Chapter 44

210 11 4
                                    

Unti-unti na ulit akong nasasanay sa Maynila. Sa pagbalik-balik ko roon, nakukuha ko nang maging komportable sa paligid ko. Wala na akong Elmo na dapat katakutan na bigla ko na lang makikita sa paligid, o hahablutin ako bigla. Hindi rin naman ako masyadong lumalabas sa condo ni Tito Alec kaya malabo na rin na makita ko si Mama.

Nakasanayan ko na tuwing Friday, after ko sa school, uuwi na ako rito sa Maynila at babalik sa Laguna Sunday ng hapon. Kaunting oras lang ang mayroon kami ni Nectarine, but I’m still contented and happy.

As long as nakikita ko pa rin siya every week, masaya na ako. Hindi ko na kailangan pa ng mas malalim na bagay dahil ito lang naman talaga ang gusto ko.

Tito Alec and I are getting along well. Noong isang Sabado nga ay isinama niya ako sa salon niya nang nakaalis na si Nectarine papuntang ospital. Hindi niya ako iniwan mag-isa.

Sumama ako kay Tito Alec dahil ayaw ko naman ma-bore sa condo mag-isa. Tapos ko na rin ang mga kailangan kong gawin at may libreng oras na. Nakilala ko sa salon ang kaibigan ni Tito Alec na si Ate Yvette.

May tatlo pang other staffs sa salon. Ipinakilala ako ni Tito Alec sa kanilang lahat. Pare-pareho silang nakasuot ng gray apron na mayroong logo ng shop sa gitna.

Everyone looked certainly clean with their hair tied in a classy bun with hairnet. Mayroon din silang uniform kaya magandang tingnan. Bumagay sa classy themed salon.

“This is Shantelle, Nectarine’s girlfriend,” Tito Alec announced to everyone. He was sporting the nicest smile he had always wore.

Para silang mga namangha and I guess I’m not imagining things. Base sa kwento, nagpupunta rito si Nectarine minsan kaya siguro ay kilala siya ng staffs bilang pamangkin ng may-ari.

They greeted me and I greeted them back. Kahit pa halatang nasa mid-thirties or forties ang employee ni Tito Alec, tingin ko naman ay mapapakitunguhan ko sila ng maayos.

I watched them as they work. Iba ang hair trimmer, responsible for massage, hair rebond at pedicure. May kaniya-kaniya silang role at si Tito Alec ang nagca-cashier.

Nakaupo ako sa single sofa na nasa right side. Noong lunch break, nagpadeliver si Tito Alec ng food for everyone. Hinihintay ko sumagot si Nectarine sa text ko pero sigurado ako na abala pa siya sa mga oras na ito.

“Ang haba na niyang hair mo, Shantelle. Baka gusto mong gupitan na natin iyan?” si Tito Alec nang lumapit.

Bigla akong napahawak sa buhok kong mahaba na nga. Ilang taon ko na rin itong hindi napagugupitan. Lagi kong binabalak pabawasan, pero nakakalimutan ko dahil kapag nasa Laguna, masyado na akong abala sa trabaho.

“Ang ganda ng buhok niya, Alec. Nakakahinayang gupitan. Alagang-alaga,” ngiti ni Ate Yvette. “Itim na itim pa. Marami sigurong nagkaka-interest na paglihian itong buhok mo, Shantelle.”

Umiling si Tito. “Naku, iyan talaga ang unang sisira sa buhok na maganda. Kapag mapaglilihian, pumapangit na!”

“True iyan. Maganda ang buhok ni Pumpkin dati, tapos napaglihian ng kapitbahay namin. Iyon, naging sabog. Sayang talaga.”

Pumpkin? Parang narinig ko na ang pangalan na iyon pero hindi ko matandaan kung kanino at saan. Baka iba rin iyon. Marami naman sigurong may ganoong pangalan.

Humalakhak si Tito Alec. “Naalala ko na naman iyong ginupitan mo siya ng sobrang ikli at inis na inis siya.”

“Hindi ko na nga inulit. Ano, Shantelle, papagupit ka na ba? Habang wala pa akong customer,” ani Ate Yvette. Her duty is to trim customers’ hair according to their choices.

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon