Chapter 21

185 11 2
                                    

“Shantelle, narito na si Nectarine.”

Halos mapaungol ako habang si Lalaine ay nakangising aso na nang sumilip mula sa pinto ng kwarto ko. Gusto kong mapairap kung hindi ko lang ramdam ang mas tumitinding sakit ng ulo ko.

“O, talaga? Hindi ko tinanong.”

Nabura ang nakakairitang ngiti sa labi niya. “Gaga! May sakit ka na at lahat, nakukuha mo pang barahin ako,” gigil niyang sinabi. “Sabunutan kaya kita?”

Nakakainis kasi ang taong ‘yon! Hindi siya nakikinig sa mga sinasabi ko. I was just concerned. Kung mahahawa siya sa sakit ko, mas malaking problema dahil ang ayaw niya sa lahat ay ang lumiliban sa klase.

Malakas ang ubo ko. Sunod-sunod. Kanina pa iyon at pati ang ilong ko ay nagbabara na. Ang tissue sa table ay naubos ko na rin. Hindi ako makahinga maayos. 

“Pauwiin mo na siya, Lalaine. Sabihin mo sa kaniya I can’t accept visitor for the meantime-”

“May I see her inside, Lalaine?” I heard Nectarine’s stern voice. Mariin akong pumikit at nagpanggap na tulog. 

“Yeah, sure. Buti na lang dumating ka. Papasok ako, walang maiiwan kay Shantelle kung hindi ka pumunta.”

“Mataas ba ang lagnat niya?”

“Oo. Sobrang init niya kanina pag-uwi namin. Pasok ka na lang, titingnan ko lang ang niluluto ko. Tanginang karne ‘yon, sampung oras yata bago lumambot, e.”

I heard a small footsteps on the ground. Umalis na yata si Lalaine. The door of my room shut closed and I felt suddenly a little uneasy. Nanaig ang kagustuhan ko na magpanggap na tulog. 

“I know you’re awake,” ani Nectarine sa mababang tono. 

Hindi ako gumalaw. Banayad ang paghinga ko para hindi siya makahalata na nagpapanggap lamang ako rito na tulog. Pinipigilan kong maubo at mapasinghot kahit napaka-hirap gawin. 

“I heard your voice awhile ago, Shantelle.”

“Damn it,” I let out a long and frustrated sigh, defeated. Nagmulat ako at nakita siyang nakatayo sa paanan ko. His arms were over his chest while his eyes are busy watching me. He lifted a brow when our eyes locked. “I told you not to come.”

Naglabas siya ng kung ano mula sa bulsa ng pants niya. I rolled my eyes. Alam ko kung ano iyon dahil nang itinaas niya, nakita ko ang lagayan.

“I brought thermometer. Let me check your temperature.” Naglakad siya papunta sa gilid ng kama at agad hinawakan ang palad kong nananahimik sa tiyan ko. “Open your mouth, Shantelle. You’re hot.”

“I know I’m hot,” he inserted the tip of the thermometer in my mouth and pressed my lips together. Pinindot niya iyon to obviously open it. Hindi naman basta gagana ang thermometer kung hindi bubuksan.

“Literally hot,” he silently replied. Through his one free hand, he check my forehead and his face wince right after. “My God… You’re burning hot.”

Lah. Ano, ngayon lang nakahawak ng taong nilalagnat? Malamang at mainit ako, nilalagnat nga, e! Parang shunga naman ang tao na ito! 

My eyes widened when I realized that he had touched me with his bare hands! Baka mahawaan ko na siya niyan! I wanted to shout at his face but the thermometer is not yet finish calculating my temperature.

Great. Damn it. I don’t want him to get the fever from me, but he doesn’t seems to care about me sharing the bacteria to him. This is really frustrating!

Pinisil ni Nectarine ang palad ko, paulit-ulit hinawakan ang noo at leeg ko. He even compares our heat. Diretso niyang nakatingin sa mukha ko habang bahagyang nakakunot ang noo.

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon