AWMB 36- Katotohanan

561 17 2
                                    

Ushiza_Tsuki


Chapter 36 - Katotohanan


Time’s POV


Nawala na ang kalasingan ko noong dumating si Seattle, ngunit kaunting hilo na lang ang aking nararamdaman. Nagpakalasing ako kasi nawalan na ako ng pag-asang darating si Seattle ngunit mali ako, dumating siya pero late lang. Ang saya ko noong dumating siya pero mas naging masaya ako noong hinayaan niya akong tawagin siya sa tawagan namin. Noong sabihin niya iyon ay doon ako nakaramdam na wala na siyang hinanakit sa akin.






Noong lasing na lasing ako kanina ay walang tigil ang aking pag-iyak dahil sa lungkot na aking nadarama, buong akala ko ay hindi ako sisiputin ni Seattle. Nakatulog na lamang ako ng umiiyak at tinatawag ang kanyang pangalan. Oo, lasing ako pero tanda ko ang ilan sa mga pinanggagawa ko. Masaya ako dahil paggising ko ay nakahiga ako sa kanyang kandungan.





Ngunit hindi ganoon kabuo ang saya kong naramdaman dahil sa sitwasyon namin ngayon ni Seattle, nakamove-on na siya at meron na siyang girlfriend.





“Mahal mo pa rin ba ako brad?” Nagulat ako sa tanong na ito ni Seattle kung kaya’y napatitig ako sa kanya ng todo at hindi ako nakapagsalita kaagad. Bago ko sagutin ang kanyang katanungan ay inubos ko muna ang huling patak ng beer.







“Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa iyo brad eh. Mahal kita noon, minahal kita ng anim na taon at hanggang ngayon. Mahal pa rin kita.” Seryoso kong pag-amin sa kanya habang tinititigan ko ang kanyang mga mapupungay na mata. Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha ngunit pinilit niyang huwag itong ipahalata sa akin.





“Ngunit…”





“Ngunit may mahal ka nang iba at hindi na ako iyon. May girlfriend ka na at masaya kayo.” Pagpigil ko sa kanyang sasabihin at binigkas ang mapait na pangungusap na iyon. Hindi ko na napigilan pang pumatak ang aking mga luha matapos kong sabihin ang mga iyon.







Bigla siyang lumapit sa akin at inilagay niya ang kanyang palad sa aking mukha. Iginalaw niya ang kanyang hinlalaki at pinunasan nito ang aking luha. Pero sa ginawa niyang iyon ay mas lalong pumatak ang aking mga luha.






“Mahal kita pero sinaktan kita. Mahal kita pero hindi ako gumawa ng paraan para hanapin ka. Mahal kita pero hindi ako gumawa ng paraan para magkabati tayo. Umasa lang ako na bumalik ka at umaasa lang ako na kapag bumalik ka ay mahal mo pa rin ako. Ngunit…. Dahil hindi ako gumawa ng paraan ay nahuli ako. Hindi na ako ang mahal mo. Patawad dahil wala akong ginawa.” Pagbuhos ko ng emosyon kay Seattle, hindi ko na napigilan ang aking damdamin at bumigay na ito. Ang gustong sabihin ng aking puso ay nailabas ko na lahat. Gumaan ang pakiramdam ng aking puso ngunit meron pa ring sakit na nararamdaman ito.







“Sigurado ka ba sa sinasabi mong iyan?” Tanong sa akin ni Seattle habang pinupunasan pa rin nito ang aking mga luha.






“Oo, nakamove on na ako brad.” Dagdag pa nito kung kaya’y napayuko na lamang ako. Ngunit dahil hawak niya pa rin ang mukha ko ay iniharap niya ako sa kanya.






“Nakamove-on na ako sa sakit na binigay mo. Pero hindi pa ako nakakamove-on sa iyo.” Nakangiti niyang sabi sa akin. Nagulat ako sa sinabi niyang iyon at hindi na naalis ang pagkakatitig ko kay Seattle. Iprinoseso ko muna sa aking isipan ang binitawan niyang pangungusap.






“Pero may girlfriend ka. Si Nesh.”




“Sino sa iyo ang nagsabi?”




Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon