“Nectarine!” Bumangon ako sa kama at dinungaw siya sa kabilang banda. Nainis agad ako dahil imbes na nakayakap dapat siya, nakatalikod siya sa akin! Nakaharap siya sa bedside table!
Nakatabon ng makapal na comforter ang katawan niya. Tahimik na natutulog at nakaunan ang ulo sa kaniyang kaliwang braso. Patagilid ang higa niya, tinatalikuran ako. Dahan-dahan akong umupo sa gitna ng kama.
Bakit ba siya nakatalikod? Nakakairita! Hindi niya na ba ako gustong yakapin?
“Bwisit ka talaga!” Inis na sinipa ko ang puwit niya gamit ang kaliwa kong paa. Umuga siya ng kaunti, at dahil mabilis lang naman kung maalimpungatan, nagmulat siya agad. Kunot noo na nilingon niya ako rito sa likuran niya.
Inaantok pa siya nang napatingin sa akin. Pumupungas pa sa naabutang anyo ko. Imbes na maawa dahil alam kong pagod siya sa duty niya sa ospital, mas nainis lang ako lalo.
“H-hey…” He looked careful when he noticed that I was looking mad. Nanginig ang labi ko dahil sa isang iglap, masama na agad ang loob ko sa kaniya. Naaalarma naman siyang tumihaya ng higa sa kama. “What happened? Are you okay–”
“Ewan ko sa ‘yo! Huwag mo akong kausapin, bwisit ka!” Gigil kong sabi. Letse talaga siya!
“Did you have another nightmare?” He tried to reach for my face but I pushed his hand away. Tears fell in my eyes as my lips trembled. Bumisita ang pagkagulat sa inaantok pa niyang mga mata.
“Tinatalikuran mo ako sa pagtulog! Bakit, dahil ba hindi na ako sexy? Ayaw mo na akong yakapin kasi ang laki ng tiyan ko?!” Paratang ko sa kaniya. Namilog naman ang mga mata niya. “Kapal mo! Pagkatapos mong umiskor gabi-gabi, biglang ganito na lang ang gagawin mo sa ‘kin?”
“Shantelle…” Bumangon siya at sinapo ang magkabilang pisngi ko sa mainit niyang palad. Naguguluhan niya akong pinagmasdan. “Ano ba iyang mga sinasabi mo?”
Tinabig ko ang kamay niya. “Huwag mo akong hawakan, Nectarine! Galit ako sa ‘yo!” Hinila ko ang comforter at itinabon sa katawan ko. I laid down the bed and turned my back on him.
“Ano ba ang problema?” Mahina at maingat ang boses niya. Hinawakan pa ang kamay ko pero tinabig ko lang muli. “Shantelle…”
Kainis siya! Pumikit ako at hinayaan ang mga luha na mahulog. Mainit iyon sa balat ko. Nararamdaman ko si Nectarine sa likod ko. Nakaupo pa rin siya sa bed at parang nagkakamot ng ulo niya. Gayunpaman, hindi ko siya kayang lingunin.
Maaga akong nakatulog kanina dahil sa sobrang pagod habang siya ay may binabasa pang libro na ayaw kong tingnan dahil sasakit lang naman ulo ko. Hindi ko namalayan kung bago ba siya matulog ay niyakap niya ako o pumuwesto na sa ganoong posisyon hanggang sa nagising ako.
Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong nagigising ako na hindi siya nakadikit sa akin. Gusto ko bawat pagmulat ko ay siya agad ang una kong mararamdaman at makikita. Nasisira ang mood ko kapag hindi nangyayari ang gusto ko.
“Bakit ka umiiyak?”
“Wala!”
“Wala?” He wasn’t convinced and his hoarse voice only made me even more annoyed.
“Oo, wala! Bwisit ka lang kasi, e!”
Napaungol siya sa sagot ko. Pero wala akong pake! Kahit ma-frustrate siya riyan, wala akong pakialam dahil naiinis ako sa kaniya!
“Bakit umiiyak at nagmamaktol ang baby ko na ‘yan?”
Letse ka!
“Telle, what’s wrong? Did I do something wrong while I was fast asleep?” Bumaba siya at ipinatong ang noo sa braso ko. His hand went to my stomach and gently caressed it. I quickly pulled his hair with my fingers. “Ah! Aray–”

BINABASA MO ANG
Later It Ends (Alimentation Series #3)
Ficción GeneralALIMENTATION SERIES #3 Broken family, a manipulative mother, guilt tripper sibling, criminal father, and a cheating boyfriend. Shantelle was so unfortunate to have those in her life. For all she knows, she was really unlucky. And even though her lon...