Chapter 14

210 9 3
                                    

Bumili ako ng tinapay sa malapit na bakery. Sobrang sama ng loob ko habang naglalakad dahil nagising ako sa hindi magandang paraan. Umagang-umaga, asar na asar na ako! Kulang na lang ay magiba ang kalsada sa pagdadabog ko.

Bwisit kasi ang Nectarine na 'yon! Pu-pwede naman niya akong gisingin sa tapik o tawag lang, but no! Ang ginawa niya ay malala! Kinagat niya ang tainga ko! Sa sobrang inis ko tuloy ay sinipa ko siya palaglag sa kama. Nakaka-bwisit pa ang tawa niya.

Nakasunod siya sa akin pero ilang metro ang layo namin sa isa't isa. Subukan niya lang lumapit sa akin, sasaktan ko talaga siya. Hindi ko nga alam kung bakit sumama pa 'yan sa akin. As if namang mawawala ako para sundan pa niya!

"I don't understand your anger," he said after ko makuha ang biniling tinapay.

Inirapan ko siya. Nakangisi siya na para bang naaaliw pa siyang pagmasdan akong naiirita. Iyong noo ko ay kunot na kunot, tipong malapit nang magsalubong ang mga kilay.

"Play innocent pa, Santivañez."

"I bit not severely," he replied. Hinampas ko sa dibdib niya ang tinapay. His chuckles become resonant. "You just overly react."

"Masakit kaya!" Napahawak ako sa tainga ko na kinagat niya. Ramdam ko pa rin ang kirot. Talas naman ng ngipin niya. "Ikaw kaya kagatin ko?"

"Which part of me you're going to bite?" Tinagilid niya ang ulo para mas maayos akong mapagmasdan. Mapaglaro ang ngiti sa kanyang labi. He seems extra excited too.

Tumingkayad ako at nakangiwing piningot ang kanyang namumulang tainga. Naging malinaw ang sakit sa mukha niya. Inisang hampas ko pa siya sa dibdib bago naglakad paalis. Sumunod siya and this time, sa tabi ko na siya naglalakad.

Napasulyap ako sa kaniya nang naramdaman na kinuha niya ang libre kong kamay at pinagsalikop ang mga daliri namin. Maliwanag na maliwanag ang ngiti ni Nectarine Santivañez. Kanina pa 'yan, magmula pagkagising.

Namangha yata siya dahil pagmulat ba naman ng mata niya ay kagandahan ko agad ang nasilayan niya. Na-excite pa siguro at sobrang nasiyahan kaya kinagat ang tainga ko habang nasa himbing ako ng pag-tulog.

"Huwag ka ngang ngiti nang ngiti. Sobrang creepy mo." Nakasimangot kong sinabi. Maingat akong naglalakad dahil basa ang kalsada, tapos madulas pa ang slides na suot ko.

"Can't I be happy?"

"Ang weird lang. Ba't ka ba masaya?"

"Because we're walking together." He squeezes my hand, lips slightly raised. "I really want to do this simple thing with you. I mean, I want to do every little things with you."

Hindi ko napigilan ang ngiti ko. Ibig sabihin lang din ay nabola na niya ako at wala na ang inis ko sa kaniya. Pinisil ko rin ang kamay niya at bahagyang sinandal ang ulo sa kanyang matigas na braso. Kinikilig ako sa mga simpleng bagay. It really feels surreal to be this close to him.

"Delikado ka na talaga, Nectarine. Ramdam ko nang mababaliw ka sa akin."

"Wow... " He sarcastically said. "Ako pa talaga."

"Hindi ba?"

He sighed. "Think whatever you want."

"Talaga! Alam ko naman na ikaw ang mababaliw sa ating dalawa," prente at sigurado kong sagot. I could almost flipped my hair.

"Telle, ubos na yata ang load ng pocket WiFi natin," pagpasok pa lang namin sa apartment ay iyon na agad ang sinabi ni Lalaine. "Ayaw na gumana."

"Anong gusto mong gawin ko? Gabi-gabi ka kasing nanonood sa pornhub, nauubos tuloy load natin," sabi ko.

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon