Chapter 3

202 14 2
                                    

The cheater got exposed, and they are now all over the internet.

Tunog nang tunog ang cellphone ko pero hindi ko man lang makuhang tingnan dahil alam ko naman na kung sino ang gumugulo sa akin doon. Magmula pa kagabi, nang nakauwi, tinatawagan na ako ni Elmo. Alam na niya ang nangyari.

Sunod-sunod din ang text messages niya na hindi ko rin naman binabasa. Actually, last two weeks ago pa nang huli ko siyang tinext. And now, umabot na sa hundreds ang unread messages niya sa inbox ko. I didn’t bother myself reading them because I knew already that they were just one of those useless texts he sent.

Napapairap na nga lang ako tuwing dumadating ang mga bagong text niya at pilit na tumatawag kahit pa napaka-labo na sagutin ko ang mga iyon. Sanay na sanay akong hindi siya pinapansin, tapos siya itong hindi pa rin yata nasasanay sa mga ginagawa ko.

I checked my socials kanina when I woke up and to my surprise, marami na ang nakakita sa post. Binabaha na rin iyon ng comments at sa ilang nabasa, inaatake nila sina Elmo at Elina. The evidences were clearly included there. Wala silang maitatanggi dahil leaked conversation nila ang nakalap ko.

Matibay ang ebidensya. Kahit pa anong sabihin nila, mga bobo na lang ang hindi maniniwala sa ebidensyang nakita nila. Because even I, through my both bare eyes, I saw them kissing. I saw them cheating on me, on act.

I am not stupid to believe that what they did was just nothing, and they’re literally just friends! Walang kaibigan ang makikipag landian sa kaibigan niya kapag may girlfriend itong tao. Also, would you kiss your friend? That made-up defense of Elmo was so stupid.

Hindi ko naisip na hindi pa alam nila Mama ang issue, at ang ginawa ko. They are actually spamming me now as well. Nakatitig lamang ako sa screen, walang balak bumangon sa kama dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako.

Hindi ko alam kung nasaan si Lalaine. Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. Hindi pa naman ako lumalabas sa bedroom kaya hindi ko sigurado kung nasa labas ba siya at maagang nagising. Dito ako sa condo niya natulog. Magkatabi kaming dalawa.

Nakakapangilabot tuwing naaalala ko kung paano ako tinanggihan ng lalaki na nakilala ko kagabi. He refused me and I was really embarrassed for myself. It was so shameful to remember how he made me feel.

Tanggap ko naman na tinanggihan niya ako. Pero aaminin kong sobrang masakit sa pride. Gaga rin naman kasi talaga ako. I asked him if he could fuck me, when in fact, there was no hint insinuating that he was actually interested in me. I probably creeped him out.

Hindi niya ako type. Wala naman akong pakialam sa bagay na iyon dati dahil naniniwala ako na it was just natural if someone doesn’t like you. Pero noong sa kaniya ko narinig ang mga salita, sobrang hirap lunukin. Nakakahiya. At nawala lahat ng dugo ko sa mukha.

Sana hindi na kami magkita dahil hindi ko talaga alam kung kakayanin ko pa ba siyang harapin pagkatapos ng nangyari. Baka nga pinagtatawanan na niya ako!

Afternoon ang class ko ngayong araw kaya bumangon din ako agad para maligo. Tuyong-tuyo na ang uniform na nilabhan ko kagabi bago kami umalis ni Lalaine. Sandali ko lang din pinlantsa paglabas ko sa banyo.

“Akala ko wala ka pang balak lumabas,” sabi ni Lalaine nang nakalabas na ako sa kuwarto. Prepared and nakasuot na ng uniform. Magandang-maganda!

“Hindi ka ba papasok?” Kunot noo ko siyang pinagmasdan. Nakaupo siya sa single chair habang nakatutok sa cellphone. Still wearing her silk pajamas.

Malawak ang kaniyang ngiti, tila nalilibang sa kung anong pinagkakaabalahan sa kaniyang cellphone. “Wait lang, nagbabasa pa ako ng away sa comment section.”

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon