They are all desperate.
Iyon ang tanging naiisip ko habang nakatitig sa ceiling ng dati kong kuwarto na matagal kong hindi natulugan. Nagising akong narito na at mag-isa lamang sa kama.
Ilang araw na ba akong nakakulong sa bahay na ito? No, hindi pala bahay. Ang lugar na ito ay impyerno. Oo, impyerno. At oo rin, kinukulong ako ni Mama dahil desperada na siya, at lalo si Elmo.
Hindi ko akalain na ganito ang nagagawa ng tao out of desperation. Kahit alam kong sagad ang kasamaan ni Mama sa akin, hindi ko naisip na makakayanan niyang ikulong ako rito na para akong isang ginto na hindi pwedeng lumabas dahil baka pag-interest-an ng ibang tao.
Pero alam ko na hindi dahil ginto ako kaya niya kinukulong. Sa mata niya, ako ang pag-asa sa problema nila. Ang ginto ay iniingatan at pinapahalagahan dahil mataas ang value. Ako, nakakulong dahil kailangan pakinabangan, pero hindi nakikitang mahalaga.
Dalawa? Tatlo? O isang linggo na ba akong narito? Hindi ko na alam dahil palagi lang akong nakakulong. I don’t want to see what’s outside this house, what’s behind my closed window. Darkness became my comfort. I find it relaxing to be alone in my dark and silent room.
I don’t want to talk with anyone. I want to be alone, locked in here. Gusto kong damhin lahat ng sakit sa puso ko. At gusto kong umiyak lang nang umiyak sa kuwarto hanggang sa makatulugan ko na ang pagod. Ganoon lang ang gusto kong gawin.
I don’t have to ask my mother anymore kung bakit niya ito ginagawa sa akin dahil alam ko naman na ang sagot. She’s doing this to me because she was desperate to save her family. She needs to lock me in this house because I was the only hope.
Go, Mama. Isalba mo ang pamilya mo at mas sirain mo pa ako. Kung diyan ka masaya, gawin mo! Gawin mo lahat sa akin!
Nakaka-frustrate. I don’t know when will this pain ends. I don’t know until when I am going to be like this. At hindi ko lalo alam kung hanggang kailan nila ako pahihirapan nang ganito.
“Kumain ka, Shantelle,” sabi ni Mama nang pilit akong sumabay sa dinner ng pamilya niya.
I can feel their cold treatment and stare. Ang sikip sa dibdib makita ang sarili kong sila na naman ang kasama. Iyong mga taong nilayasan ko na dati, kaharap ko na naman sa palapad na mesa.
Pare-pareho na naman kami ng lugar na ginagalawan. Pareho na naman kami ng kinakain at lamig na nararamdaman. Ang pagkakaiba lang ay hindi na nila ako masyadong nakakasalamuha dahil nagkukulong ako sa kuwarto.
Hindi ako tumatanggap ng bisita sa loob. Hindi ko rin pinapalinis sa natirang kasambahay ang kuwarto ko dahil wala ako ni isang gustong papasukin doon.
Ramdam ko na ang sinasabi ni Mama na inuunti-unti sila ni Elmo. Kung dati ay sagana sa pagkain ang hapag tuwing hapunan, ngayon ay kakaunti na lamang ang nakahain. Ang anim na kasambahay dati ay naging dalawa na lang.
Ang narinig ko rin ay lilipat na sa public school ang kambal dahil wala na silang pambayad sa tuition fees. Isa na lang ang sasakyan sa garahe, ang ibang gamit din na nakikita ko dati ay wala na, mukhang binenta. Limited na ang paggamit ng kuryente.
Hindi ko gustong maawa. Ayaw ko nang makaramdam ng ganoon dahil hindi naman sila ni minsan naawa sa akin. Wala silang ibang pinaramdam sa akin kung hindi sakit lang. Tandang-tanda ko lahat ng masasakit na salitang binabaon nila sa puso at isip ko.
Dapat ba akong maawa sa mga taong ni minsan ay hindi pinakinggan ang boses ko? Kung kahit paano sana ay pinakisamahan nila ako ng maganda at trinato nang tama, hindi magiging matigas ang puso ko sa kanila.
Hindi ako santo na sa kabila ng mga pinaranas sa akin, mabait pa rin sa kanila. Hindi ako ganoong tao. And I would never feel sorry kung wala silang matatanggap na kabaitan mula sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/320220447-288-k204633.jpg)
BINABASA MO ANG
Later It Ends (Alimentation Series #3)
Ficção GeralALIMENTATION SERIES #3 Broken family, a manipulative mother, guilt tripper sibling, criminal father, and a cheating boyfriend. Shantelle was so unfortunate to have those in her life. For all she knows, she was really unlucky. And even though her lon...