserve ang ganoong klaseng tao dahil I am worthy of better things and man in this world. Fortunately, Elmo is no better.
The father is down. And who’s next?
“Sobrang yaman nila, Telle. Remember na ibinalita noon sa Philippine television na mayroon silang vacation house sa Baguio na worth hundred millions?”
Naaalala ko iyon. Naibalita iyon noong Governor pa si Mr. Castro. Bago ko pa lamang boyfriend si Elmo. Nagliliwanag pa nga ang mga mata ni Mama noon dahil sa balitang iyon.
Bilang isang mukhang pera, talagang liliwanag ang mata niya dahil mayaman nga naman ang pamilya ng boyfriend ng anak niya. She thought then that she’ll get her shares of benefits.
“Tapos may bahay pa sila sa Batangas na milyones din ang halaga. Magnanakaw talaga ‘yang Tatay ni Elmo. Well, wala namang malinis na politicians. Buti nga sa kaniya,” rinig ko ang matinding inis sa boses ni Lalaine. “Karma malala ang mga pota.”
“Tingin mo ba kinarma sila?” Nakapangalumbaba kong tanong.
Alam ko naman na hindi magandang makaramdam ng saya sa pagbagsak ng iba. Pero hindi. Kung pamilya ni Elmo ang bumagsak, dapat akong matuwa dahil dapat lang iyon sa kanila.
“Aba, oo! Karma ‘yan! Tingnan mo, pupusta ako na pagkatapos nito, maglalabasan na ang ibang issues related sa kaniya. Bakit, akala mo ba disente ang pamilya ni Elmo?”
“Hindi ko naman naisip iyon, Lalaine.”
“Kahit citizen na ako ng America, nakikibalita pa rin ako sa kaganapan sa Pinas.” She laughed. “Tuwang-tuwa nga ako noong ibinalita mo sa akin ang tungkol dito.”
Nangiti ako sa sinabi niya. Kahit nga ako ay natuwa rin. Pakiramdam ko kasi ay hindi pu-puwede na hindi ako maging masaya sa downfall ng ama ni Elmo.
“E, kailan mo balak magbakasyon dito, Lalaine?” I shifted the topic. It’s been two years since she left, pero hindi pa rin siya bumabalik.
“I’m not sure yet, Shantelle.” She said. Her English accent was so feminine. “I got busy these past months. I probably would take a vacation next month. Pero I’m not sure pa kung sa Philippines.”
I frowned. “Has philippines turned out to be your least favorite county now?” I joked.
“No, of course not. Hindi ko pa lang talaga gustong bumalik diyan.”
BINABASA MO ANG
Later It Ends (Alimentation Series #3)
Fiksi UmumALIMENTATION SERIES #3 Broken family, a manipulative mother, guilt tripper sibling, criminal father, and a cheating boyfriend. Shantelle was so unfortunate to have those in her life. For all she knows, she was really unlucky. And even though her lon...