Chapter 40

215 11 1
                                    

“Huwag ka nang malungkot,” nakasimangot na sabi ni Lalaine habang magkayakap kaming dalawa sa airport.

Later is her departure. Hindi ako makapaniwala na aalis na talaga siya. Ilang oras mula ngayon, iiwan na niya ang Pilipinas at ako.

Naiiyak ako pero pinipigilan ko ang aking sarili. I don’t want to discourage her, but I guess my sadness just really won’t go unnoticed. It’s hard not to feel sad.

Ang naiwan niyang oras bago dumating ang araw na ito ay inubos namin sa pag-gawa ng mas maraming alaala. We spent time together, trying things we haven’t done before.

Nagpunta kami sa Enchanted Kingdom and rode the ferris wheel. We drank until it is morning already and both had severe headaches when we woke up.

“Mag-ingat ka roon, Lalaine,” hindi ko mapigilan ang sarili kong maging emosyonal.

“Of course. Ikaw rin dito, mag-ingat ka lagi. Always lock the door. I’m gonna miss you, Telle.”

Sana maging maayos siya sa Las Vegas. Sana… maging mabuti sa kaniya ang pamilya ng biological father niya. I hope everything will go easy on her in the foreign country.

“Take care there, Lalaine,” Nectarine said habang nakahawak siya sa bewang ko. “Good luck on your journey.”

“I will take care of myself. Pero hoy, Nectarine Santivañez, ‘wag mong pabayaan itong kaibigan ko, ha? Uuwi talaga ako rito para saktan ka kapag nalaman kong sinaktan mo ‘to.”

“As if I can,” Nectarine sighed. Siya ang nagdala sa maleta ni Lalaine.

Malungkot na tiningnan siya ni Lalaine. “Always remind Shantelle to eat. Minsan kapag sobrang abala siya sa isang bagay, nakakalimutan niyang kumain. Hindi siya kumakain ng gulay sa gabi at huwag mo na siyang painumin masyado ng kape dahil nagpapalpitate na siya minsan.”

Tumango si Nectarine. Napasimangot ako dahil para namang hindi pa alam ni Nectarine ang mga tungkol doon. Pero ayaw niyang sirain ang moment ng kaibigan ko.

Lalaine kissed me farewell. Malungkot na malungkot ako habang niyayakap siya. She said many things na isa-isa kong inintindi. This is probably one of the hardest goodbyes.

Nang nawala na siya sa paningin ko, hindi ko na napigilan. I hugged Nectarine and cried on his chest. Niyakap niya ang bewang ko at walang sinabi na kahit na ano. Even though it’s painful to watch her leaving, I want to be happy for her.

Lalaine deserve so much better in this world. Unfortunately, she wouldn’t find what she deserves here.

The first morning without her sucks. Maaga akong nagising at nagluto ng agahan. Nawala sa isip ko na mag-isa na lang ako. Naparami ang fried rice. Nagluto pa ako ng tuyo, e, wala na nga pala ang taong mahilig doon.

Pumasok ako sa kuwarto niya at nakita ang malinis na lugar doon. Linis na linis, nakasandal na rin sa dingding ang kutson na ginamit niya. Nakapasok sa tukador ang mga unan, blanket at bed sheets.

Kahit malungkot, alam ko naman na masasanay rin ako sa ganito. Mapapanatag rin ako isang araw kahit wala siya sa apartment namin. Kahit mag-isa, alam kong kaya ko naman.

“Ano, kumusta? Mabait ba sila?” Nang nakausap ko siya sa video call. Nasa Las Vegas na siya.

Halata ang pagod sa mukha ni Lalaine. Nakadapa siya sa kama habang nakanguso at pinapanood ang ginagawa kong paglalagay ng peanut butter sa bread.

“Hindi ko pa alam. Hindi ko pa sila masyadong nakakausap kasi nga kadarating ko pa lang. Pinagpahinga na muna ako ni Papa,” aniya.

Sinipsip ko ang daliri na nalagyan ng peanut butter. I’m preparing food para habang gumagawa ng bio-data, may makakain ako. I’m applying for work na.

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon