Chapter 10

238 12 1
                                    

Days rolled faster than I am imagining. Ganoon yata talaga. Kapag nag-e-enjoy ka sa mga ganap sa buhay mo, hindi mo mapapansin ang paglipas ng mga araw at linggo. At kapag naman masyado kang excite na excite sa isang bagay, mabagal ang paglipas ng mga oras.

Gustong-gusto ko nang matapos ang finals. Of course, sino ba naman ang hindi gugustuhin na makipag-date kay Nectarine? I mean, kung mayroon man, I was sure that it isn't going to be me.

Kahit pa lagi naman kaming nagkikita kapag maluwag ang schedule, iba pa rin kapag date na talaga! Kaming dalawa lang. Walang Cesme na third wheel. Pero kahit naman short period of time, basta kasama siya, malaking bagay na para sa akin.

Wala, interested talaga ako kay Nectarine. Kaya kahit napakaliit lang na bagay, pinahahalagahan ko na. Kahit pa kwentuhan niya lang ako about sa tae at ihi ni Cesme, hindi ako nabo-bored. I was always interested to hear his stories.

And what I hate most is today. Umagang-umaga, si Elmo kaagad ang nakita ko, hindi pa man nagsisimula ang unang klase ko. I prepared myself for today talaga dahil sigurado akong mauubos na naman ang laman ng utak ko sa unang klase, tapos nakita ko pa si Elmo.

Salubong na salubong ang kilay ko habang nakatingin sa kaniya. He was staring into my eyes, like he had waited enough to be here in front of me now. I never answered his call and messages. I mean, what for?

One month and two weeks na kaming over! At sa mga araw na iyon, hindi siya nagsawang mangulit. Si Mama nga ay sinasabi pa na umuwi na ako at puntahan si Elmo. Hindi ko sinunod. Hindi niya yata maintindihan na ayaw ko na nga.

"Shantelle," he forces a smile. He looked tired at paawa. Pero wala akong pakialam. "Baby."

Baby, my foot. "Problema mo?" Matabang kong tanong. May lakas pa talaga siyang magpakita sa akin?

"I'm sorry if I was not able to coax you. Pinagbawalan kasi akong lumabas muna dahil preparing na si Dad for the upcoming election. Kumusta ka na?"

Tumaas ang kilay ko. "Okay lang kasi wala ka. Para ka kasing langaw na laging nakaaligid sa akin kahit hindi naman ako tae."

Sana nga ay hindi na siya pinayagang lumabas. Sana forever na lang siyang pinagbawalan. Ngayon tuloy ay nasira pa ang buo kong araw. And the last time I checked, he was mad at me dahil akala niya may relasyon kami ni Neutron. Ano, naglaho na?

Humakbang siya palapit pero mabilis akong umatras. Napailing siya pagkatapos akong sandaling titigan na para bang nagtataka siya sa inakto ko. But he stopped walking near me.

He let out a long, loud and tired sigh. "Telle, I'm sorry... Hindi ko na uulitin. Hindi ba sabi ko naman sa 'yo na magbabago na talaga ako? Balikan mo lang ako, Telle, aayusin ko na ang sarili ko..."

"Sana noon mo pa 'yan naisip. Malakas ang loob mo dahil alam mo ang kahinaan ko, e. You know how much I wanted to be my mother's favorite kahit napaka-imposibe. Alam mo kung paano ako mapapaikot." I smiled. "But unfortunately for you, kasi hindi mo na magagamit sa akin ang kahinaan ko, Elmo."

Inubos niya ang pagitan namin at marahan niyang hinaplos ang braso ko. Mas lalo naman nagsalubong ang kilay ko sa inis saka marahas na binawi ang braso mula sa kamay niya. I moved away.

"Telle, I'm really sorry, please... Hindi ko kaya kapag wala ka. Magbabago na talaga ako. I will not cheat on you again..." He sounds very desperate when he held my arm again with his tough hand. "Wala na akong pakialam kung niloko niyo ako ni Neutron. I don't give a damn about that anymore, Telle. Please... be with me again. Hindi na kita lolokohin."

I cheated with Neutron? Talagang naniwala siya roon? Sobrang tanga niya talaga. Bwisit siya sa buhay ko.

"Fuck off, Elmo." I gritted my teeth with unbearable annoyance. "I will not come back to you. Tapos na tayo."

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon