Chapter 26

225 7 2
                                    

WARNING: CHAPTER CONTAINS EXPLICIT SCENES, VULGAR WORDS AND SEXUAL ACTIVITIES THAT ARE NOT SUITABLE FOR MINOR READERS.

*****

Three days. Tatlong araw na kami rito at sawang-sawa na agad ako sa kaartehan nina Yullie at Eula. Gusto ko na lang silang ilubog sa tubig sa sobrang inis. Hindi ko kaya ang arte ng dalawang iyon, magkadikit ng bituka!

I should admit that they were fine naman sa unang gabi namin dito. Maayos ang bonfire moment, naglaro pa kami by partners at sobrang saya dahil tawa lang kami nang tawa sa mga nangyayari. Napapakisamahan ko lahat. Hanggang sa kahapon ay naging komportable na ang dalawa to the point na nakaarte na.

Napag-usapan ang plano na sasakay kami ng bangka lahat para manghuli ng isda na iihawin. It was Luigi who suggested it and everyone agreed. Pero noong kinaumagahan na, umatras na sina Yullie at Eula sa plano. Sabi pa ay huwag na raw ituloy dahil kung aabutan sila ng tanghaling tapat sa karagatan, baka masunog ang mga balat nila.

Nag-suggest si Luigi na huwag na lang sumama ang dalawa. Set na kasi ang plano, at bihis na kaming lahat, naghihintay na lang sa bangka. Everyone was already looking forward to the plan. Pero ang dalawa, hindi pumayag na maiwan sila. Ang sabi pa ay uuwi na lang sila kung maiiwan lang din naman.

They want to ruin the plan just because it doesn’t go the way they want. And even though Roshi suggested to his girl, Yullie, to just stick with us at uuwi rin before uminit, she still refused. Hanggang sa nainis na si Luigi at nawalan na rin ng gana sina Santino. The excitement burned down.

Si Ynessa at Louisiana lang talaga iyong dalawang tahimik na go with the flow lang. Wala akong narinig na reklamo sa dalawang iyon kahit mga balat naman nila itong unang tingin pa lang ay halata nang sensitibo sa araw.

Kami ni Lalaine ay gigil na sa dalawang maarte. Seafood ang ulam kahapon ng tanghali at todo reklamo ang dalawa na kesyo malangsa raw at hindi sila kumakain ng isda. Napilitan magluto si Roshi at Ulyssis ng ibang dish para sa mga partner nila.

Ang sarap bigwasan ng dalawa. Ayos lang sana kung partners lang nila ang naaapektuhan. Pero hindi. Pati kami ay nadadamay sa kanila. Ang ending tuloy ay namangka kami ni Lalaine at sumisid sa kulay asul na dagat kahit katanghaliang tapat.

Hindi naman ramdam ang init kapag nakababad sa malamig na tubig. And damn, sobrang ganda ng dagat dito! Malinaw ang tubig at kapag nakasakay sa bangka, kitang-kita ang nasa ilalim. Corals and different kinds of fishes! Akala mo abot kamay pero nasa lalim pala ‘yon.

Hindi pu-pwedeng hindi namin ‘to ma-e-enjoy ni Lalaine. Goggles lang ang kailangan namin sa pagsisid. Hindi kami magpapaapekto sa arte ng dalawang ‘yon.

It was already ten nang umahon kami. Sinuot ko ang puting polo para takpan ang nananakit ko nang likod. Intense ang paglangoy namin ni Lalaine, ramdam kong pagod na ako. Pero sulit naman. Nanginginig nga lang sa lamig.

Nasa front yard ang mga kasama namin. Nagtatawanan sila roon habang kumakain. I even saw Roshi kissing Yullie’s cheek. Naglalandian sina Basti at Louisiana sa isang tabi, nagsusubuan pa. Those are the scenes I honestly don’t want to see.

“Hey, Shantelle…” Kumaway si Ynessa na nakaupo sa tabi ni Luigi. “Do you want banana cue?”

Lumapit ako sa kaniya para kuhanin ang kinuha niyang nasa stick. Basang-basa ako at umaagos ang tubig galing sa katawan ko pababa sa inaapakan ko. Yullie’s eyes were emphatically staring at me.

“Thank you,” nginitian ko siya. “Have you seen Nectarine?”

Wala siya rito. Si Santino ay nasa seashore nang umahon kami ni Lalaine, nag-aabang at siguradong pinapanood kami. Ngayon nga ay magkasama na sila at hindi ko alam kung saan lumusot.

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon