Chapter 24

186 10 6
                                    

“Ah, so this is where you lived, huh, Santivañez?”

Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng gray na gate. He lives in a private village. Mataas ang gate nila and the house inside is modern-looking.

“It makes me cringe when you’re calling me with my surname. It sounds like it was my father you’re calling and not me.”

Bumaba siya sa car at pinagbuksan ako ng pinto. Nakangisi akong sumunod sa kaniya at inayos ang sarili ko kahit hindi naman ako nagulo. I stood beside Nectarine with sturdy tension in my chest.

Kinakabahan na ako ng sobra ngayon. Kanina ay medyo pa lang, pero ngayon ay sobra na. Nakalagay na rin sa labi ko ang pinraktis kong ngiti kanina na ipakikita sa magulang niya.

This night should go according to what I am expecting. Ang goal ko ay magustuhan ako ng magulang ni Nectarine para sa kaniya. And if they won’t, ipipilit natin. Joke.

“Relax,” I head his teasing voice behind my ear, his warm breath aggressively touches my skin. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil. “They are waiting inside.”

“Alam nila na pupunta ako?” I looked directly into his eyes. Ang guwapo ni Nectarine sa ngiti niya. Kung hindi lang tila ‘yon nang-aasar.

He shrugged. “I told them, of course. When you were changing your clothes awhile ago.”

“Papasok na tayo sa loob?” Kinakabahan talaga ako. Though, this is not the first time na ipakikilala ako sa magulang. I have done this before.

“Yup. We can’t stay here forever.”

“Wait, kinakabahan pa ako.”

Nectarine cupped my both cheeks with his tough hands. “Do you want me to kiss you to lessen your nervousness?”

Tinampal ko agad ang sikmura niya habang salubong ang kilay. Sasabay pa niya ‘yan, kinakabahan na nga ang tao rito! Kagigil talaga siya. Minsan lagi.

“Umayos ka nga!” Hinawi ko ang kamay niya paalis sa mukha ko. God, masira pa make-up ko niyan!

“It’s still not too late. We can still leave and just do this next time… when you’re ready,” wika niya gamit ang mahina niyang boses.

Nakasimangot na tinitigan ko siya diretso sa mga mata. Saka ko lamang naramdaman na pinaglalaruan niya na ang mga daliri ko sa kamay. He was also staring at me softly. I had all the support from him.

Wala na ‘tong atrasan dahil nandito na kami. Wala nang dapat gawin kung hindi ang tumuloy dahil iyon naman talaga ang ipinunta ko rito– ang makilala ang parents niya. It’s now or just never.

Bumuntong hininga ako. “Ready na ako,” unti-unti akong ngumiti. “They’ll not eat me naman, ‘no?”

Mahina siyang natawa sa sinabi ko. “Of course not. What are you thinking? My parents are humans.”

I cleared my throat when he started walking. Malakas pa rin akong kinakabahan nang pumasok kami sa loob. Mabuti na lamang at magkahawak ang kamay namin ni Nectarine. Pu-puwede ko siyang pisain at panggigilan para kumuha ng suporta.

Paulit-ulit niyang binubulong na kailangan kong kumalma. Siguro mukha na akong constipated ngayon. Kabang-kaba talaga ako. Parang hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanila. Napapa-overthink malala pa ako!

My God, Shantelle! Pull yourself together! Hindi ka pu-puwedeng manghina ngayon. Ilabas mo ang kapal ng mukha mo!

We entered the house and silence welcomed us. Wala akong marinig na kahit ano bukod sa katahimikan. The floor is shining sa sobrang linis at iyon agad ang napansin ko. The household was spacious, mataas din ang chandelier na nasa gitna.

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon