Chapter 1

336 17 1
                                    

“Halfway positive.” Matigas ang boses ni Lalaine nang nagsalita. Nakatingin siya sa akin na para bang gigil na gigil na talaga siya. “Tangina naman, pang-limang beses na ito, ‘di ba?”

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin dahil honestly, wala na akong masasabi. Wala akong ibang maramdaman kung hindi ang pagod, both mentally and physically. And I would never save that asshole’s face dahil foremost, I don’t give a fuck anymore!

Bahala na siya sa buhay niya. Tutal ay kahit pa anong gawin ko, gasgas na gasgas na rin naman ang mukha ko sa mga nakakakilala sa aming dalawa. Literal na akong naubusan ng hiya dahil sa mga nangyayari sa buhay ko.

Sinandal ko ang likod sa upuan ko, mariing pumikit at halos walang pakialam kahit ramdam ko ang inis ni Lalaine. Masyado siyang affected. Ako rito ay gustong ma-relax since I haven’t had enough sleep these past few days.

“Just his usual type, sexy at malaki ang boobs,” sabi ko habang natatawa. “Pero walang utak.”

“And you think you are smart?” Palatak ng kaibigan ko mula sa kabilang upuan na nasa harapan ko lang. “Walang matalinong babae ang hahayaan na lokohin lang sila paulit-ulit, Shantelle.”

Muntik akong matawa dahil nagsalita ang hindi manloloko! Gusto kong umirap. Please, don’t pretend like a fucking clean innocent human because honestly, hindi bagay sa kaniya. Dapat nga understood na niya si Elmo. Wala naman silang pagkakaiba sa isa’t-isa. Pareho silang manloloko. Isang babaero, at ang isa ay kabit naman.

Ewan ko ba, sobrang malas ko yata talaga dahil puro toxic na tao ang nasa paligid ko. Hindi talaga ako naniniwala roon sa kasabihan na piliin mo lagi na mapaligiran ka ng mabubuti at good influence na tao na dadalhin ka sa maayos na daan. I don’t believe that. Kasi hanggang ngayon, kahit alam kong manloloko ang nag-iisa kong kaibigan, hindi ko siya kayang bitiwan.

Kaya nga ang surprising kapag nagagalit siya tuwing nalalaman ko na may babae na naman ang boyfriend ko. Nakakagulat na galit na galit siya samantalang siya rin naman ay ganoon ang ginagawa.

Galit ang manloloko sa kapwa niya manloloko. Talaga nga naman. Totoo ang kasabihan.

“At wala rin matalinong babae na hahayaang maging kabit siya,” sabi ko, nakataas ang kilay at alam kong tunog nang-uuyam ako. Pake ko? Totoo naman.

Enabler? Maybe. Kahit alam kong mali ang ginagawa ng kaibigan ko, wala akong sinasabi sa kaniya. Well, I stopped telling her to quit what she’s been doing dahil alam ko ang pakiramdam ng naloloko. Pero wala rin naman akong nagawa dahil kahit pukpukin ko yata ng bote ang ulo niya, hindi niya pa rin hihiwalayan si Trix.

Matigas ang ulo niya. Nakakapagod kumausap at pagsabihan ang isang tangang katulad niya dahil kahit ano pa ang sabihin ko, kahit ipukpok pa sa semento ang ulo niya, she’ll still choose to be Trix’s other woman. And honestly, halata namang past time lang siya nito.

Hindi nakikinig sa akin si Lalaine kahit ano pa ang gawin ko. Tangina naman. Napaka-daming lalaki riyan. Halos magsabunutan talaga kaming dalawa noong nabuko ko na may relasyon sila ni Trix, criminology student sa university na pinapasukan din namin.

Sa dami ng lalaki sa mundo, hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya piniling maging kabit. Nagsawa na lang akong pagsabihan at sawayin siya dahil kami na itong nag-aaway dahil sa mga kagagahan niya.

“Wala, e. Mahal ko,” ang palagi niyang sinasagot. Gasgas na gasgas na nga.

The answer to that? Hindi. Literal ka lang talagang tanga.

Nagtaas ako nang kilay. “Pagmamahal ba ‘yan? Nanloloko kayo ng tao, Lalaine. Kapag nalaman ni Mirna ang tungkol sa inyo ni Trix, masasaktan siya. Alam ko ang pakiramdam dahil lagi akong niloloko ni Elmo.”

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon