Chapter 7

184 11 7
                                    

Tinulungan ako ni Neutron na ipasok ang mga gamit ko sa compartment ng dala niyang kotse. Mukhang natutulog na si Mama dahil wala na siya noong lumabas ako. Mabuti na iyon para hindi niya malaman ang paglalayas ko. Baka mag-away na naman kami.

Neutron is really a polite man. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko malalaman ang mga kalokohan si Elmo sa likod ko. Childhood best friend silang dalawa at nakilala ko si Neutron sa party na pinuntahan ko kasama si Elmo before.

Walang nakakaalam na close kaming dalawa. We've talked a couple of times personally, but no one would pay attention to us. Kaya hindi na rin nakakagulat na hindi alam ni Elmo na close kami ng kaibigan niya.

"Are you sure about this, Telle?" He asked after he fixed my luggage.

"Yup."

"Saan ka na titira?"

"Sa kaibigan ko." Tho, wala pa akong sinasabi kay Lalaine. Wala na rin naman siyang magagawa dahil siya lang ang matatakbuhan ko.

Sabay kaming napatingin ni Neutron sa paparating na sasakyan, a very familiar one. I saw him smirked habang napapairap na ako dahil alam ko na ang mangyayari.

"Damn, he's here," Neutron said. Wala akong mabakasan na kaba sa boses niya. Instead, mukhang natutuwa pa nga siya. "Earlier than the expected time."

Ayaw ko sanang harapin si Elmo. Sirang-sira na ang umaga ko dahil kay Mama, tapos mas sisirain pa niya lalo. But anyway, the time is just enough to talk. Kasama ko si Neutron ngayon. Isang sampal nga naman sa kaniya ito.

Mabilis na bumaba si Elmo mula sa kotse niya nang hindi na inayos ang pag-park. Nakasunod ang bodyguards niya pero nanatili lamang ang mga iyon sa loob ng sasakyan. Galit na galit ang mukha ni Elmo at halatang gusto na niyang biglang manapak.

"Wow, great! Hindi ko alam na ganito pala kayo ka-close na dalawa!" Sabi niya agad, sarkastiko. Matalim ang tingin niya kay Neutron na nakangisi lamang habang inaabangan siyang makalapit kanina. "Didn't I tell you to stay away from my girlfriend?"

Bumagsak ang dalawa kong balikat. "Kapal. I'm not your girlfriend anymore, Elmo. We broke up last night, remember?"

Binaba niya ang tingin sa akin at narinig ko pa nang tumunog ang ngipin niya. I rolled my eyes and moved away a little. Akala niya talaga nakakatakot siya? He should think again.

Elmo sarcastically laughed. "Now, I know. You were persistent to break it off with me because you've been planning on targeting my best friend, Shantelle! Siguro matagal niyo na rin akong niloloko, 'no?"

Napasinghap ako pero hindi ko man lang maramdaman ang insulto sa sinabi niya. Alam ko kasi sa sarili ko na wala akong ibang intensyon kay Neutron, at ganoon din siya sa akin. Nag-uusap lang kami at masasabi kong magkaibigan kaming dalawa.

Pagod at seryoso ang tingin ko sa kaniya. "Look at you, accusing me about something na lagi mong ginagawa sa akin. A cheater who is afraid to be cheated on."

"You did not deny it, Shantelle. So, totoo nga? May relasyon kayong dalawa? Sinabi ko na nga ba, hindi ka talaga katiwa-tiwala, Neutron! Ahas ka!"

Hindi sumagot si Neutron. He just stood there, silently listening with an annoying smile plastered on his face. I heaved a sigh and looked away, low-key telling him that his presence is not freakish.

Mas lalo naman nagliyab si Elmo. No one is interested in him. Napapaisip ako kung kailan kaya siya titigil sa katangahan niya. Katulad ngayon, iniisip niyang may relasyon kami ni Neutron. Tanga lang talaga. Palibhasa manloloko kaya takot maloko.

"Ano, hindi kayo makasagot? Kailan niyo pa ako niloloko? Nagagalit ka kapag nalalaman mong niloloko kita, Shantelle, tapos ikaw rin naman pala itong cheater! Ang galing mo magmalinis! At ipagpapalit na lang, sa kaibigan ko pa!"

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon