Chapter 9

176 11 2
                                    

"Wala siya rito," malamig kong sinabi kay Trix nang pinagbuksan siya ng pinto. The audacity.

He looked... messy. Gulo-gulo ang buhok at halatang wala pang maayos na tulog na malinaw na makikita sa kanyang mga mata. But overall, I don't give a single shit about whatever he looked right now.

Mabilis siyang tumikhim. "Wala? Saan kaya siya pwedeng pumunta, Shantelle?"

Pagak ko siyang inismiran dahil hindi ako makapaniwala sa tanong niya. Tingnan mo nga naman ang tangang ito. Balak na naman utuin si Lalaine. Noong nagpaulan ng kapal ng mukha, naghati silang dalawa ni Elmo.

"Hindi ko alam. Kanina pa umalis umaga. Saka kung alam ko man, tingin mo sasabihin ko talaga sa 'yo?"

"We need to talk, Shantelle. I need to see Lalaine," he said, seriously.

I rolled my eyes. "Para ano? Uutuin mo na naman? Tigilan mo na siya, Trix," I said, diretso ang tingin sa makapal niyang mukha. "Mabuti nga at nagising na siya sa kagagahan niya."

Ngumisi siya at tinaasan ako nang kilay. Mukha siyang may hindi magandang gagawin. I was standing farther at kung lalapit man siya, I would literally not think of slamming the door to his face. I bet hindi rin naman siya masasaktan dahil makapal ang mukha niya.

I crossed my arms against my chest and looked directly into his eyes. Tumaas din ang kilay ko at seryoso siyang tinitigan.

"Pakialamera ka talaga. Lagi kang sagabal sa amin ni Lalaine."

Mabuti naman at ganiyan ang tingin niya sa akin. Like, duh? Mas hindi ako matutuwa kung tingin niya ay kunsintidor ako sa katangahan nilang dalawa.

"O, talaga? Sana pina-photocard mo at binenta."

"Kaya ka niloloko ng boyfriend mo kasi pangit ugali mo."

"Aminado naman akong pangit ugali ko. E, ikaw? Baka matalo mo na si Lucifer sa kademonyohan niyan." Mapang-asar ko siyang nginisihan.

Halatang nainis siya sa sinabi ko. "Hindi ka naman kagandahan. Lakas ng loob mo makialam."

"Sana alam mong wala akong pakialam sa opinyon mo," I could care less. "Umalis ka na at 'wag guluhin si Lalaine. Hindi ang katulad mo ang dapat sumisira sa kaniya."

Iritable siyang ngumisi. "Ang malas naman ni Lalaine dahil may kaibigan siyang katulad mo. You don't want her to be happy, Shantelle."

Sarkastiko ko siyang tinawanan. Si Lalaine ang malas dahil nagpauto sa katulad niya. Kaimbyerna naman ang mga tao sa paligid ko. Wala na bang matino?

"Gusto ko siyang maging masaya, pero hindi kasama ka. And I'm afraid you're not the man who can give her the genuine happiness she deserves."

Talagang naiirita na si Trix. Pero sorry siya dahil wala akong pakialam. Iuntog man niya ang ulo niya sa semento, titingnan ko lang siya kasi wala talaga akong pakialam. Humakbang siya palapit at kaagad kong tinulak ang pinto pasara.

Pero nagulat ako nang humarang ang daliri niya kaya hindi tuluyang sumara ang pinto, na para bang natunugan niya ang balak ko kaya nakagawa agad ng hakbang. I moved swiftly and pushed the door hard, walang pakialam kung maipit man siya. He groans in pain but I don't give a single shit.

Mas lalo ko pang tinulak ang pinto at mas lalo lang lumakas ang ungot niya sa likuran ng pinto.

"Nariyan siya sa loob, tinatago mo lang! We need to fucking talk! Ipakita mo si Lalaine sa akin! "

Kumunot ang noo ko dahil matatalo na niya ako sa tulakan. "Go to hell, asshole!"

Lumabas si Lalaine mula sa kwarto niya at namilog ang mata nang makitang nagtutulakan kami ng pesteng lalaki sa pinto. Nawala na ang daliri ni Trix na humarang kanina pero hindi ma-lock ang pinto dahil tinutulak niya mula sa labas.

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon