Chapter 45

338 11 7
                                    

WARNING: READERS DISCRETION IS ADVISED.

*****

Buong bakasyon akong naging abala sa buhay ko. Nag-resign ako sa Laguna Elementary School at nag-apply sa public school dito sa San Juan. Sa Greenhills nakabili ng bahay at lupa si Nectarine. He used his savings for it.

All of his profit sa investment niya sa company ng kaniyang Uncle ay iniipon niya lang. For the past four years, ang ipon niya ay naibili na niya ng bagong bahay at lupa.

Ang ambag ko lang talaga ay ganda. Ako pa ang nag-desisyon kung saan ko gusto kami bumili ng bahay. Minsan naiisip ko na ang hirap na masyadong paniwalaan ni Nectarine.

Kaya naman pala ang lakas ng loob niyang pumayag na mag live-in kami ay dahil may ipon na siya. Pinaghahandaan na pala talaga niya kaming dalawa. Hindi ko alam na shareholder pala siya sa company ng kapatid ng Daddy niya.

Pagkatapos ng wedding ni Lalaine, umuwi na agad ako sa Pilipinas to take care of other things that needs to be taken care of. Of course, I had life here in Philippines and I can’t stay there for a long time lalo pa at naghihintay si Nectarine sa akin. Lilipad na rin naman sina Lalaine at Bruce papuntang Bali for their honeymoon.

Personal kong pinuntahan ang bahay sa Greenhills dahil hindi ako satisfied na makita sa photos lang na pinadala ni Nectarine sa akin. Gusto ko, pati sa personal ay makita ko talaga. Wala naman akong masabi noong binisita ko dahil maganda talaga.

Two-storey modern house. May swimming pool sa likod, near the lawn, at gawa sa bulletproof glass ang wall sa living room. Mayroon pang malawak na terrace sa dulo ng second floor.

Three bedrooms. Master’s and two regular rooms. Ang ganoon kalawak na bahay ay masyadong malaki para sa aming dalawa ni Nectarine. Pero naisip ko na ayos na rin dahil kung magkakaroon kami ng anak, may magiging kuwarto na sila.

Pero sa ngayon, magiging guest rooms na muna ang mga iyon. Wala pa rin naman akong balak mag-anak. Hindi pa ako handa para sa ganoong responsibilidad. For now, gusto ko na kaming dalawa lang muna ni Nectarine ang mag-bebebe time.

Si Tito Alec ang kasama kong nag-ayos ng mga gamit sa bahay. Pwede naman na namin tirahan dahil nasa amin na ang documents, nakalagay na rin sa pangalan ko ang bahay at lupa, ayos na lahat. Titirahan na lang.

Can you really believe that? Sa akin ipinangalan ni Nectarine ang bahay at lupa! Gulat na gulat talaga ako noong nalaman ko ang tungkol doon. Hirap paniwalaan kung totoo pa ba talaga si Nectarine dahil parang hindi na.

He makes me so happy. No one have ever made me happy the way he is capable to. Namamangha pa rin ako sa mga bagay na kaya niyang gawin para sa akin. Parang... patay na patay talaga siya sa ganda ko. Hindi lang pala ‘parang’ dahil iyon naman ang totoo. Well, I can’t honestly blame him. I mean... ako ito, e.

Malapit nang matapos ang post-graduate internship ni Nectarine. Lagi siyang abala lalo na kapag kailangan niyang mag-report for his internship. He dedicated a lot of his time sa ganoon at nasa likod lang niya ako every step he takes near his dream, to support him.

Kaya kapag umuuwi siya, parang wala na siyang lakas na natitira sa katawan. Nakakapagod daw at kahit hindi niya sabihin, ramdam ko naman sa kaniya na pagod na pagod talaga siya.

“Magsasarili na kayo ni Nessi,” Tito Alec said. Napatingin ako sa kaniya. “Malungkot na masaya. Malungkot kasi mag-isa na naman ako sa condo. Masaya dahil may sarili na kayo. Nakaka-proud naman.”

Naantig ang puso ko. Kahit papaano, nagustuhan ko na rin naman si Tito Alec. Nakakahiya na rin kasi talaga na sa condo niya ako nakikitira kapag nasa Maynila ako. Kahit pa sabihin niyang walang problema sa kaniya, iba pa rin ang pakiramdam ko.

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon