AWMB 13- Normalize

467 18 1
                                    

Ushiza_Tsuki


Chapter 13 – Normalize




Time’s POV





“Kung minamalas ka nga naman oh!” Rinig kong reklamo ni Seattle noong marating niya ang pwesto ng kaniyang motor kung kaya’y nilapitan ko siya para alamin ito.






“Bakit brad? Ano ba ang nangyari?” Tanong ko sa kaniya habang papalapit ako sa kanyang kinaroroonan.





“Flat ang motor ko brad. Grabe o, parang sinadyang butasan.” Sagot niya sa akin at ipinakita niya ang gulong ng kaniyang motor na flat nga at grabe ang butas, mukhang sinadya talaga.





“Gago ang gumawa niyan! Napagtripan ang motor mo brad, kung makita ko kung sinong gumawa niyan ay malilintikan yun sa akin.” Naiinis kong wika at lumapit ako sa gulong ng motor para tingnan ang sira nito.






“Hayaan mo na yan brad. Dadalhin ko na lang sa pagawaan.” Kalmang sabi ni Seattle at pumwesto na ito para hilahin na lamang ang kanyang motor para dalhin sa pagawaan.






“Sige, tulungan na lamang kita.”





Alok ko sa kaniya ng aking tulong at tinanggap niya naman ito. Hindi ko ngayon dala ang aking motor dahil napagpasyahan ko kaninang maglakad na lamang. Malapit sa aming bahay ay may pagawaan kung kaya doon namin dinala ang kaniyang motor, malapit lamang ito kung kaya hindi kami ganoong napagod.





“Grabe naman ang tama ng motor mo iho. Napagtripan ito ano?” Tanong kay Seattle ni manong Dodong, ang may ari ng shop na ito at ang aayos ng kaniyang motor.






“Mukha nga manong Dodong. Ikaw nang bahala  diyan ha, gawin mo ulit na pogi ang motor nitong kaibigan ko.” Ako na ang sumagot para kay Seattle, kilala ko naman ang gumagawa dito at customer nila ako, kung kaya sigurado akong merong discount kapag ako na ang nagpapagawa.





“Sige Time, kaso mukhang matatagalan pa itong gawin eh. Siguro bukas niyo na lamang balikan.” Sagot naman sa akin ni mang Dodong.




“Ganoon po ba manong, sige po bukas ko na lamang po babalikan, uuwi na lamang po ako.” Si Seattle habang tumayo na sa kaniyang kinauupuan at humanda na para umuwi.





Nagpaalam kami kay manong Dodong at  lumabas na kami ng kaniyang shop. Malapit lang naman ang bahay namin kung kaya’y naisipan kong yayain muna si Seattle na pumunta doon.




“Brad, pumunta muna tayong bahay. Magmeryenda muna tayo doon at pagkatapos noon ay ihahatid na lamang kita sa inyo.” Alok ko sa kaniya at hindi naman ako tinanggihan nito kung kaya’y tinahak namin ang daan papuntang bahay ko.






“Oh Time anak, nandito ka na. Aba’t kasama mo rin si Seattle, hali kayo pasok kayo para makapagmeryenda na.” Bungad sa amin ni mama noong sa labas pa lamang kami ng pintuan, lumapit kami sa kaniya at nagmano ako, gayundin si Seattle.





“Magandang hapon po tita. Iyan po talaga ang ipinunta ko dito.” Natatawang sabi ni Seattle kay mama. Palaging pumupunta dito si Seattle kung kaya’y nagkakalagayang loob na sila ni mama, at close na close ang dalawang ito, mas close pa nga sila ni mama kesa sa aming mag-ina eh.





“Oh sige, maupo na kayo ni Time dahil ihahanda ko na ang niluto kong biko at gumawa din ako ng cupcake. Sakto ang dating mo Seattle dahil coffee ang flavour ng ginawa kong cupcake, yung favourite mo.” Nagagalak na sabi ni mama at tila ba sabik na sabik na itong ipakita kay Seattle ang gawa niya. Nasisiyahan akong pagmasdan sina mama at Seattle, tila ba anak na ang turing ni mama sa kaniya at nakakatuwa silang tingnan.






Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon