Chapter 25

214 12 3
                                    

7 AM nang dumating kami sa rest house. Hindi lamang kami ni Lalaine ang babae dahil lahat ng kaibigan ni Nectarine ay may dala rin. May partner lahat. Hindi ko alam kung girlfriend ba ni Roshi ang inaakbayan niya. Nasa isang couch si Ulyssis kasama naman ang babaeng may maikling buhok.

“Hey, guys,” said Basti na kapapasok pa lang sa rest house. Sa likod niya ang babae na hawak niya ang kamay.

Napatingin sa kanilang dalawa ang lahat. Sila ang huling dumating at hinihintay. Dalawa ang dalang bag ni Basti at mukhang nahihiya ang kasama niya. She looked beautiful in her white halter floral dress. Mahaba ang okinawa hair at kahit walang suot na make-up, maganda.

This must be the girl na laging binabanggit ng mga kaibigan nila na agad sinasaway ni Basti. He didn’t like when she was being talked about. He was protective of her. 

Basti’s friends are amused while looking at the girl. They had their eyes twinkling, like they were really pleased to see her. She’s tall and almost reached Basti’s upper ear. 

“Finally…” Luigi said, smiling. “We’ve been waiting for this moment to happen.”

Kakaiba ang ngiti ni Basti, parang ang saya-saya at hindi niya kayang pigilan ang pag-ngiti. Nakita ko rin kung gaano kahigpit ang hawak sa kaniya noong babae. Nahihiya yata at hindi mapakali ang kaniyang mga mata. 

“Hello, Louisiana!” si Roshi ang unang bumati at kumaway pa. “It’s nice to finally be with you.”

“They are my friends…” Said Basti. Isa-isa niyang pinakilala ang lahat, including me and Lalaine. Iyong ibang babae na dala lang nina Luigi, Ulyssis at Roshi ang nagpakilala personally because Basti obviously don’t know their names yet.

“Hi…” She sounds cute and had a sweet voice. Nakangiti ako habang nakatitig sa maganda niyang mukha. “Thank you for welcoming me rito.”

“Guys, you should behave. Don’t freak Isia out,” ani Basti.

“It’s you who should behave. Don’t tell us to,” sabi ni Nectarine na nakasimangot. Nasa couch siya habang naka-dekwatro.

Basti sighed. “You know Nectarine na, ‘di ba?” Ang kausap ay si Louisiana. Tumango naman ito agad sa kaniya. 

“Yup. I am familiar sa kaniya.”

“Why?” I whispered in Nectarine’s ear. Bigla siyang nanigas sa kinauupuan. “Why is she familiar to you? Close kayong dalawa?” I innocently asked. 

“No…” He whispered back. Kumunot ang noo ko dahil bigla siyang naging tensyonado. “She’s the best friend of someone I know. And Basti knew her too.”

Tumango ako dahil mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. Nasa second floor ng rest house ang mga kuwarto. Umakyat na kami roon para ilagay ang mga gamit namin. We were also told that the breakfast will be ready in five minutes.

Lima lamang ang kuwarto kaya kailangan magsama ng iba. Nakipag-talo si Roshi na he will be sharing room with Yullie. Bumuntong hininga ang mga kaibigan niya at tig-iisang sapok ang binigay sa kaniya. Luigi and Ulyssis also want the same thing as Roshi. Dalawang kuwarto na lang ang available. 

“Would you stay in one room with Louisiana, Basti?” Santino interrupted.

Kaming anim na lang ang nasa labas. Nagtakbuhan na ang iba sa mga kuwarto nila at nagsara ng pinto. Sila lang ang nakakaalam sa mga gagawin nila kaya pinaglaban ang mga sariling kuwarto nila. 

“Hindi,” sagot ni Basti. Tumango agad si Louisiana. Hindi pa siguro puwede mag-tabi. “Silang tatlo na lang ang magsama sa iisang kuwarto, tapos tayong tatlo.”

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon