Chapter 32

137 9 5
                                    

I did not know what really happened. But according to Lalaine, Santino was needed in Manila as his family told him to go home as soon as possible, and as soon as he can. Tatlong araw lang kami sa Rome dahil kaagad din umuwi sa Pilipinas. Si Nectarine ang sumagot sa ticket ko dahil hindi niya talaga ako hinahayaan na gumastos.

I was hesitant to go to my mother. Hindi naman na ako ulit chinat pa ni Tito Micko tungkol doon. I did not even reply to him dahil hindi ko rin naman alam kung kailangan pa ba. As much as I wanted to be polite to him, the more I don’t want to be brought beside my mother again.

Would I be considered problematic and ungrateful daughter? Would I be labeled selfish for wanting to stay out of their lives now? Because honestly… I can’t see myself with them anymore. Masaya na ako ngayon. Ayaw ko nang bumalik sa dati na pakiramdam ko… wala akong kalayaang maging masaya.

Pero sa huli… nanaig pa rin sa akin ang pagiging anak. Kahit na masama ang loob ko kay Mama dahil sa mga pinaramdam niya sa akin noon at sa ginawa niya sa akin, pinuntahan ko pa rin siya para tingnan ang kaniyang lagay. Sa huli… naging anak pa rin ako sa kaniya kahit ni minsan ay hindi ko naman naramdaman na anak ang turing niya sa akin.

Habang naglalakad papunta sa kuwarto niya, bumalik sa akin ang masasakit na alaala na matagal ko nang gustong ibaon sa limot. Mga alaala na hindi ko talaga kayang takasan dahil kinalakihan ko at matagal akong piniga. Buong buhay ko… puro masasamang alaala lang ang binigay ni Mama sa akin.

It was hell to be with her. She had never loved me as her own. Nabuhay ako pero sa mga pinagdaan ko sa malulupit niyang kamay… para na rin niya akong pinatay. Kahit wala naman akong kasalanan sa kaniya… ako ang sinisi at pinagbuntungan niya ng galit.

Ang kasalanan ko lang siguro sa kaniya ay iyong nabuhay pa ako sa mundong ito. Kung wala ako, walang magpapaalala sa kaniya ng masaklap niyang nakaraan. If I was not born, I wouldn’t have experienced those painful memories I was not always ready for.

I stood in front of the right door. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba, o bumalik na lang sa parking lot kung saan ko iniwan si Nectarine. Hihintayin niya ako roon dahil sinabi kong mabilis lang naman ako rito.

Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang kumatok. I looked down on my shoes. Kung ano man ang mangyayari sa loob mamaya, umaasa akong magiging maganda. Pinag-isipan kong mabuti ang pagpunta rito kahit puwede naman na huwag na lang.

The door opened and it was held by Arianne. Inangat ko ang tingin at kaagad nasalubong ang galit niyang mga mata. She was glaring at me with trembling lips. Halata sa mukha niya ang matinding galit na hindi ko balak pagtuunan ng pansin.

“Wow. I’m surprised that you had the guts to come here!”

“May I come in?” I asked coldly. Wala akong oras para sa galit niya. Bakit, kailan ba siya hindi nagalit? At sa itsura niya, mukhang ako na naman ang may kasalanan kaya na-ospital si Mama.

Tangina. Ako na naman nga ba? Hindi na nga ako nagpakita at umuwi sa kanila sa mahabang buwan, ako pa rin ang may kasalanan? Seryoso ba?

“Arianne, papasukin mo ang Ate mo,” narinig ko ang boses ni Tito Micko galing sa loob.

Arianne gritted her teeth. “No! Hindi ko siya kapatid, at wala akong balak na papasukin siya! Bakit ka ba narito, Shantelle? Hindi ka pa ba masaya sa mga nangyayari sa amin?!”

“Arianne! Ako ang nagpapunta sa kaniya kaya papasukin mo!” Halos magulat ako sa malakas na boses ni Tito Micko. He was always calm and nice. And to hear him raising his voice is really unbelievably.

Walang nagawa ang bruha kung hindi papasukin ako. Nagdadabog na sinara niya ang pinto pagkapasok ko. I saw Aries, on the sofa, silently sitting there habang nakahalukipkip. Sa bed ay naroon si Mama na nakapikit habang nasa gilid naman niya si Tito Micko.

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon