Chapter 39

257 11 2
                                    

“This is where we live,” sabi ko kay Nectarine nang nakapasok siya sa apartment namin.

Ginala niya ang paningin sa paligid. Mas malawak nga itong ngayon sa dati naming apartment. May division na rin sa salas. Iyon nga lang, kakaunti ang gamit dahil hindi naman namin kailangan ang madami.

Napagod yata si Lalaine kaya pumasok na agad sa kuwarto niya. Sabagay, ilang linggo na nga kaming tutok sa pag-re-review. Magpapahinga naman siguro siya.

“Iyon ang room namin. Magkaiba kami ni Lalaine, akin ang nasa left side,” I informed him. Malamang dahil sa right pumasok si Lalaine.

“Do you feel comfortable here?”

Tumango ako. “Bakit naman hindi?”

Tiningnan niya ang lock sa pinto. Paulit-ulit niyang pinihit ang doorknob. Sinusuri niya ang lahat na para bang doon niya tina-tantya kung ligtas kami ni Lalaine rito.

Naalala ko ang dati sa unang apartment namin ni Lalaine. Iyon din ang una nilang sinilip ni Santino. Pinalagyan pa nila ng double lock para lang makasiguro na hindi kami basta mapapasok.

They made sure that we’re going to be safe during our sleeps. Pero ngayon… iba na. Si Nectarine na lang kasi wala na si Santino.

“Maybe we should double the lock?” Maya-maya ay nagsalita siya.

Bumuntong hininga ako. “Huwag na. Ayos na iyan, maayos naman at secure.”

“You’re not sure,” aniya. “Manila is far from Laguna.”

So? Iniisip niya na kapag may nangyaring hindi maganda, matagal bago siya maka-rescue? Overthinking level ninety-nine si Nectarine. Hindi naman kami stupid ni Lalaine para hindi maisip ang seguridad namin.

Pumunta ako sa kitchen para ikuha siya ng water. Iyon lang ang available. Walang juice dahil wala naman kaming fridge rito. Kung coke naman, bibili pa sa labas. Hindi rin naman siya mahilig sa ganoon.

“Anong oras ka uuwi?” Tanong ko habang sinasalinan ng tubig ang baso. Pinakuluan pa ito kanina bago nilagay sa tumbler.

Sumunod siya sa akin. Nakangisi ko siyang nilingon. Pero halos mahulog ang baso sa sahig nang nagulat ako sa bigla niyang ginawa.

Pumunta siya sa likuran ko at niyakap ako mula roon. Pumulupot ang mga kamay niya sa bewang ko at ni-lock ang dalawang palad sa tiyan ko para hindi ako makawala. Napaayos ako nang siniksik niya ang mukha sa balikat ko.

“Miss na miss kita,” he whispered in my ears.

I smiled bitterly at his remarks. Paulit-ulit naman na niya iyong sinasabi nitong nakaraan. Palagi rin siyang tumatawag para kumustahin ang araw ko. Walang araw na hindi siya tumatawag.

“Naisip ko na baka ayaw mo na rin talaga akong makita,” narinig ko ang lungkot sa boses niya.

“Nag-o-overthink ka,” sabi ko.

“Araw-araw, Shantelle.” Mas siniksik niya ang sarili sa akin. “Araw-araw kong ino-overthink ang lahat. Akala ko… hindi ka na babalik sa ‘kin.”

Hindi ako sumagot. Kasi kung miss niya ako, ano pa ako? Hindi niya alam, pero pareho lang naman kami ng nararamdaman. And maybe… I should apologize for making him feel like that.

“I can’t stop myself from thinking that everything really ended between us. It’s also a shame that I had thought of you, abandoning me. Naiisip ko pa lang, hindi ko na alam ang gagawin ko.”

“Sa umpisa lang naman ang ganiyan. Eventually, makakahanap ka rin ng bago,” nakuha ko pang magbiro sa kaniya.

“No! It’s gonna be honestly hard to find someone like you because you have no equal. Nag-iisa ka lang.”

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon